Chapter 27 The Bad Boy's Confession

549 14 3
                                        

Chapter 27: The Bad Boy's Confession

Reygun POV

Nakatambay ako ngayon sa likod ng school ng biglang nakita ko si Krystal na naglalakad habang may hawak na papel na maliit at naka ngiti ito.

Alam ko na tula na naman ito galing sa nerd na 'yon.

At nakakainis lang dahil ang cheap nya manligaw.

Kung ako yan...

Naalala ko tuloy noong unang pagkikita namin ni Krystal.

Napakaganda nya noon pero nakakainis lang dahil ang lakas nyang mang asar.

Aba,tawagin ba naman akong daga!

Alam ko na malaki ang tainga ko pero sya lang ang may lakas ng loob na insultohin ako.

Tapos noong nakita ko sya sa isang restaurant na mag isa hindi ko alam pero basta ko nalang iniwan ang ka-date ko na babae at lumapit sa table nya hindi pa ako nakakasubo noon. Ng bigla nalang tumawag saakin si tanda kaya hindi ko na sya nasabayan sa pagkain.

Inis na inis ako noon kay tanda dahil ayon na ang pagkakataon ko para makasama si Krystal.

Simula ng araw na yun alam ko na may nararamdaman na ako sakanya.

Hindi ko naman ginusto kung ano ang nararamdaman ko.

Sinubukan ko na pigilan pero tuwing nakikita ko sya nag ba-back to zero ang effort ko sa pagpi-pigil.

Sinubukan ko na umamin pero putakte lang nauwi pa sa joke.

Kaya tinago ko nalang ang nararamdaman ko sakanya sa mga pang a-asar,ang cute nya lang magalit.

Noong nalaman ko na niligawan sya ni Nerd,Damn! pakiramdam ko natapakan ang ego ko dahil naunahan pa ako ng isang tulad nya.

Pinamuka nya saakin na Mas matapang ang isang tulad nya kaysa saakin.

Lahat ng makita ko noon sa bahay ay sinira ko dahil sa inis...

Inis dahil hindi ko maiparamdam sa babaeng gusto ko na mahalaga sya saakin.

Naalala ko din noong binato nya ako ng sapatos sa ulo ko.

Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa kokote ko at bigla ko na lang itong kinuha at tumakbo.

Kahit ako hiyang-hiya ako sa ginawa ko pero natatawa din ako dahil may nakuha akong remembrance sakanya.

Damn,baliw na nga ata ako.

Pero naiinis parin ako sa nerd na yun noong tinalo nya ako sa try out.

Pinagmuka nya akong talonan...

Noong nakita ko sya na naka upo at nanonood ng laro ni Nerd,nakaramdam ako ng selos.kung nililigawan ko din ba sya,papanoorin nya rin ba ang laro ko?

Ngi-ngiti ba sya na abot mata,kung gawaan ko din sya ng tula?

Magpa-paligaw ba sya sa akin,kung magsalamin ako?

Loving Mr.NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon