I'm sorry! Buhay estdyante lang talaga. Plus nawalan pa kami nang net! Pero anyways, may net naman na kami kaya worry no more makakapag update na po ako regularly. :) Happy reading peeps!
Chapter 11 Part 1 *The Kiss*
It was still morning when Ford decided to attend the race rehearsal. Ang sabi niya kasi kaya lang naman daw siya a-attend dun kasi bored siya, at hindi dahil gusto niya talaga mag-practice. Medyo nakaka-inis nga lang dahil sigawan nang sigawan yung mga tao. As if naman worth it yung mga pagsigaw-sigaw nila. Mukha ngang not affected si Ford. Wapakels talaga yung tao na yun.
Nang makarating kami sa field, hindi ko na kaagad maalis ang tingin ko sa mga nakaparada na sports car sa gilid. Aaminin ko na talagang manghang-mangha aml sa mga nakikita ko. Lalo na nung makita ko pa ang mga co-racers ni Ford. Requirement ba talaga ang pagiging gwapo pag racer ka? They're all undeniably handsome- Syempre kung nandito si Ford, pwede ba namang mawala ang mga fans niya? -__-"
-
Magiisang oras na akong walang ginagawa dito, kundi ang panuorin siyang tapusin ang 10 laps na pinapagawa sa kanila. Kanina pa din ako naiinis dahil sa mga katabi kong mga babae na walang ginawa kung hindi tumili nang tumili.
"Pwede bang wag kayo masyadong maligalig? Kanina pa sabog eardrums ko kakasigaw niyo eh." I smiled sarcastically. Nanlisik ang mga mata nito at biglang siyang tumayo.
"How dare you say that in front of my face! Sino ka ba? Ha?" Sa sobrang inis ko ay napatayo na din ako nang wala sa oras.
"How dare you, your face! Tska pakielam mo ba kung sino ako?" Halatang nagpipigil nalang siya nang inis niya sa akin. Yung isa naman niyang kasama ay hinahawakan na siya sa braso. Tama yan, magsuportahan kayong dalawa.
Pareho kaming nagsukatan nang tingin. Aakmang magsasalita pa sana siya nang biglang may pumagitna sa aming dalawa.
"Woah! Girls, what's the commotion about? Ako ba ang pinagaawayan ninyo?"
"M-Miko?" My eyes widened. Anong ginagawa nito dito?
"Wow! Di lang pala yung girlfriend yung makapal mukha. Pati din pala yung boyfriend! Bagay kayong dalawa, kala mo kung sinong maganda!" Sa sobrang inis ko at hindi ko na napigilan ang sarili ko hablutin ang buhok niya pabalik.
"Hindi pa tayo tapos!" I grimaced. "First of all, I'm not his girlfriend, second, hindi makapal mukha ko. Dahil mas makapal yang taba mo!" Hinawakan na ni Miko ang braso ko at dahan dahan akong hinila papalayo sa kanila, pero pinigilan ko siya. "And FYI, maganda talaga ako! Kaya maingit ka!" Inawat na ako ni Miko pagkatapos at dinala ako sa Staff room para pakalmahin.
Inabutan niya ako nang tubig na kaagad ko namang ininom.
"Tapang mo naman!" Nakangiting niyang sabi, tinignan ko siya nang masama at inirapan.
"Wag mo ko simulan, Miko." I said sternly. Ang hirap talaga maging maganda palagi. Madaming naiinsecure!
"Sorry naman! War freak ka pala talaga." Sabi niya nang may nakakalokong ngiti.
"Talaga!" I said with confidence. But honestly, nanghihina na talaga ako. Nakakagutom naman kasing manuod nang laban ni Ford! Boring kaya.
"Gutom ka na ba?" There's a sudden change of mood when I heard him say it.
"Tumunog ba tiyan ko?" I asked. He looked at me stunned.
"Kailangan pa bang tumunog ang tiyan mo bago ka kumain?" He chuckled weirdly.
"Oh." Now that's awkward. "Please buy me fries and pepsi. That will do." I half smiled.
"I'll buy you, if and only if," He leaned closer.... He leaned closer just to.... Just to... Grab my hand. "You'll come with me." Hindi na ako tuluyang nakapagsalita dahil bigla niya nang kinuha ang kamay ko at hinila papalabas.
-
Nakarating kami ni Miko sa isang restaurant. Ewan ko ba sa kanya, fries at pepsi lang naman ang hinihingi ko tapos nakarating pa kami dito. But on the other hand, okay na din kasi inilibre niya naman ako nang agahan/lunch. Naguguluhan din kasi ako kung agahan pa ba 'tong kinakain ko o tangahalian na!
"Hinay hinay lang.." Sita sa akin ni Miko. Medyo na-conscious tuloy ako. "Akala ko ba sosyal ka? Bakit parang ngayon ka lang naka-kain nang masarap?" He smirked. Bigla niya namang pinunasan ang gilid nang labi ko na ikinabigla ko.
"Paano mo nalaman na sosyal ako?" Agad kong tanong sa kanya.
"Sabi ni Tristan, alam ko na lahat nang rason mo kung bakit ka pumasok bilang katulong ni Ford.." He half smiled. "Worry no more, Alex. Ibinilin ka ni Tristan sa akin, so if you need something, feel free to ask me." Now I feel really secured around Miko.
"Ginawa ni Tristan yun?" Awww Tristan. :")
"Yes. Ganun ka kamahal nang bestfriend mo. Swerte niya nga sa'yo eh." Parang may kung anong lungkot sa mga mata niya nang sinabi niya 'yon.
"Ano ka ba! Ako nga dapat ang maging maswerte eh. Sobrang bait ni Tristan sa akin.." Kahit bad influence ako sa kanya hindi niya pa din ako iniiwan.
"Ano ba yan! Wag na nga tayo magdramahan. Tara na, baka hinahanap ka na nang amo mo!" Binayaran niya na ang mga kinain namin at umalis.
Napagdesisyonan namin na lakarin nalang pabalik. Tutal walking distance lang din naman. Habang naglalakad kami ay panay din ang kwento ni Miko tungkol sa buhay niya. Nakakatuwa lang isipin, dahil ang buong akala ko kasi masayin lang siya dahil wala siyang problema. Ayun pala, yun lang ang paraan niya para itago ang mga problema niya.
Nang makarating kami ay kaagad na humiwalay na ako sa kanya para balikan si Ford. Pinuntahan ko ang pwesto ko kanina para kunin ang mga gamit niya, but shock filled my face when I found out that his things are already gone. And so does him.
Patay.
Baka iniwan na ako nun! Kumaripas ako ulit nang takbo kahit hindi ko naman talaga alam ang pupuntahan ko. Kung ako si Ford at nalaman niya na nawawala ako, saan ba ako pupunta? Sa banyo? Sa food court, sa staff room, sa dressing room, or uuwi? Waaah! Hindi, hindi ako iiwan ni Ford!
"Ay excuse me? Nandito po ba si Ford sa loob?" Tanong ko sa babaeng nakatayo sa labas nang dressing room ni Ford.
"Ahhh, sino ka?"
"P.A niya po ko." Sagot ko dito nang nagtataka.
"Ah, ikaw nga yon!" Tinaasan ko siya nang isang kilay. Anong pinagsasabi nito.
"Ang alin po?" I said awkwardly.
"Ikaw yung hinahanap ni Sir Ford kanina. Galit na galit nga siya eh. Kanina ka pa kaya nun hinahanap." Sabi niya na may pagaalangan sa akin.
"Sigurado po kayo?" Malay mo naman hindi ako yung tinutukoy niya.
"Nako! Ikaw lang naman ang nagiisa niyang PA. Kaya kung ako sa'yo pumasok ka na. Baka nagaalala na yun sayo." Sabi niya bago umalis.
Mukhang mas lalo tuloy akong kinabahan ah. Si Ford magaalala sa akin? Jusko, baka nga kahit mamatay ako sa harap nun tawanan lang ako nun. I sighed heavily as I twist the door knob gently opening it..
Pero halos malaglag ang panga ko sa sumunod kong nakita. Dalawang taong naghahalikan habang nakakandong yung babae sa lalaki.
"A-Alex?"
To be continued...
BINABASA MO ANG
Antagonist of Men
Roman pour AdolescentsOne day I'm gorgeous and rich, until my parents cut me off, so I was forced to find a job to support myself, then I just find myself being 'his' maid. It's never easy being with him, cause he is not a typical guy you thought. He's half demon and hal...