Chapter 56 Who's that girl?
Krystal
"Ayoko sumama" Sabi ko dito ng magkita na kami ulit sa dinner pero hindi man lang nya ako tinaponan man lang ng tingin.
"Narinig mo ba ang sinabi ko? Ayoko sumama" Paguulit ko pa kaya naman halos mapatalon ako ng padabog nitong ibinaba ang mga utensils at tumingin sa'kin ng walang emosyon.
"Bakit?"
"Dahil ayoko"
"Wala akong pakialam kung ayaw mo sumama dahil kasama ka pa din sa ayaw at sa gusto mo" Sabi nito na puno ng awtoridad.
"No! hindi mo na ako madadaan sa ganyan!" sabi ko pa dito pero umalis na ito sa harap ko at naglalakad na papunta sa pinto.
Kung ayaw nya pwes gagawin ko ang lahat para sya na mismo ang sumuko sa'kin.
Nadaanan ko ang mukang mga mamahalin nya na vase kaya naman naisip ko na ihulog 'yon isa-isa dahilan para marinig ko ang mga yabag nya pabalik.
"What the hell happened?!" Sabi nito na mukang nagpa-panic at lumapit sa'kin para tignan ang nangyari." May masakit ba sayo?" Natanggal naman ang mapang asar ko na ngiti ng makita ko na hindi galit ang ekspresyon nya kundi sobrang pag-aalala habang iniikot pa ako at tinitignan kung may galos ba ako na natamo. Nang makita nya na wala ay bumalik na ang pagkakakunot ng noo nito at saka ako tinignan ng masama.
"Wag mo na ulit uulitin 'yon kung ayaw mo na ikulong kita sa kwarto ko na nakaposas" sabi nya bago umalis.
Napalunok naman ako ng sariling laway dahil sa sinabi nya at nagsimulang bumalik ang kahihiyan na ginawa namin.
Nandito ako ngayon sa pinaka taas na baitang ng hagdan habang tinitignan si Luciel na nasa baba at naghihintay sa front door, mukang excited na excited sa bisita na dadating dahil kanina ko pa sya nakikita na tingin ng tingin sa relo nya at sumusulyap-sulyap sa gate bawat minuto.
Sino ba kasi ang bisita nya?
Hanggang sa dumating ang kotse na sinakyan din namin noong unang dating namin dito. Mabilis na bumaba ang driver at saka pinagbuksan ang tao na nasa loob ng sasakyan.
Bumaba naman ako unti-unti sa hagdan para makita ang tao na lulan ng sasakyan, Nakita ko ang unang paglabas ng isang Doll shoes at kamay na inalalayan ng driver para makababa na ito ng tuloyan hanggang sa makita ko ang isang babae na naka off shoulder na dress at naka lugay ang mahabang buhok na kulay dark ash ,muka syang german na may lahing Asian kaya naman napaka ganda ng kabuohan ng muka nya habang napaka sexy ng katawan nito na pasok sa standard ng isang kpop idol.
Sino sya?
Mas lalong kumunot ang noo ko ng makita ko ang tuwa sa muka nya ng makita si Luciel at halos takbohin na nito ang agwat nila para lang mayakap si Luciel na ngiting-ngiti din ng makita ito at nakuha pang buhatin at inikot-ikot habang yakap pa din nila ang isa't-isa.
"Wow ha, miss na miss?" Bulong ko at umirap sa hangin bago nag pasya na magpakita sa bwisita este-- bisita ni Luciel. Habang bumaba ako sa hagdan nakuha ko ang atensyon ng dalawa na naglalakad papasok galing sa front door. Nakita ko naman na tinignan din ako ng babae mula paa hanggang sa muka ko bago itinaas ang kilay nya at hinarap si Luciel na may pagtataka.
"Who is she?" Tanong nito kay Luciel kaya naman napa titig ako kay Luciel at hinintay din ang isasagot nya sa bisita nya. Muka namang hindi nito alam ang isasagot at lumikot pa ang mata dahil siguro sa kaba.
"M-my maid?"
Napasinghap naman ako sa sinagot nya at walang ano-ano na kinuha ang isa ko na tsinelas na suot at saka binato ito na tumama naman sa muka nya.
"You dumbsh8t! Do I look like a maid to you?!" Tanong ko dito habang sinasamaan sya ng tingin at ngayon, pakiramdam ko ay sasabog ako dahil sa sobrang galit kay Luciel. Nakita ko naman ang pag-aalala ng babae na nasa tabi nya at hinawakan pa ang muka nito sa parte na tinamaan ko, padabog naman ako na tumalikod at pumasok sa kwarto.
Ano ba kasing ine-expect ko na sasabihin nya?
Dapat sinabi nya na kinidnap nya ako! Tama. 'yon nga!
Geez nag muka pa tuloy akong rude doon sa bisita nya...
Habang ina-antay naming ang helicopter na magdadala samin sa Nasugbu lumapit ako sa bisita ni Luciel dahil kahit papaano ay ayoko naman na mag last ang first impression nya sa'kin kahit na medyo labag sa loob ko, Ayokong isipin nya na meron akong masama na ugali.
"Hi" Bati ko dito at nahihiya na ngumiti.
"Hey" tipid na sagot nito at sumulyap sa'kin bago ibalik ang atensyon nya sa unahan.
"We didn't properly meet, I'm Krystal Aren Vega" sabi ko at inilahad ang kamay ko sa kanya tinignan nya muna ito bago inabot.
"Mikhaela" Tipid na naman na sagot nito na hindi man lang nag abala na sabihin kahit ang apelyido man lang nya.
"I just want to say sorry about the rude actions I made earlier"
"Sa tingin ko hindi ka dapat sa'kin mag sorry" Sabi nito na may pagka-slang ang pagta-tagalog at iniwan ako dahil dumating na ang helicopter na sasakyan namin.
Tama sya, dapat kay Luciel ako mag sorry dahil ito ang nasaktan ko kahit na meron din syang kasalanan, dapat ay naging matured ako at hindi nagpadalos-dalos. Tinignan ko naman si Luciel na inaalalayan yung babae na kasama nya, I change my mind. Hindi ako mag so-sorry sakanya manigas sya.
Umirap ako dahil sa nakita bago magsimulang lumapit sa helicopter, nakita ko din na inilahad ni Luciel ang kamay nya para alalayan din ako pero tinaasan ko lang sya ng kilay bago pumasok mag isa at pumwesto katapat si Mikhaela. Sunod naman na pumasok si Luciel at tumabi kay Mikhaela at saka nito nilagay ang bagay na inilalagay sa tenga.
Nang nagsimula ng lumipad ang helicopter na sinasakyan naming ay nakita ko na sumusulyap pa sakin ng pasimple si Luciel na hindi ko naman pinapansin at inabala na lang ang sarili ko na mag isip ng mga possible na mangyari habang nasa Nasugbu kami.
Wait, kung nasa Batangas lang ang Nasugbu, ibig sabihin madali nalang ako makakauwi kung makakatakas ako kay Luciel at makasakay ako sa kahit anong Transportation pabalik sa Manila!
O kaya naman ay makikigamit ako ng gadget sa mga tao para makatawag ako kila Ice!
Dahil sa naisip ay napangiti ako bago mapunta ang tingin ko kila Luciel na mukang nagtaka dahil sa pagbabago ng ekspresyon ko, ngumiti naman ako dito at nakita ko pa na mas lalong kumunot ang noo nito bago umiwas ng tingin...
BINABASA MO ANG
Loving Mr.Nerd
Romance"Alam mo ba na napaka dami kong rason para hindi ka mahalin" sabi ko dito dahilan para matanggal na naman ang ngiti sa mga labi nya. Tumayo na ito at akma ng aalis kaya naman mabilis ko itong pinigilan at saka niyakap. "Pero ikaw lang ang lalaking n...
