👓
Chapter 10 Gotcha!
LUCIEL
Nandito na kaming apat sa gate ng subdivision nila Ice kanina pa nga tinatawagan ni Henry si Ice dahil ayaw talaga kaming papasokin ng guard.
"Sorry sir ginagawa ko lang po ang trabaho ko" ani ng guard kay Henry.
"God! wala na bang itatagal yang si fafa ice? hindi pa naman ako nakapag sunblock" Sabi naman ni Pio at pinaypay ang sarili nya habang ang isa namang kamay ay may hawak na payong.
Habang si Sam naman ay tahimik lang na naka sandal sa pader at nakalagay ang dalawang kamay sa mag kabilang bulsa.
Hindi ko sila masisisi kung naiinip na sila dahil kanina pa nga kami na nandito at sakto na napaka init pa.
Malas pa na wala silang mga dalang sasakyan dahil walking distance lang din naman ang mga mansyon nila dito sa subdivision nila Ice.
"Kuya mga kasama ko sila" sabi ng pamilyar na boses galing sa likod ko.
Ramdam ko ang bawat hakbang nya palapit sa tabi ko at ang mabagal nyang pag hinga ramdam ko na biglang bumilis ang pag tibok ng puso ko at pakiramdam ko kinikiliti ang katawan ko na para bang may kung ano na gustong kumawala.
Sh*t heart kumalma ka kung ayaw mong ma-hurt.
hanggang sa lumampas sya sa akin na hindi man lang ako tinapunan ng tingin.
May ibinigay syang kung ano kay kuyang guard na patunay na dyan sya nakatira kaya mabilis na binuksan ng guard ang gate.
"Sumakay na kayo malayo-layo din ang bahay namin mula dito sa gate" Sabi nya saamin at saka sumakay sa sasakyan.
Mabilis na sumakay si Pio sa sasakyan ni krystal na para bang naka hinga sya ng maluwag. Namumula na din kasi ang balat nya dahil sa init.
"Hoy kayong dalawa dito na kayo sa likod sumakay"sabi nya kay Henry at Sam.
"Pero gusto ko sa passenger seat!" maktol naman ni Henry kay Pio pero hinila sya na sya ni Pio sa tabi nya.
Si Sam naman ay tahimik lang na tumabi sa kanan ni Pio.
Teka saan ako?
"Hoy nerd bilisan mo na!" sigaw na naman ni pio saakin.
Kahit nag dadalawang isip mabilis kung binuksan ang pinto at umupo sa passenger seat.
Pakiramdam ko may naka bara na kung ano sa lalamunan ko at para bang ayoko nang huminga. Baka kasi pag huminga ako maka kuha ito ng pansin nya at baka mapa-aga ang pag papaalam ko sa mundo.
Tahimik lang ang naging byahe hanggang sa makarating kami sa mansyon nila Krystal.
Ang yaman pala talaga nila halos 10x ang laki nito sa tinutuloyan ko na boarding house.
Nang maka pasok na kami sa loob pakiramdam ko nag muka na akong basahan at napapaligiran pa ako ng mga taong mayayaman.
Nakita namin si Ice na nakasalampak sa sofa at mukang ang lalim ng tulog.
"Letche talaga! kung hindi dumating si Krystal siguro tirik na ang mata natin kakahintay sa kanya" Sabi ni Pio saamin na sinang-ayonan naman ng pinsan nya.
BINABASA MO ANG
Loving Mr.Nerd
Romansa"Alam mo ba na napaka dami kong rason para hindi ka mahalin" sabi ko dito dahilan para matanggal na naman ang ngiti sa mga labi nya. Tumayo na ito at akma ng aalis kaya naman mabilis ko itong pinigilan at saka niyakap. "Pero ikaw lang ang lalaking n...
