***
Yuri's POV*beep*
1 message received
from: DavidI feel stupid kasi hinalikan kita nung isang araw. I'm sorry. Don't worry hindi mo na ko makikita ulit.
----Aalis sya?! Saan sya pupunta??!
Naalala ko yung sinabi nung doctor sakin nung naaksidente si David. Bago sya mabangga dapat pupunta syang airport. Wag mo sabihing magiibang bansa sya?????????Hala ka. Sa sobrang taranta ko kinuha ko kaagad yung bag ko at lumabas ng bahay.
"Ingat!" sigaw sakin ni Mama
"Opo!" sigaw ko.
Pagkasakay ko ng taxi tinry kong tawagan si David pero hindi sya sumasagot. Shit! Di kaya nakaalis na sya???
Halos maiyak-iyak nako habang nasa taxi. Aaminin ko kaya ako nagkakaganito kasi mahal ko si David. Oo mahal ko parin sya hanggang ngayon. Siguro para sa inyo napaka tanga ko kasi kahit niloko nako ni David mahal ko parin sya. Sabihin nyo na lahat pero anong magagawa ko, puso ko ang nagdedesisyon.
Pagkababa ko sa airport tumakbo ako kaagad. Pero nakakainis lang kasi ayaw ako papasukin ng guard.
"Sige na kuya may pupuntahan lang ako" pagmamakaawa ko.
"Sorry po hindi po talaga pwede" sabi sakin nung guard.
Napaupo nalang ako sa sahig at umiyak. Tinext ko si David na nandito ako sa airport pero hindi sya nagrereply. Siguro nakaalis na talaga sya.
*calling David*
Halos matumba ako ng makita ko kung sino yung tumatawag.
"Hello! David asan ka! Nakakainis ka bakit ka umalis!" naiiyak kong sabi.
"Hindi ako umalis Yuri. Bakit naman ako aalis?"
"H-Ha?" tanong ko.
"Tumayo ka nga dyan tapos tumalikod ka"
Sinunod ko naman yung sinabi nya at pagtalikod ko nakita ko si David.
Tumakbo ako kaagad papunta sa kanya at niyakap sya ng mahigpit."Akala ko umalis kana" naiiyak kong sabi.
"Bakit naman ako aalis?"
"Diba sa text mo sakin? Sabi mo hindi na kita makikita ulit?" tapos humiwalay ako sa yakap at tinitigan sya.
"Oo pero hindi ibig sabihin nun na magiibang bansa na ko. Kaya ako nandito kasi nagtext ka sakin na nandito ka sa airport kaya pinuntahan kita agad" seryoso nyang sabi sakin.
So hindi pala sya magiibang bansa?! Shemay lang may paiyak iyak pako dun sa harap nung guard. Sa sobrang inis ko pinaghahampas ko si David ng bag ko.
"Nakakainis ka! Nakakahiya may paiyak iyak pako di ka pala magiibang bansa!" sigaw ko.
"Aray! Sorry na. Wala naman akong tinext na magiibang bansa ako ah!" sigaw nya sakin.
"Aba sinisigawan mo pa ko?!" sabay kurot ko sa braso nya.
"Aray! Aray! Hindi po. Sorry napo" sabi nya habang hinihimas yung braso nya.
"Bahala ka na nga dyan!" tapos naglakad nako palayo.
"Uy teka! Baka umiyak ka nanaman kapag nawala ako eh" sabi nya ng nakangiti.
"Yabang! Galit ako sayo!" sigaw ko.
Nagulat ako ng bigla nyang hawakan ang kamay ko habang naglalakad.
Tinignan ko sya at nakangiti sya. Hindi ko alam kung tama tong ginagawa ko. Pero masaya ako eh, siguro naman pwede akong maging masaya diba?***
Vote
BINABASA MO ANG
Shadows of the Past (MyungStal)
FanficI hate getting flashbacks from things I don't want to remember.