Chapter 30 Can I be her?

467 14 6
                                        


Chapter 30: Can I be her?

RAIN POV

"Luciel" tawag ko sa pangalan nya dahilan para mapabaling ang atensyon nya saakin at mag tama ang tingin namin.

"Rain" bigkas nito sa pangalan ko at saka ngumiti pero kita ko ang lungkot sa mga mata nito.

"Malungkot ka" sabi ko sakanya dahilan para mawala ang ngiti sa muka nya.

Huminga muna ako ng malalim bago umupo sa tabi nya.

"Dahil ba sakanya?" Tanong ko sakanya. Pero hindi nya ako sinagot.

Kalat na sa buong campus ang panliligaw nya kay Krystal kaya naman alam ko na sya ang may kagagawan nito.

"Do you really like her?" Please say no...

"No,I don't like her-" muntik na sanang mag diwang ang puso ko yun nga lang.

"I love her,I love everything about her.Her eyes-"

pakiramdam ko bumagal ang lahat habang nag sasalita sya tungkol sa kung gaano nya kamahal si Krystal.

Hindi ko mapigilang hindi mapaisip habang nagkwe-kwento ang lalaking mahal ko sa harap ko tungkol sa babaeng mahal nya.

Masakit pala talaga...

"B-bakit sya?" Muntik na akong pumiyok nang biglang lumabas ang mga tanong na yun sa bibig ko.

bakit hindi nalang ako?

Kung ako nalang sana ang nagustuhan mo edi hindi ka makakaramdam ng sakit o ng lungkot.

Yun nga lang hindi mangyayari yun.

Hindi ako ang babaeng makapag papasaya sakanya.

Napangiti nalang ako ng malungkot noong hindi nya ako sinagot at tumitig lang sa libro na kaganina nya pa binabasa.

Ngayon lang ako nakaramdam ng ganitong inggit at panliliit sa estado ko sa buhay.

Dati wala akong pakialam sa itsura ko.

Wala akong paki alam kung mahirap lang ako o ano.

Para saakin pantay-pantay lang ang lahat.

Pero ngayon pakiramdam ko sinasampal ako ng katotohanan na meron talagang mga tao na hihigit at hihigit sa akin

"Kamusta nga pala ang sport na sinalihan mo?" Pag iiba ko ng topic.

"Ayos lang"

"Ganun ba? Nabalitaan ko na ginawa kang captain ng swimming team totoo ba?"

Patuloy ko lang syang tinatanong hanggang sa maging random nalang ang pinag uusapan namin.

"Shh wag kayong maingay nasa library kayo wala sa park" sabi ng librarian saamin dahilan para mag pigil kami ng tawa ni Luciel.

Nag tagal pa kami sa library hanggang mag bell.

"Ano Tara na?" Tanong nito at saka nag simula ng mag ayos ng gamit.

Loving Mr.NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon