Chapter 34 He won!

387 9 8
                                        

Luciel POV

Ngayong araw masyado akong naging busy sa pangangampanya para sa pagiging president ng SSG sa susunod na araw na kasi agad ang botohan kaya naman hindi pa kami nag uusap ni Krystal simula kaganinang umaga hindi ko pa kasi sya nakikita.

nami-miss ko na sya...

Teka? Ang clingy naman masyado pakinggan 'non.

"Luciel, Are you listening?" nakuha bigla ni Abby ang atesyon ko.

"h-ha?" sabi ko dahilan para mapalitan ang timpla ng kanyang muka.

Dahil nga si Abby ang dating president at ako ang kinuha nyang apprentice sya ang nagsilbing campaign manager namin. Mababait naman ang lahat ng kasama ko sa pangangampanaya kaya ayos lang.

"As I was saying wag ka masyadong makampanti dahil lang sa ikaw ang pinili ko'' seryosong sabi ni abby.

''alam ko naman yon kaya naman ginagawa ko ang lahat ng makakaya ko para manalo'' sabi ko dito.

Nagsisimula na kaming mangampanya sa bawat room ngayong araw kaya naman medyo kinakabahan ako. Medyo lang naman...

Recess na ngayon kaya naman pahinga din namin pupunta na sana ako sa room para makita si Krystal ng makasalubong ko si Ice.

Sinenyasan ako nito na sumunod sakanya na agad ko namang ginawa.

"Bakit?" Tanong ko dito.

"Nakwento saakin ni Krystal ang nangyari sa inyo" sabi nito ng wala man lang pinapakita na emosyon.

Teka, ayaw nya na ba saakin para kay Krystal? Baka naman ayaw nya talaga saakin? Ano nang gagawin ko pag sinabi nya saakin na layuan ko si Krystal?

Hindi, Hindi ako papayag pinaghirapan ko yung nararamdaman ni Krystal ngayon kaya naman hindi ko na ito papakawalan.

"M-may problema ba doon?"

"Congrats" sabi nito na kinagulat ko.

"H-ha?"

Ngumiti ito saakin at tumingin sa mga building na katabi ng school. Nandito kami ngayon sa rooftop naguusap.

"Dati pa man hirap ng magtiwala si Krystal kahit kanino dahil sa mga taong nanloloko sakanya unti-unting nawawala yung saya sa mata nya kaya naman noong nakilala ka nya nakita ko na bumabalik ito, Kaya naman noong nalaman ko na may gusto ka sakanya ay tinulongan kita at para na din makilala kita ng lubosan. Buti naman at hindi ako nagkamali sa pag pili ng lalaking nararapat kay Krystal. Kaya naman wag mo syang lolokohin kasi gagawin ko ang lahat para lang sa kakambal ko. Nagkakaintindihan ba tayo?"

Habang nagsasalita si Ice nakatitig lang ako dito at hindi alam kung ano ang magiging reaction,Mahal na mahal nya talaga si Krystal...

"Nagkakaintindihan ba tayo?" Tanong ulit nito.

Mabilis naman akong tumango.

"Oo naman hindi kita bibiguin, pangako yan." Sabi ko na ikinangiti niya.

"Ano ng plano mo ngayon?"

Loving Mr.NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon