👓
Chapter 15 Pio Scott
Pio
"No, hindi ko binabago ang sarili ko para sakanya. ibinabalik ko lang kung ano ako noon"
Kung ganun lang sana kadali ibalik ang dati...
Since I was a kid alam ko na agad kung ano ang gender ko.
I prefer barbie than super man, I like rainbow than black.
I know from the very start that I'm not just a boy who is going to be man, But I'm a boy who is going to be a woman.
That's my dream and my parents can't do anything about it.
Until I met her...
I'm starting to doubt myself na dapat ay hindi.
~FLASHBACK~
Growing up as an only child na sa akin lahat ang atensyon ng magulang ko. Alam ko na kung iisipin ay napakaganda 'non, pero hindi. Yung pagiging mag isa at yung pressure na binibigay ng magulang ko sa akin ay sobra sobra. Mahigpit din sila at laging napapansin ang mga mali ko.
Naalala ko noong unang araw na nalaman nila na iba ang preperensya ko ay pinagalitan nila ako at ipinagpilitan sa akin na dapat ay mga panglalaki na laruan ang laruin ko habang pinapalayo nila ako sa mga babae na kaibigan ko at laging pinapasama sa mga lalaki ko na pinsan.
Bilang bata hindi ko maintindihan kung bakit ba sila ganun dahil para sa akin ay parehas lang namang laruan, at parehas lang na tao ang babae at lalaki pero hindi pala ganun ang mundo...
"Mom I want to play again with Tracy and Kim!" Pag wawala ko dito dahil ilang araw ko ng hindi nakikita ang mga kaibigan ko na babae.
"Anak hindi nga sila ang karapat dapat mo na kalaro. Hayaan mo pupunta dito ngayon ang mga pinsan mo—" pag a-alo naman sa akin ni mommy pero mas lalo ko namang hindi nagustohan ang sinabi nya.
"No! Ayoko sa kanila, mababaho sila at gusto lagi nilang tumakbo at mag wrestling!" Sabi ko ulit dito at saka nagpalahaw ng iyak kaya naman tumakbo nalang ako palabas ng bahay.
Alam ko na pinasunod nila sa akin ang mga yaya ko kaya naman mas lalo ko na binilisan ang takbo ko hanggang sa dalhin ako ng mga paa ko papunta sa isang malapit na park.
"I hate them, hindi na ako uuwi sa amin. Dito nalang ako titira" Sabi ko habang umaakyat sa isang slide na nakita ko at saka nagpadulas.
"Hey" tawag pansin sa akin ng isang boses kaya naman tinignan ko ito at tinaasan ng kilay.
"Who are you?" masungit ko na tanong sa kanya. Kita naman na nag dra-drama ako tapos sisirain nya.
"I'm your fairy"
Napakunot ang noo ko sa sinagot nya at akmang aalis na sa dulo ng slide.
"Wait, because I'm your fairy you need to tell me your problem so I can help you" sabi nito at ngumiti.
Dahil sa ngiti na yun gumaan ang Pakiramdam ko.
"What's your name?" Tanong ko dito kaya mas lalo syang ngumiti.
"That's a secret"

BINABASA MO ANG
Loving Mr.Nerd
Romansa"Alam mo ba na napaka dami kong rason para hindi ka mahalin" sabi ko dito dahilan para matanggal na naman ang ngiti sa mga labi nya. Tumayo na ito at akma ng aalis kaya naman mabilis ko itong pinigilan at saka niyakap. "Pero ikaw lang ang lalaking n...