A/N: Malapit na 'to matapos, nafi-feel ko na talaga hindi lang halata. Basta gusto ko na matapos 'to, okay?!? :"> Eggzayted na kooooo! Papakasalan na daw kasi ni Luke si Romina. Chaaarott! Kinikilig ako aa dalawang 'yun. KShare! XD
Alex's POV
"Ughhh!" I groaned horsely. Three days na ata akong hindi bumabangon sa kama ko.
Syempre may joke, marunong din naman ako magutom noh!
Laking pasasalamat ko na lang talaga at may mga stock si Tristan na iniwan sa cupboard kaya may nakakain ako. Pero bukod dun, wala na akong ibang ginawa, tulog at kain lang ako magdamag. Gaya ngayon, ang init init na naman ng pakiramdam ko. Lalagnatin na naman ata ako. Nyemas!
Napasapo ako sa sentido ko at pilit na itinayo ang sarili ko, pero wala, sumuko din ako. Pumirmi nalang ako habang nakapikit, hoping na makakatulog ulit ako pero shetiness lang, bigla ba namang tumunog ang phone ko.
Using my free hand, kinapa ko 'yun sa side table at sinagot habang nakapikit.
"Hello.." I said in a groggy tone.
("Buti naman at sumagot ka pa. May balak ka ba'ng umalis diyan sa condo mo? Nagaalala na ako sa'yo.") sunod sunod na sabi ni Tristan sa akin. Oo alam ko siya 'yun. OA mag react eh.
"Sorry ah? Masyado ko lang na-enjoy ang condo ko. Namiss ko kasi siya." Sabi ko nalang. Hay nako, Alex! Lies lies lies!
("Gusto mo ba papuntahin ko si Miko diyan? For God's sakes 3 days ka nang hindi lumalabas diyan. O kaya ako nalang pumunta diyan?") I rolled my eyes mentally.
"Okay ako. Chill! Tsaka wag mo na papuntahin si Miko, please? Pati ikaw, wag na din. Wag ka mag alala, hindi ako magpapakamatay! OA mo talaga."
Natawa nalang ako sa mga pinagsasabi ko. Grabe nagawa ko pang magbiro.
("Tsk. Oo na sige. Tawagan mo nalang ako ah. I'll be here.")
"Okay, I will. Babush!" I said and hang up. Minsan talaga kailangan mo lang ng acting skills eh.
Na-master ko ata ang art of acting.
Hay, Alex. Hanggang kelan ka kaya magpapaka-miserble? Tss.
Maya maya pa, nakaramdam na ako ng gutom. Sinubukan ko'ng ibuka ang mata ko para tignan kung anong oras na pero pakiramdam ko ang dami dami kong muta! Dahil siguro pagiyak ko kagabi.
Gamit ang mga kamay ko, pinilit ko'ng ibukas ang mata ko.
11:39 AM. No wonder gutom na ako. Tsk! Paano ako kakain niyan?
Hinang hina talaga ang katawan ko, kaya itinulog ko nalang ulit 'yung gutom ko. Saktong nagpapa-antok na ako nun nung maramdaman ko'ng nagbukas ang pinto ng condo ko.
Aysus. Sabi ko na nga na wag na pumunta eh. Kulit talaga nitong Tristan na 'to!
Pinakiramdan ko lang ang sumunod na gagawin niya, narinig ko yung yabag ng paa niya na papalapit sa akin.
Hanggang sa may sumapo sa noo ko na ikinagulat ko. Nagulat ako pero hindi ko ibinukas ang mga mata ko.
Parang nakuryente ang katawan ko sa ginawa niya. Parang pinagpapawisan ako ng malagkit na ewan. Anyare, Alex?
Narinig ko ang pagpatay niya ng aircon ko. Hindi kaya si Miko 'to? Kasi alam ni Tristan kung gaano ko ka ayaw na patayin ang aircon kahit naninigas na ako sa lamig!
Agad na naman akong nawala sa wisyo ko nung sinapo niya naman ang bandang leeg ko. Dumoble ang kuryente na naramdaman ko. Jusko, ilang volts ba yan?!
Pagkatapos niyang alisin ang kamay niya, narinig ko pa'ng napa-tsk siya. Wow ah, siya pa naiinis? Ano 'to?
Naramdaman ko na umalis siya sandali at bumalik din agad. Nagpabalik balik lang siya ng lakad hanggang sa parang may lumubog na part ng kama. Umupo pala siya sa gilid ko.
May idinampi siya sa noo ko na bimpo na malamig, pero hindi ko alam kung bakit pero parang kinabahan ako ng sobrang bilis. Pakiramdam ko tinititigan niya ako.. Kung sino man 'to.
-
"Alex, drink this.." At ayan, nagsalita na naman siya. Aware ba siya na tulog kinakausap niya? O aware siya na nagtutulug-tulugan lang ang kausap niya?
Kanina pa ako hindi makatulog dahil sa kanya. Ewan ko! Basta tuwing magkakadikit ang mga balat namin, kusa nalang ako nakukuryente. Ba't ba kasi nandito to? Sino ba siya?!
Inalalayan niya ang likod ko at ibinuka ang bibig ko, pinainom niya ako ng gamot at tubig tsaka isinandal sa headboard ng kama. FYI hindi ko pa din ibinubukas ang mga mata ko.
"Say ahh.." At sinunod ko na naman ang sinabi niya. Maya maya naramdaman ko nalang na kumakain na pala ako ng lugaw. Infairness, masarap!
Mga limang minuto rin ata niya akong pinakain tapos inihiga niya din ako sa kama ulit. I'm just really bothered now. Who is this person? Seriously?! Although alam ko na lalake siya. Wala lang, feel ko eh!
Sa sobrang busy ko sa kakaisip kung sino ba talaga siya, hindi ko na namalayan na may bigla nalang tumabi sa akin at niyakap ako.
Ibinababa niya ang ulo niya malapit sa leeg ko kaya ramdam na ramdam ko ang paghinga niya. S-hit! Para na naman akong nakukuryente na ewan. I tried to calm myself but the next thing he did made my heart skipped a beat.
He kissed my neck and whispered something which I don't what it was.
His hugged tighten kaya mas lalo akong nahirapan sa paghinga ko. Para akong aatakihin sa puso sa sobrang kaba na nararamdaman ko. He reached my right hand and squeezed it lightly. He intertwined our hands and all of a sudden I felt his lips brushing my hand.
Asdfghjkl! Ano ba ginagawa niya?!
Then I heard a squeaky noise coming from my bed, until I felt something heavy is on top of me. Holy s-hit! I could feel his warm breath touching my face. Mas lalo na naman kumabog ang dibdib ko, parang anytime lalabas na ang puso ko sa sobrang kaba.
"I've been wanting to do this.." A familiar voice.. I know who owns this voice..
At sa sandaling 'yun, ang huli ko nalang alam ay hinahalikan na niya ako. Habang ako naman, I can't help not to respond, he's a good damn kisser! Kahit may sakit ako naakit niya ako. Sa pagkakataong 'yun, I tried opening my eyes, and halos malaglag ako sa higaan.
F-Ford?!
-
I didn't know how long our kiss lasted but the next thing I knew is I was sleeping. Hindi kaya nakatulog ako habang naghahalikan kami? Imposible.
Kinapa ko ang kama para malaman kung nasa tabi ko pa siya, but to my surprise, wala na siya.
Sinapo ko naman ang noo ko para kunin ang towel na nilagay niya kanina. Pero bakit wala na?
Damn! Hindi kaya nagha-hallucinate lang ako?
I shook my head.
Hay nako! May sakit ka nga talaga, Alex.
-to be continued-

BINABASA MO ANG
Antagonist of Men
Novela JuvenilOne day I'm gorgeous and rich, until my parents cut me off, so I was forced to find a job to support myself, then I just find myself being 'his' maid. It's never easy being with him, cause he is not a typical guy you thought. He's half demon and hal...