chapter 14

94 8 0
                                    

***
David's POV

"Sir lasing na po kayo, tama na po" seryosong sabi sakin nung waiter

"Wala kang pake!!" sigaw ko

Sa sobrang inis ko binasag ko yung baso na hawak ko. Maya-maya may dumating na mga guard at hinila ako palabas ng bar.

"Bitiwan nyo nga ko!!" sigaw ko

"Umalis kana! Nanggugulo ka lang dito" sabi nung guard sabay tulak sakin palabas.

Tumayo ako at naglakad kahit na medyo nanlalabo na yung paningin ko. Pati ba naman sila tinataboy ako. Kulang nalang ayawan nako ng lahat.
Namimiss ko na si Yuri, miss na miss ko na sya. Lord pwede bang bigyan nyo pa ko ng isa pang pagkakataon. Pangako magbabago ako, ibalik nyo lang si Yuri sakin.

Habang naglalakad ako di ko maiwasang maiyak. Kahit pinagtitinginan nako ng mga tao wala akong pakielam. Kung alam lang nila ang sakit na nararamdaman ko.

Maya-maya nagulat ako kasi nakita ko si Yuri na naglalakad. Dali-dali akong tumakbo papunta sa kanya at niyakap sya mula sa likod. Habang yakap-yakap ko sya naiyak nako ng sobra. Mahal na mahal ko tong babaeng to.

"Y-Yuri..... di mo na ba talaga ako pwedeng bigyan ng k-kahit isa pang pagkakataon?" sabi ko sa kanya

Akala ko hindi na ako sasagutin ni Yuri pero bigla nalang syang nagsalita.

"s-sorry" mahinahon nyang sabi

Aalisin na sana nya yung pagkakayakap ko sa kanya pero mas hinigpitan ko ito.

"Yuri please..... hindi ko kaya"

Pagkasabi ko nun tuluyan na nyang tinanggal ang pagkakayakap ko sa kanya at naglakad na palayo sakin.

Naiwan akong nakatayo habang pinagmamasdan ang likod nya. Hindi na talaga nya ko mahal. Siguro nga masyado ko syang nasaktan noon.

Ito na ang huling beses na magpapakita ako sayo Yuri. Sana mapatawad mo ko sa mga nagawa ko sayo noon.

Basta tandaan mo..... mahal na mahal kita.

***
Yuri's POV

Naglalakad ako pauwi ng biglang may yumakap sakin sa likod. Nagulat ako sa yumakap sakin kasabay ng pagbilis ng tibok ng puso ko.

"Y-Yuri..... di mo na ba talaga ako pwedeng bigyan ng k-kahit isa pang pagkakataon?" mahinahon nyang tanong sakin.

Nang maramdaman kong umiiyak pala sya naiyak narin ako. Hindi ko pinahalata sa kanya na umiiyak narin ako. Hindi muna ako sumagot sa tanong nya dahil pinakalma ko muna ang sarili ko sa pagiyak.

"s-sorry" mahinahon kong sabi sa kanya.

Pakiramdam ko sasabog ang puso ko kaya sinubukan kong tanggalin ang pagkakayakap nya sakin pero mas hinigpitan nya ito.

"Yuri please..... hindi ko kaya" seryoso nyang sabi.

Lalo nakong naiyak sa sinabi nya kaya tinanggal ko na talaga yung pagkakayakap nya sakin. Habang naglalakad palayo sa kanya umiyak nako ng sobra.

Mahal ko si David. Oo mahal ko parin sya. Kahit na nasaktan na nya ko noon mahal na mahal ko parin sya. Pero alam kong mauulit lang yung nangyari noon kapag naging kami ulit. Kaya hindi na pwede, ayoko ng masaktan ulit.

***

Vote

Shadows of the Past (MyungStal)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon