chapter 21

89 6 2
                                    

***
Yuri's POV

Naglalakad ako ngayon papuntang office at pakiramdam ko mukha akong zombie. Letche kasi si David eh nag-aya ba naman mag movie marathon, ayan tuloy puyat.

Pagkapasok na pagkapasok ko nagulat ako kasi natataranta lahat ng staff.

"A-Anong nangyayare?" tanong ko

Biglang lumapit sakin yung isang staff at kinapitan ako sa balikat.

"Si Lance nasa ospital, naaksidente sya kagabi. Ang nakakainis pa ang daming schedule ni Lance this week at lahat yon mapopostponed."

Naaksidente?? kagabi?? B-Bakit??
Tinanong ko kaagad kung nasaang ospital si Lance at pinuntahan ito.

Pagkapasok ko sa room ni Lance nadatnan ko syang nakaupo at nakayuko. Unti-unti akong lumapit sa kanya.

"L-Lance anong n-nangyare?" tanong ko.

Tumingin sya sakin pero hindi sya nagsasalita. Yung mga tingin nya, hindi ko alam kung anong gusto nyang ipahiwatig. Siguro gusto nya munang mapagisa. Aalis na sana ako pero bigla nyang hinawakan ang kamay ko at hinila papunta sa kanya.

 Aalis na sana ako pero bigla nyang hinawakan ang kamay ko at hinila papunta sa kanya

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Stay" seryoso nyang sabi sakin.

***
Lance's POV

*flashback*

Time check: 11:00 pm

Nakamotor ako at napagdesisyunan kong puntahan si Yuri sa bahay nya. Nagdala ako ng flowers at cake.
Malapit na ko nun pero napatigil ako ng may makita akong kotse na tumigil sa harap ng bahay nila Yuri. Lumabas sa kotse si Yuri at si

David.

Masaya silang dalawa, yung para bang sila lang ang may mundo.

Sa inis ko tinapon ko sa basurahan yung flowers at cake. Dali-dali akong nagmotor paalis. Nakakainis! Bakit kahit anong gawin ko si David parin? Bakit kahit ako ang laging nasa tabi nya pag may problema sya si David parin?

Hindi ko alam pero may tulo na palang luha sa mukha ko. Nanlalabo na yung paningin ko dahil sa luha. Pupunasan ko na sana yung luha ko pero bigla akong na out of balance at bumangga sa puno.

***

Vote

a/n: Malapit na po matapos ito. Hindi ko na po ito pahahabain pa.

David ♡ Yuri
or
Lance ♡ Yuri

Shadows of the Past (MyungStal)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon