Chapter 57 Island Hopping

257 7 0
                                        

Chapter 57 Island hopping

Krystal

Lumapag ang helicopter sa isang malawak na field at nakita ko agad na merong tao na naghihintay sa pagbaba namin. Katulad ng ginawa ni Luciel bago kami umalis sa Isla ay inalalayan nya muna si Mikhaela makababa pero ang pinagkaiba lang ngayon ay hindi nya nilahad ang kamay nya sa'kin at hinintay lang na makababa ako.

"Anak!" Tawag ng lalaking maliit pero may katandaan na kay Luciel. Kumaway naman si Luciel at ngumiti dito bago maglakad at yumakap sa lalaki.

Mukang ito yung tumayong tatay ni Luciel na dati nyang ikine-kwento sa'kin dati.

"Tay!" Nagagalak namang sigaw ni Mikhaela at saka sunod na niyakap ito. "Mikhaela, buti napadalaw ka ulit kasama si Luciel" sabi ng tatay ni Luciel kay Mikhaela na para bang kilalang-kilala ito ng pamilya ni Luciel.

Edi sya na, Sya na ang part of the family.

Maka 'tay' akala mo talaga anak. Sabagay, bagay naman sila ni Luciel---bagay sila na maging magkapatid.

Nakamasid lang ako sa kanila habang nagkakamustahan hanggang sa mapalingon at mapansin ako ng tatay ni Luciel.

"Sino naman ang magandang dilag na kasama mo Luciel?" tanong nito kay Luciel at tumaas-baba ba ang parehas na kilay, nakita ko naman na umiling si Luciel at saka iminuwestra na lumapit ako sa kanila. Pinilit ko naman na ngumiti dahil ayoko na mag mukang ako na rude sa tatay ni Luciel na mukang sobrang bait pa naman.

"Hello po, I'm Krystal Aren Vega" sabi ko at ngumiti ng sobrang laki dito at saka nakipag kamay.

"Ako naman si Obet pwede mo akong tawagin na Tatay Obet, ako ang nagpalaki kay Luciel. Kaano-ano ka nga pala ni Luciel, iha?" Tanong nito bago sumulyap kay Luciel. Kaya naman napatingin din ako dito at saka tumaas ang isang gilid ng labi.

"Kinidnap nya po—" sasabihin ko na sana ng biglang nagsalita si Luciel dahilan para maputol ang pagsasalita ko.

"Fiancé ko po tay" sabi nya at itinaas pa ang kamay ko na wala namang singsing na suot dahilan para mapangiti ako dahil sa katangahan na ginawa nito.

Magsi-sinungaling na nga lang pinahalata pa...

"Anak, wala naman syang suot na singsing eh" sabi pa ng tatay nito na may punto pa ng batangueno. Umakto naman na nagulat si Luciel at pinalaki pa ang mga mata nya at ngumanga ng kunti.
Ang pangit nyang umakting grabe...

"Bibi love, nasaan ang singsing? Nawala mo ba?!" Pagalit pa na tanong nito sa'kin dahilan para mapanganga ako hindi lang dahil sa pagtawag nya sa'kin ng isang nakakasukang endearment kundi dahil sa pagbintang nito sa'kin.

Aba, pinapalabas nya ba na burara ako na tao? Kahit na hindi naman totoo ang singsing ay na offend pa din ako. Baka isipin ng tatay ni Luciel na napakapabaya ko na babae.

"Syempre hindi BIBI LOVE, hindi naman ako PABAYA NA TAO" sabi ko at ipinagdiinan pa ang mga salita habang naka ngiti ng peke kay Luciel.
"Kung ganun nasaan ang singsing?" Biglang salita ni Mikhaela na nasa tabi ni Luciel at naka ngiti pa ng mapang-asar samin.

"Itinago ko muna sa wallet dahil naligo ako kanina" Pagsi-sinungaling ko naman at nakita ko pa na nap ailing nalang si Mikhaela at si Luciel naman ay naka ngiti lang sa tatay nya.

"Ganun ba? Buti naman Luciel at naisipan mon a din magpakasal matagal na din naman kayong dalawa, kung hindi ako nagkakamali ay sya yung girlfriend mo noong high school pa lang diba?" Sabi ng tatay nya dahilan para mapatingin ako kay Luciel na may pagkagulat ang itsura.

"Opo 'tay, sya 'yon" Sinabi na lang nito bago nag aya na umalis na kami dito para makapag-pahinga na din.

Sumakay kami sa isang van at ang driver ay ang tatay obeth habang si Luciel naman ay nakasakay sa passenger seat,Nang nasa byahe naka tingin lang ako sa mga dina-daanan namin, nag uusap lang si Luciel at ang tatay nya habang si Mikhaela ay tahimik lang na naka earphone.

Loving Mr.NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon