Chapter 3
By your side.
Sinundo ko si Sabrina sa kanila at sabay kaming pumunta ng eskwelahan.
Habang naka-sakay kami sa kotse ko ay tahimik lang siya. "May problema?" Di ko mapigilang itanong.
Pero hindi niya ko sinagot. "Uy, Babe." Sabi ko at inabot ang kamay niya habang ma-ingat pa rin akong nagda-drive.
Binawi niya ang kamay niya. "Baka ma-aksidente tayo." Malamig na sabi niya.
Aray. Sakit nun ah.
Tumahimik nalang rin ako at kumanan para maka-pasok sa loob ng school.
Pagka-park ko ay agad akong bumaba at pinagbuksan siya ng pinto.
"Sab." Tawag ko sakanya bago pa niya ko iwan.
"Sure kang okay ka lang?" Seryoso ko namang tanong.
Hindi siya sumagot pero niyakap nalang ako kaagad.
Bigla namang tumibok yung puso ko ng sobrang bilis. Hindi na ito normal.
"Chumachansing ka lang, Sabrina eh. Hahaha." Pagbibiro ko.
Tumawa siya at hinampas nalang niya ko sa dibdib pagkatapos niyang humiwalay sa yakap.
Nagsimula na siyang maglakad at sumunod naman ako at inakbayan siya.
"Nag-away sina papa kagabi eh. Umalis siya ng bahay." Malungkot niyang sabi.
Habang sinasabi niya iyon ay pakiramdam ko maya-maya ay iiyak na siya.
Maaga pa naman kaya binilhan ko muna siya ng makakain saka kami dumiretso sa garden at na-upo sa ilalim ng puno.
Isinandal niya ang ulo niya sa'kin at nanahimik lang.
"Nagugutom ka ba?" Tanong ko.
"Yes.."
"Lika kain muna tayo, hindi pa tayo nag-uumagahan eh." Sabi ko at inilabas ang binili ko sa kanyang burger at tubig.
Pansin kong naka-simangot pa rin siya habang naka-tingin sa mga pagkain.
Agad ko namang inilabas ang fries at napa-ngiti siya don.
Kumain lang kami parehas at nauna akong matapos.
Kinuha ko ang camera ko sa bag at palihim na pinicturan siya.
Natawa pa ko kasi zinoom ko talaga iyon sa mukha niya. At nahuli niya ko.
"Ugh! Stop it, East!" Sabay takip sa mukha niya.
Tumawa nalang ako bago kunan ang mga batang estudyante na naglalaro rin dito sa garden.
Malaki kasi tong garden. Parang isang park na nga ito sa laki at may playground pa.
Maya-maya ay itinago ko nalang ulit yung camera ko sa bag at tinulungan si Sabrina na mag-ligpit ng kinainan namin.
Tumayo ako sa pagkaka-upo ko at tinapon ko ang mga basura namin ni Sab sa basurahan tsaka tinignan ang orasan. May 30 minutes pa.
Umupo ulit ako sa tabi ni Sab at sinandal niya ulit ang ulo niya sa balikat ko. "Babe..." sabi niya.
Napa-tingin naman ako sa kanya at nagulat ako kasi umiiyak siya. "Uy..." sabi ko. Hinawakan ko ang magkabilang pisngi niya at hinarap sa akin. Pinunasan ko ang mga luha niya at hinalikan siya sa noo.
Inilapit ko siya sa akin at niyakap. "Shh.. bakit?" Tanong ko habang hinahagod-hagod ang balikat niya.
Lumayo siya ng kaunti sa akin at pinunasan ang luha niya. "Feeling ko iiwan na kami ni daddy." At humagulgol siya.
"Sab... hindi mangyayari yun. Magkakaayos sila. Okay? Magiging ayos rin ang lahat sa family ninyo. Yun yung isipin mo, ha. Hindi sila maghihiwalay."
"Pero nakita kong pinagbuhatan ni papa ng kamay si mama. Nakita ko yun, East. At nasasaktan ako."
Niyakap ko nalang siya ulit at paulit-ulit na hinalikan ang buhok niya. "Shhh.. tahan na... wag mo munang isipin yun, ha? Tahan na, Sab wag ka ng umiyak."
Ganoon lang kami sa sumunod na oras. Hindi muna kami um-attend sa unang klase namin. Sinabi ko nalang na masama ang pakiramdam ni Sabrina at kailangan niya lang magpahinga sandali. Akala nila ay nasa clinic kami pero nandito parin kami sa garden. Buti nalang at walang masyadong dumadaan dito at naka-talikod kami ni Sab.
Naka-higa lang siya sa balikat ko at natutulog. At pansamantala ko ring nakalimutan na laro lang namin ang lahat. Na hindi talaga totoong may kami. Pero wala na rin akong panahon pa para isipin iyon.
Basta masaya ako. At alam kong masaya rin siya. Yun nalang muna. Wala munang talo, at wala munang panalo. Sa ngayon ay kailangan ko siya at kailangan niya ko.
-
Sa pangalawang klase ay naka-pasok na kami ni Sab. Since hindi kami magkaklase sa oras na yon, ay hinatid ko na lang muna siya sa room niya bago ako pumunta sa klase ko.
Habang naglalakad ako ay napa-isip ako. Parang bigla ko nalang naisip na itigil ang laro namin ni Sab at gawing totoo ang lahat.
Psh, bakit ko ba naisip yun?
Isa yong malaking kalokohan.
KALOKOHAN.
Ayan! Nalampasan ko tuloy yung room namin sa tindi ng iniisip ko.
Pumasok ako doon at luckily, wala pang teacher. Agad akong umupo sa tabi ni Adrian. Siya lang kasi yung parte ng barkada na kaklase ko sa oras na to.
"Oh pre bakit ngayon ka lang?" Tanong niya.
"Sab." Maikli kong sagot.
"Ahh.." sabi niya. "Ano, na-realize mo na bang gusto mo talaga si Kara?" Napatingin ako sa kanya nang magtanong siya.
(Kara Sabrina. I'm sure aware naman kayong yan ang tunay na pangalan ni Sab. Sabrina ang tawag ko sa kanya habang siya naman ay Easton ang tawag sakin. Walang karapatang tawagin ako ng Easton ng ibang tao, yun ang sabi ni Sab. Hehe. Sweet 'no?)
Sa magbabarkada kasi, si Adrian lang ang may alam na wala talagang kami ni Sab. Pero feeling ko ay alam na ng buong barkada pero, hays. Wala na kong pake.
"Hindi ko siya gusto, Adrian."
"Oh eh bakit ang tagal niyo ng may relasyon? Wala paring naiinlove?"
"Oo. Eh ganun nga yung laro namin diba."
Umiling nalang si Adrian. "Ewan ko sa inyo. Labo niyo pareho eh halata naman na gusto ninyo yung isa't-isa."
Parang medyo tumalon ang puso ko sa sinabing iyon ni Adrian.
Pero bakit? Bakit parang ang saya ko kung iisipin kong gusto ako ni Sabrina?
Napa-iling nalang ako sa isip ko.
Hindi parin talaga pwede.
--
Short hehe.