Chapter 39 A fight with him

333 11 7
                                        

Luciel POV

Foundation Day ngayon kaya naman maaga akong umalis ng bahay dahil kailangan ako sa school para iprepare ang mga gagamitin mamayan.

Namili,Nag design,Lumakad pabalik-balik, Nag buhat,Nag linis at marami pang iba...

Kaya naman tanghali palang pagod na pagod na agad ako pero wala akong karapatan mag reklamo sa responsibilidad ko na ito, ginusto ko 'to. Pero nag sisi din ako dahil ngayon kaysa ienjoy ko ang araw na ito kasama si Krystal—Teka! Nakalimutan ko pala itext si Krystal!

Mabilis ko kinuha ang cellphone ko at nakita ko na sobrang dami na palang text at tawag saakin ni Krystal.

*Messenger*

Krystal❤️

4:30

Luciel:

Goodmorning!

Hey!

Are you still sleeping?

5:00

Wake up

5 missed call

Are you already in School?

7:00

Where are you? Btw I'm already here

11 missed call

Busy???

9:00

I'm here, Near the Horror Booth.

Sh*t baka galit na yon. Tumingin ako sa relo ko at 9:05 palang ibig sabihin baka nandon pa sya malapit sa Horror Booth. Ibinaba ko muna ang mga gamit na dala-dala ko at umaktong aalis na ng biglang tinawag ako ng isang Teacher dahil may iuutos ata saakin.

"Sir pwede bang si Jerome na lang? May kinakailangan lang po talaga akong puntahan ngayon" Pakiusap ko dito. Mukang hindi nito nagustuhan ang sinabi ko kaya naman nakatanggap
Ako ng sermon.

"Babalik din naman po ako agad" ayon na lang ang sinabi ko at hindi ko na inantay ang sasabihin nya dahil umalis na ako para hanapin si Krystal.

Takbo dito,Takbo doon. Bat ba kasi ang laki ng School namin? Hanggang sa makasalubong ko si Andy.

"Andy! Alam mo ba kung nasaan si Krystal?" Tanong ko dito hindi naman ako nabigo at sinagot nya ako.

"Nandon sya sa bandang likod ng school nakita ko kasi sya kanina na malapit sa Horror Booth" turo nito kaya naman nagpasalamat ako at saka tumakbo papunta sa sinabing kinaroroonan ni Krystal.

Paano kung galit sya?
Anong sasabihin ko?
Paano kung hilingin nya na samahan ko sya buong araw?

Kinakabahan ako...

At hindi nga ako nabigo nakita ko itong lumabas sa Horror Booth. Lalakad na sana ako palapit sakanya ng makita ko bigla na umakbay si Otso,walo,eight sakanya at tumatawa pa sya—Hindi, humahagalpak pala sya ng tawa.

Nahihili ako nakakainis.
Nadi-disappoint din ako dahil dapat ako yung nasa tabi nya ngayon.
Bakit tuwing kasama nya ako hindi ko pa sya napapatawa ng ganyan?

Loving Mr.NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon