Chapter 5 *His Mom*

252 6 0
                                    

Tristan's POV

"WHAT?!" Bigla akong nawala sa pagmomoment ko nung narinig ko ang hallucinating voice ni Alex.

"Oh? Problema mo?" Nagtataka kong tinanong sa kanya, pero tinignan niya lang ako with her worried eyes.

"Tristan.." I could feel the worried in her voice. Tinignan ko siya na para bang nalilito ako.

"Bakit?" I gave up. Di ko gets ang nangyayari.

"Mukhang tinotoo ni mama yung sinabi niya.." I looked at her with a what-do-you-mean facial expression on my face

"She cut my allowance, idiot!" Ohhhh! I wasn't surprise anymore dahil alam ko na nagagawin yun ni Tita. I shook my head before I took my wallet and payed all the bills. While Alex on the other hand is looking worried and ashamed at the same time.

"Oh ayan na. You owe!" I told her before finishing the last bite on my plate. She smiled at me awkwardly.

"Tristan, pasensya na ah.."

"Pasensya? Saan?"

"Kung hindi ko sana binili yung Prada edi sana may pera pa ako." Sabi niya na parang nanlulumo

"Sus! Okay lang yun."

"Pero Tristan, paano na ako ngayon niyan? Walang wala talaga ako.." I looked at her sadly. Gusto ko sana siyang tulungan kaso baka mapahamak lang siya sa trabahong yun.

"Paanong walang wala?" Umiling siya

"Wala talaga, kasi supposedly ngayon dapat ako papadalhan ni Mama, kaya inubos ko na lahat."

"WHAT?! Alex! Ano ba naman yan?!" I said panicking. She bowed her head and sighed.

"Akala ko kasi hindi gagawin ni Mama yun eh. Sorry na Tristan! Wag ka naman magalit sa akin oh.." I sighed heavily. Hay nako Alex! Kung hindi lang talaga kita best friend matagal na kitang iniwan sa ere.

Tumingin siya sa akin na parang nagsusumamo. Which I know na may hihinging pabor 'to sakin. Kaya bago pa siya magsalita ay inunahan ko na ito.

"Come on Alex, spit it out." I rolled my eyes.

"Pwede bang mag-maid nalang ako sa inyo?" Halos mabilaukan ako sa sinabi niya. Ano daw? Maid?!

"Hello? Ikaw maid?! Parang hindi ko ata maimagine yun ah.." I said teasing her, kaya naman ibinato niya sa akin yung tissue na hawak niya.

"Seryoso kasi Tristan! Hindi naman ako nagbibiro eh." Halatang naiinis na siya kaya tumigil na ako sa pagbibiro. Hay nako Alex, hindi mo alam ang gulong papasukin mo.

Alex's POV

Minabuti na muna naming umuwi ni Tristan sa mansion nila para makaisip kami ng paraan sa problema ko. Waaaah! Hindi ko ata kakayaning walang pera. Iniisp ko palang halos himatayin na ako. Paano nalang yung mga Prada at Louis Vuitton ko?! Ang tagal ko pa namang hinintay yung stock nun para mabili ko lang, tapos wala na pala akong pera? Haaay.

Pero sa totoo lang, lalong hindi ko naman kakayaning maging mahirap! I'm so done being poor. Bahala na si batman, pero hinding hindi ako babalik sa pagiging mahirap ko.

"Oh, uminom ka na muna. Mukhang stress na stress ka!" Sabay abot ni Tristan sa akin ng juice.

"Tristan, I don't think I can do this." Sabi ko habang nakahawak sa dibdib ko.

"Sus! Para yan lang eh. Maghanap ka ng trabaho!" Baliwala niyang sabi

"Umayos ka Tristan ah, imbes na tinutulungan mo ko nangaasar ka pa." I rolled my eyes.

Antagonist of MenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon