chapter 17

89 7 0
                                    

***
David's POV

Pagdilat ko ng aking mga mata isang liwanag ang bumungad sakin.

Shit! Nasa langit na ba ako?!

Unti-unti akong umupo at narealize kong nasa ospital lang pala ako. Nagulat ako kasi may isang babaeng hawak-hawak ang kaliwa kong kamay. Nang luminaw na yung paningin ko nakita kong si Yuri pala ang nakahawak sa kamay ko. Nakaupo sya malapit sa kama ko at nakahiga yung ulo nya habang natutulog.

Hinawakan ko ng mahigpit ang kamay nya. Dapat hindi nako magpapakita sa babaeng to pero bakit nandito sya? Bakit nya hawak-hawak ang kamay ko?

Inalala ko ang mga nangyare. Dapat pupunta na ko ng airport para magibang bansa. Pero habang nagda-drive ako may isang malaking truck ang bumangga sakin.

Tinignan ko ang sarili ko sa salamin na nasa tapat ko. Puro sugat ang mukha ko at ang kanan kong paa, hindi ko masyadong maramdaman.

Ano bang nangyayare sakin. Ito na ba ang mga kabayaran sa panloloko ko kay Yuri dati?

Maya-maya nagulat ako kasi nagising si Yuri. Nang magtama ang mga mata namin gumaan ang pakiramdam ko. Hindi sya nagsasalita at nanatiling nakatitig sakin.

"Anong ginagawa mo dito?" seryoso kong tanong sa kanya

"A-Ano kasi..... y-yung ano.... may tumawag s-sakin at ang sabi nasa ospital ka k-kaya pinuntahan kita agad" nauutal nyang sabi.

"Pwede ka ng umalis. Alam kong napipilitan ka lang kaya ka nandito. Kaya pwede ka ng umalis" sabi ko sa kanya habang nakatingin sa bintana

Hindi na sya sumagot pa at narinig ko nalang ang pagsara ng pinto. Tama nga ako, napipilitan lang sya. Bakit nga naman sya mag-aalala sa taong niloko lang sya.

Humiga ako at ipinikit ang aking mga mata.

Ano nang gagawin ko sa sarili ko.
Maaayos ko pa ba to?

***
Yuri's POV

Umalis ako ng ospital ng wala sa sarili.

"Pwede ka ng umalis. Alam kong napipilitan ka lang kaya ka nandito. Kaya pwede ka ng umalis"

Napipilitan lang ba talaga ako? Kaya ko ba sya pinuntahan kasi pinilit ko lang ang sarili ko?

Hinilamos ko ang kamay ko sa mukha ko at umupo sa sahig. Kakalakad ko di ko alam na nakarating na pala ako sa riverside.

Di ko na alam ang nararamdaman ko. Di ko na napigilan pang maiyak. Nakakainis lang kasi! Bakit kahit alam ko sa sarili kong nagaalala ako ng malaman kong naaksidente si David itinatanggi ko parin. Bakit di ko matanggap na hanggang ngayon concern parin ako sa kanya!

*calling Lance*

"h-hello"

"Yuri? Umiiyak kaba? Asan ka ba? Pupuntahan kita"

"n-nandito ako sa park"

*call ended*

Bakit pinatay nya agad? Ay shit! Kanina pala yung performance nya at hindi ako nakanood. Hala patay! Hindi kaya nagalit sakin si Lance kasi di ko sya pinanood?

Shit.Shit.Shit.Shit

Bakit ba nangyayare sakin to!

Makalipas ang ilang minuto bigla nalang akong may naramdaman na malamig na dumampi sa pisngi ko.
Nilingon ko ito at nakita ko si Lance na may inaabot saking beer. Kinuha ko ito at binuksan pagkatapos ay umupo sya sa tabi ko.

"Anong nangyare bakit ka umiiyak" mahinahong tanong sakin ni Lance

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Anong nangyare bakit ka umiiyak" mahinahong tanong sakin ni Lance

"Dapat ko ba sabihin sayo ang problema ko?" tanong ko

"Baka makatulong ako" tapos nginitian nya ko.

Tinitigan ko lang sya habang sya naman ay naghihintay sa sasabihin ko. Si Lance na mahal na mahal ako, ang unfair naman ata kung sasabihin ko sa kanyang si David nanaman ang dahilan ng pagiyak ko ngayon.

"Kung hindi mo kayang sabihin sakin naiintindihan kita. Basta nandito lang ako sa tabi mo. Kung kailangan mo ng kausap tawagin mo lang ako" sabi nya sakin ng nakangiti.

Pinunasan nya ang mga luha sa mukha ko gamit ang kamay nya.
"Di bagay sa isang babaeng katulad mo ang umiiyak"

 "Di bagay sa isang babaeng katulad mo ang umiiyak"

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

***

Vote

Shadows of the Past (MyungStal)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon