👓
Chapter 6 Meet the Nerd
Luciel
Pagkaalis ni Krystal ay pumasok na ako sa boarding house na tinutuloyan ko.
Ang totoo nyan taga Nasugbu talaga ako nandoon ngayon ang pamilya ko at ako lang ang nandito
Dito kasi ako naka kuha ng scholarship sayang naman kung ayawan ko pa, Kaya kailangan ko magtiis dito.
"Sa wakas naman at umuwi ka ng bata ka nasaan na ang bayad mo ngayong buwan?" Sabi ni Ate Sab.
Hindi naman katulad si Ate Sab ng mga napapanood ko sa tv na masungit na maniningil yun nga lang strikto talaga sya pag dating sa pagbabayad ng upa. Pero naiintindihan ko naman kung bakit, sobrang hirap ng buhay kaya kailangan talaga na maging matatag.
Katunayan bata pa si ate Sab mga nasa 28 lang sya.Kinuha ko ang pera sa wallet ko dahil sakto kakasweldo ko lang sa pinagtra-trabahohan ko.
Pag katapos kong bayaran si Ate Sab, pumunta na ako sa kwarto ko.
Inamoy ko ang sarili ko at napangiwi.
Mukang kailangan ko nga munang maligo bago matulog.
Habang pinapatong ko ang gamit ko sa table ay napatingin ako sa picture frame na nasa table.
Nami-miss ko na sila nanay Janna at tatay Obey lalong-lalo na si Alex at ang kaibigan nito na si Xander.
Kahit hindi talaga nila ako kaano-ano itinuring ko na silang pamilya.
~FLASHBACK~
Mga nasa pitong taong gulang lang ako nang magising ako dahil nararamdaman ko na may nakatitig saakin.
Iminulat ko ang mga mata ko at iginala ang paningin ko.
Bakit ako nakahiga sa buhangin?
"Asan po ako?" Tanong ko sa dalawang matanda nakatingin saakin.
"Andito ka sa Nasugbu totoy" sagot ng matandang babae at ngumiti saakin.
"Anong pangalan mo bata?" Tanong ng matandang lalaki na may hawak na lambat.
Napa yuko ako at inaalala kung sino ako.
"H-hindi ko po alam"
Nagkatinginan sila at saka tumingin saakin.
"Sumama ka muna saamin at baka magkasakit ka" sabi ng matandang babae saakin at binigay saakin ang jacket nya, kinuha ko naman ito at isinuot.
Binuhat ako ng matandang lalaki at nag lakad na.
"Andito na tayo sa munti naming bahay" sabi ng matandang babae at ngumiti saakin.
Ang bahay nila ay Hindi kalayuan sa dagat kaya sandali lang ang nilakad nila.
"Sa tingin mo obet ilang taon na ang batang yan" bulong ng matandang babae sa lalaki.
![](https://img.wattpad.com/cover/62374362-288-k892477.jpg)
BINABASA MO ANG
Loving Mr.Nerd
Romance"Alam mo ba na napaka dami kong rason para hindi ka mahalin" sabi ko dito dahilan para matanggal na naman ang ngiti sa mga labi nya. Tumayo na ito at akma ng aalis kaya naman mabilis ko itong pinigilan at saka niyakap. "Pero ikaw lang ang lalaking n...