Chapter 31: Im tired
Luciel POV
"Aray mashaket" sabi ni Rain habang pinipisil ko ang pisnge nya.
Natawa nalang ako dahil sa itsura nya. Natigil lang ako sa pag tawa ng mapansin ko ang tao na nasa harapan namin.
Krystal...
Lumakad ako na para ba'ng hindi ko sya nakita, mahirap man gawin pero kailangan. Bago ko sya lampasan na amoy ko pa yung pabango nya na napakasarap amoyin.
"Luciel teka lang, hintayin mo ako" sabi ni Rain at saka mabilis na humabol saakin.
Habang naglalakad ako iniisip ko na nakakapagod din pala.
Nakakapagod na maging desperado.
Masakit mang aminin pero 'yon ang nakikita ko ngayon sa sarili ko.
Habang nasa klase kami nakikita ko si otso, walo, eight na kinukulit si Krystal.
Hindi ko maiwasang mapakunot ang noo dahil doon. Yung mga kamay nya na ang sarap putulin kapag lumalapat sa braso ni Krystal.
"Luciel?" Tawag pansin saakin ni Pio dahilan para bumalik ako sa sarili ko.
"H-ha?"
"Ano ba yan hindi ka naman nakikinig" sabi nito at saka ngumuso.
"P-pasensya na ang dami kasing bagay na pumapasok sa isip ko" sabi ko.
Tumingin ito saakin na para ba'ng sinasabi ng mga mata nito na nagsisinungaling ako.
"Sigurado ka bang bagay yan?" Sabi nito at saka pasimpleng tinignan si Krystal.
"Duhh Luciel lokohin mo na lahat wag lang ako" sabi ni Pio at saka ginawa nya yung pagpilantik ng kamay nya sa harap ng muka ko.
"Bakit nga pala lagi mo ng kasama yung malanding Ulan na 'yon?"
"M-malanding Ulan?-Si Rain ba ang tinutukoy mo?"
"Hindi, hindi si Ice talaga ang tinutukoy ko, Eh malamang sino pa ba ang lagi mong kasama nitong mga nakaraan?!"
"Wag mo ngang tawaging malandi si Rain"
"Oh sinong gusto mong tawagin kong malandi, si Krystal ganun? At saka bakit mo ba pinagtatanggol yung babaeng 'yon?" Sabat naman agad nito.
"Kaibigan ko si Rain kaya dapat lang talaga na ipagtanggol ko sya" Depensa ko naman.
"Ikaw, kaibigan ang tingin sakanya, Eh sya?" Natahimik ako sa tanong nito dahil alam ko na meron naman talagang gusto saakin ang tao.
"Hay naku Luciel hindi lang sarili mo ang sinasaktan mo pati si Ulan dinadamay mo. Alam mo na dahil dyan sa ginagawa mo ay pinapaasa mo yung tao." Sabi ni Pio na napakaseryoso ang muka.
"Alam ko, kaya nga ginagawa ko ang lahat para mapabaling sakanya ang atensyon ko para pag dumating ang araw kaya ko na syang saluhin" sabi ko dahilan para mapailing si Pio.
BINABASA MO ANG
Loving Mr.Nerd
Romance"Alam mo ba na napaka dami kong rason para hindi ka mahalin" sabi ko dito dahilan para matanggal na naman ang ngiti sa mga labi nya. Tumayo na ito at akma ng aalis kaya naman mabilis ko itong pinigilan at saka niyakap. "Pero ikaw lang ang lalaking n...
