***
Yuri's POV"I have a shooting tomorrow at 6:00 am. Please Yuri don't be late!" masungit na sabi sakin ni Lance
"yes your highness" tapos nginitian ko sya. Yung ngiting pilit na pilit.
Nakakainis tong Lance na to napaka sungit. 3 days nya pa lang akong nagiging personal assistant kung makautos wagas. Ubod pa ng sungit
maya-maya nagring yung phone ko
calling David....
"hello" masigla kong sabi
"ahhh yuri di na tuloy yung date natin mamaya, work kasi alam mo naman"
"ahhh ganun ba.... sige next time nalang pagdi kana busy" tapos binaba ko na yung phone ko
hay naku! lagi nalang di natutuloy
Di na kami nagkaroon ng maayos na date. Pero dahil alam ko namang sa trabaho nya yun okay lang sakin. Kahit na di na kami masyadong nagkikita."ano di nanaman kayo tuloy tama ba?" sabi sakin ni Lance habang nakatingin sa tablet nya
"oo di nanaman, pero next time daw pagdi na sya busy" tapos ngumiti ako
"dati nya pa sinasabi yan sayo, laging work laging kesyo may emergency, ikaw naman oo lang ng oo" tapos tinawanan nya ko
Alam ko namang work talaga yung pinupuntahan nya eh. Di ako lolokohin nun, mahal na mahal ako nun eh
"supportive girlfriend ako eh!" pasigaw kong sabi sa kanya
tinanggal nya yung earphone nya at tumingin sakin
"supportive o stupid?"
napalunok nalang ako sa sinabi nya. Di dapat ako naniniwala kay Lance, di ako lolokohin ni David.
"sige na magbihis kana may pupuntahan ka mamaya diba?" sabi ko kay Lance
"oo, at sasama ka sakin" pagkasabi nya nun tumayo na sya at nagpunta sa dressing room nya
sasama ako? wala naman syang appointment ngayon ah. Wala rin naman syang shooting. Ang alam ko free time nya ngayon so bakit ako sasama?
pagkalabas nya hinila nya ko papunta sa kotse nya
"teka san tayo pupunta?" tanong ko sa kanya
"sa katotohanan" tapos nginitian nya ko. Kinabahan ako bigla sa sinabi nya
after 20 minutes huminto yung kotse. Lumabas si Lance kaya lumabas narin ako.
Bar? bakit nasa tapat kami ng isang bar?
"ahhhh Lance intayin nalang kita dito sa labas" tapos nginitian ko sya
"no sasama ka sa loob, di pwedeng mawala ka sa palabas" tapos ngumisi sya
anong palabas? di naman ako artista ah?
pagpasok namin bumungad samin yung sobrang lakas na tugtog. Sobrang dami ring tao, puro mga nagiinom. Yung iba yata kakilala ni Lance. Maya-maya hinawakan ni Lance yung kamay ko at umupo kami sa isang table
"Lance uuwi nalang ako" tapos humarap ako sa kanya
"hindi ka uuwi, don't worry you'll thank me after this" tapos inakbayan nya ko
ano bang meron dito? Unang una hindi tahimik dito, napaka ingay. Pangalawa puro manginginom ang mga tao dito. At pangatlo.... nandito si David?!! Teka si David ba yun?!
parang automatic na tumayo ako at naglakad papunta kay David. Tinignan ko yung mukha nya, katawan nya, oo syang sya nga. Habang papunta ako sa kanya parang pasakit ng pasakit yung puso ko. Bakit may kahalikan syang babae? akala ko ba nasa trabaho sya ngayon? akala ko ba emergency? Eto ba yung dahilan kung bakit di kami nakakapagdate lagi? dahil ba may iba syang babae? dahil ba ayaw nya na sakin?
Nang makalapit ako kay David tinitigan ko lang sila nung babae kung paano sila maghalikang dalawa. Napansin ata ako nung babae kaya huminto sya at napatingin nadin sakin si David.
"y-yuri bat ka nandito?" gulat na tanong sakin ni David
di ako makapagsalita, parang walang lumalabas sa bibig ko. Unti-unting tumulo yung luha ko sa mukha ko.
tumayo si David at hinawakan ang kamay ko "Yuri I'll explain"
umiling lang ako at tinanggal ang pagkakahawak nya sa kamay ko. Tumakbo ako palayo sa kanya, narinig kong tinatawag nya ang pangalan ko pero di ko pinansin. Takbo lang ako ng takbo, di ko na alam kung nasaang parte na ba ako ng bar na to. Kaya ba ko dinala ni Lance dito para malaman ko to?
habang tumatakbo ako nabangga ako kaya napahinto ako. Nakayuko lang ako kaya di ko nakita na may nabangga pala ako. Nagulat ako kasi may humawak sa mukha ko at iniangat ito.
"L-Lance" pagkakita ko sa kanya naiyak ako lalo.
Nagulat ako ng yakapin nya ko ng mahigpit at sabihin saking "You'll get over him"
***
Vote
BINABASA MO ANG
Shadows of the Past (MyungStal)
FanfictionI hate getting flashbacks from things I don't want to remember.