It's all about Alex today! No Luke and Tristan, laspag na laspag na sila. LOL =)) Tska, Let's pray for Philippines :( Kawawa naman sila, binagyo na naman. :( Sana okay ang aking mga friends and relatives ko diyan. Please be safe there, guyth!
Alex's POV
Pagkatapos kong iwan si Ford sa ospital, kusa nalang akong dinala n mga paa ko sa kung saan.
Nakaupo ako sa ilalim ng puno sa park habang pinapanuod yung mga bata na maglaro at maghabulan. Sana naging bata nalang ako, atleast walang sakit sa ulo. Nauuto man ako, atleast hindi big deal.
Hanggang sa bigla nalang akong nagulat ng may nag-abot sa akin ng puting panyo. Parehas na parehas sa panyo na binigay din ni Miko sa akin dati.
Inangat ko yung ulo ko para tignan kung sino 'yon.
At hindi nga ako nag-kamali.
"M-Miko? Pero paano, b-bakit?" Naguguluhan kong tanong sa kanya, he smiled at me meaningfully habang pilit niya pa din inaabot sa akin yung panyong puti.
Kinuha ko 'yon at ngumiti ng pilit. "Salamat." Mahina kong sabi, ni hindi ko nga alam kung nainig niya ba 'yon o hindi.
"Can I join you?" I nodded immediately. He sat beside me, hindi ako kaagad nakapag-salita nang mapansin ko na parang may bago sa kanya.
Bagong gupit ang loko, isa 'yon sa pinaka gusto ko sa mga lalaki, yung clean cut, ang presko kasi nila tignan. Napansin ko din yung pisngi niya na mala-rosy pink.
Basta, to sum everything up. Gwapo si Miko. Good boy na good boy ang dating niya sa akin, parang anghel siya.
"Cute ko noh?" Natawa ako bigla sa sinabi niya. True though, cute naman talaga siya.
"M-Miko, paano mo nalaman--"
"Tss, drop that Alex, wag mo na alamin kung paano kita nahanap, dahil baka hindi ka pa maniwala. Ang mahalaga," he held my hand. "I'm here." And smiled.
"Salamat, ah? Lagi ka nalang nandyan kapag kailagan kita." Nalungkot yung tono ko bigla, si Tristan kasi ang dati kong kasama tuwing may problema ako.
Siya yung clown ko tuwing umiiyak ako, tuwing may problema ako. Kaya hirap na hirap ako ngayon, kasi feeling ko lalong lumalayo ang loob niya sa akin.
"Drama, Alex. Alam mo, tuwing nakikita kita, lagi ka nalang malungkot! Hindi ka ba naawa sa akin? Wala na akong panyo oh. Nakakadalawa ka na!" And for the second time, napatawa niya na naman ako.
Binatukan ko siya ng malakas na halos maalog na yung utak niya sa loob.
"Sino ba kasi may sabi sa'yo na bigyan mo ko ng panyo palagi?" Sapo sapo niya ang ulo niya habang pilit na minamasahe 'yon.
"Sakit nun ah." Reklamo niya. "Tsaka ba't ba? Trade mark ko yun, para pag nakakita ka ng panyo, ako agad maiisip mo. Sweet noh?" Siniko-siko niya ako with matching beautiful eyes pa.
Awwh, ang cute ni Miko!
"Bakit ang sweet mo sa akin?" Hindi ko mapigilang itanong sa kanya, inakbayan niya ako na parang pag-syota kami at kinindatan.
Jusme, ang sarap ipalapa sa T-rex, umaapaw sa ka-kyutan!
"Seryoso kasi, ba't nga?" I pouted like a kid as I rest my head at his shoulder.
"Wag ka nga mag-pout diyan! Sige ka iki-kiss kita." At naka tanggap na naman siya ng isang malakas na batok galing sa akin.
"Aray! Nakakadami ka na talaga Xandra!" Tumingin ako sa kanya ng parang natatawa na ewan, no one ever dared to call me Xandra before, siya pa lang.
BINABASA MO ANG
Antagonist of Men
Ficção AdolescenteOne day I'm gorgeous and rich, until my parents cut me off, so I was forced to find a job to support myself, then I just find myself being 'his' maid. It's never easy being with him, cause he is not a typical guy you thought. He's half demon and hal...