👓
Chapter 5 A Day with him
Krystal
Weekend ngayon kaya nakatunganga lang ako sa kwarto ko at nag iisip kung anong pwedeng magawa ngayong araw na ito.
Mag isa lang kasi ako dito ngayon sa bahay dahil may pinuntahan si Ice. Napasimangot naman ako ng biglang tumunog at tyan ko.
Nagugutom na ako...
Napabuntong hining nalang ako. Sa monday pa kasi ang balik ng mga kasambahay namin kaya hanggang ngayon nag ti-tiis pa din kami ni Ice sa mga fastfood.
Kahit ayokong umalis ng kama ay tumayo na ako at naligo.
Kung hindi ako kikilos baka mamatay ako sa gutom.
*after an hour*
Hmm saan kaya pwede makakain?
Then bigla nalang pumasok sa utak ko si Nerd, I mean yung restaurant na pinagtra-trabahohan ni Nerd.
Doon na lang kaya?
Tutal malapit naman yun dito sa subdivision namin.
Ini-start ko na ang kotse at nag drive.
Pag dating ko sa resto iginala ko agad ang mata ko at napangiti ng makita ko sya na may hawak-hawak na pagkain at nag se-serve.
Wait what!?
I mean napangiti ako dahil meron pang table na available.
Pag upo ko may kumuha na agad ng order ko.
Napakunot naman ang noo ko ng hindi sya ang nakita ko na kukuha ng order ko.
Kahit na aasar ako ay binigay ko nalang din ang order ko.Habang naghi-hintay ng order ko ay merong umupo sa harapan ko na impakto.
"Miss me?" Sabi ni Reygun na basta nalang umupo sa tapat ko ng hindi nag papaalam.
"No" Sabi ko at inirapan sya. Napa ngisi nalang sya at tumawag ng waiter para umorder.
Kinalikot ko na lang ang phone ko para naman mabawasan ng kahit kunti ang pag ka bwisit ko ngayong araw at hindi na pinansin ang lalaki na nasa harapan ko.
"May I take your order sir?" Mabilis kong inangat ang tingin ko ng marinig ang pamilyar na boses na yun.
Napatingin din sya saakin at napatingin kay Jerry.
Sh*t mali ang iniisip nya.
"I—We're not—"
Pero bago pa ako makapag salita umalis na agad sya.
"Diba sya yung knight In shining armor mo na nerd?" Sabi ni Jerry na nakangiti ng nakakaloko sa akin.
Nakakagigil talaga sya, Ang sarap nya sabunotan. Kung wala lang kami sa public baka kalbo na sya.
Pasalamat sya may hiya ako.
Teka ano bang paki alam ko kung ano ang iisipin ng iba at iisipin ni simon?

BINABASA MO ANG
Loving Mr.Nerd
Romance"Alam mo ba na napaka dami kong rason para hindi ka mahalin" sabi ko dito dahilan para matanggal na naman ang ngiti sa mga labi nya. Tumayo na ito at akma ng aalis kaya naman mabilis ko itong pinigilan at saka niyakap. "Pero ikaw lang ang lalaking n...