Chapter 53 Unexpected Twist
Krystal
"You look good in my bed" Sabi nito na naka tayo malapit sa kama at naka tingin sa akin na merong mapanlaro na ngiti habang pinipilit ko na tanggalin ang handcuffed na nakakabit sa akin at sa kama.
"F*ck you!" Sigaw ko dito dahilan para matanggal ang ngiti nito at mapakunot ang kanyang mga noo.
"Kailan ka pa natuto magmura?" Tanong nito at saka ipinagpatong ang kanyang mga braso sa tapat ng kanyang matipuno na dibdib at itinaas ang makapal na kilay nito.
"It's none of your business" Sagot ko naman dito at iniwas ang tingin sa katawan nito na walang suot na pang itaas at naka balandra ang six pack abs nito habang nag fle-flex naman ang mga muscle nya sa braso kapag gumagalaw sya.
Sya nga hindi ko tinanong kung kailan pa sya naging hubadero eh...
Pagkatapos kasi ng una naming pagkikita kanina dinala nya naman ako sa isang mas malaki na silid at saka ako ipinosas sa kama.
"Everything about you is my Business, Krystal" sabi nito dahilan para samaan ko ito ng tingin, ayan na naman sya sa mga salita nya na hindi man lang nya pinag-iisipan.
"Whatever, Bigyan mo ako ng pagkain nagugutom na ako" Utos ko dito at iminuwestra pa ng kamay ko na umal
"Why would I do that?" Kunot noo na tanong nito sa'kin dahilan para bigyan ko naman ito ng hindi makapaniwala na tingin.
"Wow! Hindi mo ba naalala na ipinosas mo ang isa ko na kamay dito sa kama" sabi ko at saka inirapan ito.
"Fine, but in one condition" Sabi naman nito habang unti-unting lumalakad papunta sa kama at pumaibabaw sa katawan ko dahilan para bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa kaba at mga senaryo na pumapasok sa isip ko.
"A-anong ginagawa mo!?" Pumiyok pa na sigaw ko, ramdam na ramdam ko na ang init na nang gagaling sa katawan nya habang tumatama ang mabango nya na hininga sa pisnge ko napapikit naman ako ng unti-unting nya pang nilapit ang muka nya sa'kin dahilan para mapapipi akong dasal.
Hindi ko alam na saulado ko pala ang 'Hail mary'.
"Payag ka ba sa kondisyon ko?" Ang inaakala ko na halik ay hindi nangyari dahil dumiretso ang mga labi nya sa tenga ko at ibinulong ang mga salita na 'yan, wala naman ako sa sarili na napatango sa sinabi nito.
"Good, hindi kasi ako sigurado kung may makukuha ako na katulong pagdating natin sa isla" Sabi nito at bigla nalang umalis at mabilis na nawala sa silid.
What just happened? Wait—katulong?! Isla? What the hell! Hindi ko naintindihan...
Dumaan ang ilang minuto bago ito dumating at may dala-dala ng mga pagkain na mukang bagong luto pa lang.
"Ito na ang pagkain mo mahal na reyna" Sarcastic na sabi nito habang inaayos ang pagkain sa table. "Pwede ba, tanggalin mo na ang posas na ito nangangalay na ako" Utos ko naman dito lumapit naman agad ito sa'kin at akma ng susundin ang utos ko ng bigla itong tumigil at mukang may naisip.
"Bakit mo ako inu-utosan? Ako ang kidnapper mo kaya dapat sa'kin ka makinig!" Pasigaw naman na sabi nito dahilan para mapairap nalang ako, akala nya ba masisindak nya ako? Lalo na nagugutom na ako ngayon, wala akong sina-santo kapag gutom ako!
"Ikaw ang may kailangan sa'kin kaya kailangan mo akong sundin at wala akong pakialam kung kidnapper kita!" Sigaw ko naman pabalik dito na mukang hindi nya inaasahan, sabagay hindi naman ako palasigaw na tao kaya hindi ko sya masisisi. "Ayoko nga, baka mamaya tumakas ka pa!" Sagot nito pabalik dahilan para uminit ang ulo ko.
BINABASA MO ANG
Loving Mr.Nerd
Storie d'amore"Alam mo ba na napaka dami kong rason para hindi ka mahalin" sabi ko dito dahilan para matanggal na naman ang ngiti sa mga labi nya. Tumayo na ito at akma ng aalis kaya naman mabilis ko itong pinigilan at saka niyakap. "Pero ikaw lang ang lalaking n...
