👓
Chapter 2 Instant Friends
Krystal
Ilang linggo na ang lumipas simula noong first day at nasasanay na ulit ako dito sa Pilipinas.
Sa polusyon at sa mga tao.
Kasalukuyang kaming nasa room ngayon at pinipilit na ituon ang atensyon sa nagsusulat na si ma'am sa white board ng mga math problems.
God I really hate numbers.
Ang totoo nyan ito ang pinaka weak naming subject ni Ice, Ipa-perfect nyo na lahat wag lang math.
Nasabi ko na ba na STEM ang kinukuha naming course?
Ayan na sabi ko na.
Kumuha na ako ng ballpen at papel at saka nagsimula na ako magsagot.
Madali lang pala.
Pero nagulat ako ng merong nagsalita sa likod ko.
"M-mali ang G-ginagawa mo na formula" Sabi nito dahilan para tignan ko ang nagsalita. Mukang napadaan ito sa likod ko at magtatapon sana ng basura dahil sa hawak nitong papel.
Si Nerd. So, kanina nya pa tinitignan ang papel ko?
Tinaasan ko naman sya ng kilay at nakipagsukatan ng tingin dito dahilan para mailang ito at iniwas agad ang tingin sa'kin.
Tuwing nakikita ko sya naalala ko yung isang character sa favorite naming movie ni Ice na Alvin and the chipmunks. Para syang si Simon na nakasalamin na laging killjoy sa trip ni Alvin.
"So Simon paano mo naman nasabi na mali ang formula ko?" Mukang nagtaka sya sa tawag ko sakanya pero hindi nya nalang pinansin at itinuro sa akin ang tamang formula.
Pumwesto sya sa likod ko at naramdaman ko na may kamay na dumampi sa kabila ko na balikat.
Aba para-paraan din pala itong lalaking 'toh.
Naramdam ko din na malapit lang din ang muka nya saakin at saka tinignan nya ng maigi ang papel ko bago pinaliwanag nya ang kailangan ko na gawin.
Nakikinig naman ako sakanya pero hindi ko talaga mapigilan na hindi tignan ang muka nya.
Makinis ang balat nya at meron syang napakahabang pilikmata na natatakpan ng salamin, kilay na makapal at napakatangos na ilong.
Napatingin sya sa akin at mukang nagulat sya kasi nakatingin din ako sa kanya.
Ang ganda ng mga mata nya na kung titignan mo sa malayo ay kulay brown pero kapag sa malapitan pala ay may pagka-reddish ito na para bang may apoy na nakakulong sa mga mata nya.Mabilis ko na iniwas ang tingin ko dahil ayoko na isipin nito na nakatitig ako sa muka nya.
"Ipagpatuloy mo na yung sinasabi mo" sabi ko dito na meron pang pagtataray na tono.
Naalala ko yung sinabi ni Ice na kapag madali mo lang nakuha ang sagot ibig sabihin mali ang sagot mo, No.1 rule nya yun sa math.
Nang makuha ko na umalis na sya agad kaya hindi ako nagkaroon ng pagkakataon na makapagpasalamat sakanya.
Nang mabalik saakin ang papel ko nagulat ako na naka 20/20 ako. Teka totoo ba toh?
"Ilan ka?" bulong sa'kin ni Ice. Nakita ko ang papel nya na 10/20 ang score.
At least naka kalahati sya.
Nang makita nya ang papel ko alam ko na nagulat sya kung paano ako naka perfect kahit mas nakinig sya kaysa sa'kin. Pero mabilis din yung nawala at ibinalik nya ulit ang poker face nya.

BINABASA MO ANG
Loving Mr.Nerd
Romance"Alam mo ba na napaka dami kong rason para hindi ka mahalin" sabi ko dito dahilan para matanggal na naman ang ngiti sa mga labi nya. Tumayo na ito at akma ng aalis kaya naman mabilis ko itong pinigilan at saka niyakap. "Pero ikaw lang ang lalaking n...