Chapter 37 Upcoming Foundation Day

391 7 1
                                        


Krystal POV

"Smile!"

"Tumingin kayo sa isa't-isa!"

"Ano ba?! Walk with confidence!"

"Mali!" Sigaw ng bakla na nagtuturo saamin ng choreography para sa Mr. & Ms. Foundation Day.

Kaganina pa nya kami pinapagalitan ni Jerry tungkol sa lakad/rampa namin. Bawat sigaw nya nakikita ko na lumalabas ang ugat nya sa leeg at ang pamumula nya mukang inis na inis na din sya saamin.

Nakakainis ang sakit na ng paa ko naka heels pa naman ako.

Pinagsuot nila kaming lahat ng heels (syempre maliban sa mga lalaki) at ilang oras na kaming pabalik balik sa backstage ni Jerry dahil ang pangit daw ng lakad naming dalawa. Kaganina pa rin kami tinatawanan ng mga magiging kalaban namin kasi kami talaga ang pinag initan ni bakla.

Kung hindi lang talaga ako nilista ni Andy sa letcheng competition na 'toh edi sana nasa room lang ako at nakikinig sa music.

"Damn that gay"narinig ko na bulong ni Jerry habang naglalakad kami pabalik sa backstage para maglakad ulit papunta sa unahan.

Yan. may pag payag pa kasi syang nalalaman edi ngayon, anong napala nya?

"Ready!" Narinig ko na sigaw ng bakla kaya naman umayos na ako at naghanda para sa pag rampa.

Nasa kabilang side ng stage si Jerry at magsasalubong kami sa gitna ng stage at sabay lalakad sa harapan. Yung para bang nasa fashion show.

Naka ilang ulit pa kami bago kami pag pahingahin ng baklang nagtuturo.

Napaupo nalang ako sa sahig dahil sa sobrang sakit na ng paa ko at pandalas ko na tinanggal ang heels na nag pahirap sa paa ko.

"Hey, get up" nagulat ako ng biglang tumabi saakin si Jerry na may dala-dalang dalawang upuan na plastic.

"Wag ka umupo dyan, nakakahiya ka" sabi nito at saka tinuro ang upuan na dala nya na para bang pinapaupo ako dito.

Ginawa ko din naman agad ito.

"Ahh sa wakas!" Nakangiting sabi ko ng maramdaman ko ang pag re-relax ng katawan ko.

"Give me your feet" Out of nowhere na sabi ni Jerry.

Ano daw?

"What—" hindi ko na natuloy ang sasabihin ko ng bigla nitong kunin ang paa ko at pinatong sa binti nya.

Buti nalang naka leggings ako...

Pinipilit ko na tanggalin ang pagkakapatong ng paa ko sa binti nya pera hinahawakan nya ito ng mahigpit.

"Ouch" Daing ko dahilan para luwagan nya ang pagkakahawak sa paa ko.

"Stop moving your feet" sabi nito at sinimulang masahehin ang paa ko.

Nakatitig lang ako kay Jerry habang ginagawa nya ito at hindi ko mapigilang ma-impress, may ganitong side pala ang lalaki na 'toh?

"Anong nakain mo?" I asked him causing him to chuckles lightly.

"Why? Kakainin mo din?" Seryosong tanong nito.

Loving Mr.NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon