***
Yuri's POVPagmulat ko ramdam ko agad yung hapdi sa mata ko. Pagtayo ko tumingin ako sa salamin at bumungad sakin ang mata kong namamaga. Iyak pa Yuri -.-
Huminga ako ng malalim at naalala ko nanaman yung nangyare samin ni David dun sa beach. Eto nanaman ako, pilit ko nanamang kakalimutan si David. Hay buhay!
Tinignan ko yung orasan ko at malapit nakong malate. Dali-dali naman akong naligo at nagbihis. Naglagay din ako ng konting make up para naman di mahalata na umiyak ako kagabi.
Paglabas ko ng bahay nakita ko ang isang pamilyar na kotse.
"sakay na" nakangiti nyang sabi sakin
Tumingin ako sa paligid kasi baka may makakita samin.
"Anong ginagawa mo? baka may makakita sayo" seryosong sabi ko sa kanya
"sasakay ka o lalabas pako par-" di ko na tinapos yung pagsasalita nya at sumakay nako agad.
"Hay naku Lance Ocampo! Patay ako sa manager mo kapag may nakakita satin" pasigaw kong sabi sa kanya
"eto naman, wala naman akong appointment ngayon eh kaya aalis tayo" tapos nginitian nya ko
"aalis? saan?"
"sa lugar na walang nakakakilala sakin" tapos pinaandar na nya yung sasakyan
Meron bang ganung lugar? Sikat na sikat kaya sya kaya imposibleng merong lugar na walang nakakakilala sa kanya.
Huminga ako ng malalim at tumingin sa kanya.
"Hoy Lance! Bakit kailangan ako ang isama mo!" sigaw ko sa kanya
"Para makalimot ka" sabi nya ng hindi tumitingin sakin
Bigla naman akong napayuko sa sinabi nya. Oo alam ni Lance ang nangyare samin ni David kagabi. Nasabi ko sa kanya lahat lahat.
Tinignan ko sya na nagmamaneho.
Bakit mo ginagawa to Lance?after ng ilang oras nakarating din kami. Lumabas ako ng sasakyan at sumalubong sakin ang napaka lakas na hangin.
"ang ganda diba" nakangiting sabi sakin ni Lance
Hindi ko alam kung nasaan na kami pero wala nakong pakielam dahil sobrang ganda dito. Nasa isang overlooking kami. Isang mataas na lugar, makikita mo dito yung buong city.
Sa sobrang tuwa ko pinicturan ko kaagad yung view ^0^
Habang kumukuha ako ng litrato si Lance naman ay naglatag ng sapin sa damuhan at humiga.
Ginawa ko humiga rin ako sa tabi nya at pumikit. Ang sarap sa pakiramdam nung hangin.
"Salamat ah, napasaya mo ko" sabi ko ng nakapikit.
Hindi ko alam kung bakit ginagawa sakin to ni Lance. Kung pwede lang sana turuan ang puso ko ginawa ko na. Sana lang talaga pwedeng malipat ang pagmamahal. Sana si Lance nalang. Sana mas una kong nakilala si Lance.
"Dahil sa sinabi mo lalo akong nagkakagusto sayo" seryosong sabi sakin ni Lance.
Nang sabihin nya yun napamulat ako bigla.
"h-ha?" tapos nilingon ko sya
"sabi ko lalo akong nagkagusto sayo" tapos humarap sya sakin at nginitian ako.
***
Vote
BINABASA MO ANG
Shadows of the Past (MyungStal)
FanfictionI hate getting flashbacks from things I don't want to remember.