Chapter 58 Festival
"Happy Fiesta!"
Humahanga na naka tingin ako sa mga banderitas na nagbibigay kulay sa paligid at mga tao na naka ngiti dahil sa panonood sa mga estudyante na pumaparada at sumasayaw sa kalsada na naka suot ng magagara at makukulay na costume.
Nanonood kami ngayon ng Street Dancing dahil sabi nila Tatay Obet ay masaya daw ang pista dito kaya naman walang alinlangan na umo-Oo si Mikhaela at saka niyaya kami nila Luciel na samahan sya dito sa bayan. Hindi naman kami nag sisi dahil nakakaingganyo nga ang mga ito na panoorin na kahit mainit ay hindi ito naging problema at marami pa din ang nanonood.
"Tanggalin mo nga ang braso mo!" Asar na sabi ko kay Luciel na kanina pa naka akbay sa'kin, hindi nya ba alam na ang bigat ng braso nya?
"No" Maikli at pinal na sabi nito dahilan para bumuntong hininga nalang ako dahil kanina ko pa ito pinagsasabihan pero hindi man lang ito natitinag. Sila Mikhaela at Alex naman ay kanina pa nag pi-picture at tuwang-tuwa sa pinapanood kaya naman hindi nila kami pinapansin ni Luciel na nagtatalo.
Nang matapos ay kumain muna kami sa Jollibee dahil ito ang pinaka malapit sa pwesto naming at katapat lang nito ang Plaza kung saan merong mga kompetisyon at palabas na gaganapin.
"Hanggang anong oras ba tayo kuya Luciel?" Tanong ni Alex habang busy sa pagkain ng Fries nya. "Depende sa inyo" Sagot naman ni Luciel dahilan para mapa-ngiti si Mikhaela at Alex "Pwede ba tayo hanggang gabi? Gusto ko kasi ulit maranasan na mag perya katulad ng ginagawa natin dati tuwing pista" sabi ni Alex at ngumiti pa na para bang nag re-reminisce sya ng mga memories nila dati.
Pagkatapos kumain ay maghapon na kaming nag gala sa buong bayan ng Nasugbu, meron ding mga bahay kami na pinuntahan na pinakain kami ng sobrang daming pagkain. Kaya naman pagdating ng gabi ay sobrang busog na kami pero kahit ganun ay mukang hindi pa din napapagod ang mga kasama naming ni Luciel at tuwang-tuwa pa na kumakanta at sumasabay sa mga banda na nag participate sa Battle of the Bands.
"Gusto mo ba muna maglakad-lakad paikot dito sa plaza?" Bulong sa akin ni Luciel na agad ko namang sinangayonan dahil hindi na ako natutuwa sa dami ng tao na naka paligid sa amin nagpaalam na muna kami sa dalawa dahil nakita namin na kasama na ng mga ito si Jericho.
Pakiramdam ko nalulula na ako. Napangiti naman ako ng makita na sobrang ganda ng mga ilaw na naka paligid sa plaza idagdag pa ang mga tindahan na sobrang daming mga tinitinda habang merong mga bata naman na may dala-dalang mga laruan na nagiiba ng kulay.Umupo lang kami saglit pero inililibot ko pa din ang paningin ko hanggang sa napatigil ang mga mata ko a ng may makita akong tindahan na nagbebenta ng mga cute na couple shirt.
Naisip ko lang, sa talambuhay ko hindi ko naranasan na magsuot ng mga ganito dahil para sa'kin ay napaka baduy tignan nito."Anong tinitignan mo?" Sambit ni Luciel habang naka hawak sa bewang ko. Sabi nya kasi baka daw magkahiwalay kami, wala pa naman akong cellphone dahil hindi nya pa din ito binabalik sa'kin. Tinignan nya naman ang tinitignan ko bago ngumiti ng mapang-asar.
"Gusto mo ba 'non?" Tanong nito na agad ko na inilingan at saka ito hinatak para maka balik na sa pwesto nila Mikhaela pero nagpabigat ito at ako ang hinatak papunta sa tindahan na 'yon.
"Manong pabili nga" tawag pansin ni Luciel sa tindero. "Ano po ang gusto nyo dyan sir?" sabi ni manong habang tinuturo ang mga couple T-shirt at naka ngiti pa samin.
"Ano bang gusto mo dyan?" Bigla namang baling sa'kin ni Luciel dahilan para manlaki ang mga mata ko "Bakit ako? Wala naman akong boyfriend" Sabi ko dito bago iniwas ang mata ko ng makita ko na hindi ito natuwa sa sinabi ko. "Sino nag sabi na wala?" Sabi naman nito dahilan para kumunot ang noo ko.
BINABASA MO ANG
Loving Mr.Nerd
Romance"Alam mo ba na napaka dami kong rason para hindi ka mahalin" sabi ko dito dahilan para matanggal na naman ang ngiti sa mga labi nya. Tumayo na ito at akma ng aalis kaya naman mabilis ko itong pinigilan at saka niyakap. "Pero ikaw lang ang lalaking n...