👓
Chapter 22 His sport
Luciel
Ka katapos lang ng laban ng Captain nila Krystal at sunod na ang laban ni Krystal.
Pag naipanalo ni Krystal ang laban nya tiyak na panalo na ang school namin laban sa Archangel Academy.
Katabi ko ngayon sila Ice, Henry, Sam at Pio na nakapagpalit na ng damit galing sa laro nila.
"Captain ng Archangel ang kalaban ni Krystal kaya mahihirapan talaga syang talunin ito" sambit ni Ice sa amin at seryosong naka tingin sa kapatid nya na naglalagay na ng safety gears.
"Kaya nya yan" sabi ko kay Ice at ngumiti.
Alam ko na kaya nya...
Lumakad na ang kalaban ni Krystal sa shooting line makikita mo talaga na iba ang aura nya sa iba parang napaka bigat.
Sumunod naman si Krystal na mukang kalmado lang pumwesto na din sya sa shooting line pero bago mag simula ang laro ginala nya muna ang tingin nya at tumigil lang ito sa pwesto namin.
Nginitian ko sya na para bang sinasabi ko na kaya nya yan.
Hindi ko naman ine-expect na ngumiti sya pabalik kaya naramdam ko na uminit ang muka ko.
Ang bakla lang.
Meron silang 3 set at sa bawat isang set na yun ay meron silang tatlong arrow magpapataasan lang sila ng score.
Unang set ay 30 meters ang layo habang sa 2nd set ay 50 at sa 3rd at 70 meters.
(A/N:Pasensya na wala talaga akong alam sa archery kaya binase ko nalang sya sa librong nabasa ko dito sa wattpad)
Pinagkamay muna silang dalawa at mararamdaman mo talaga ang tensyon sa kanila na kahit ang kaganinang mga maiingay na nag che-cheer ay tumahimik.
Pagkatapos noon ay bumalik na sila sa kani-kanilang pwesto.
Una munang pinatira ang Captain ng Archangel at makikita ko talaga na napakaseryoso nito. Sumilip muna ito sa bow sight bago bitawan ang string.
"BULLSEYE! TEN POINTS FOR ARCHANGEL ACADEMY!" Pag a-announce ng namamahala sa archery.
"Wooh! Go Archangel Academy!" Nagulat kami ng bigla nalang tumayo si Pio at may pag palakpak pang nalalaman.
Kaya nakatanggap ito ng malakas na batok galing sa pinsan nya na si Henry.
"Manahimik ka nga,Si Krystal ang kailangan mong icheer hindi yang taga Archangel" sabi pa nito kay Pio.
Nag peace sign lang ito at saka bumalik sa pag kaka-upo.
Ngayon si Krystal na ang ti-tira huminga muna sya ng malalim bago binitawan ang string ng kanyang bow.
BULLSEYE.
Katulad ng kalaban nya sa bullseye din tumama ang arrow ni Krystal.
Ilang beses pa itong na ulit hanggang sa natapos ang first set at second set na tabla ang score nila.
Mukang ayaw talaga nilang magpatalo.

BINABASA MO ANG
Loving Mr.Nerd
Romance"Alam mo ba na napaka dami kong rason para hindi ka mahalin" sabi ko dito dahilan para matanggal na naman ang ngiti sa mga labi nya. Tumayo na ito at akma ng aalis kaya naman mabilis ko itong pinigilan at saka niyakap. "Pero ikaw lang ang lalaking n...