chapter 23

197 9 2
                                    

a/n: MyungStal FMV on top.

***
Yuri's POV

5:00 am -_- Gising parin ako
Di ako makatulog kakaisip kay Lance. Mahal ko ba si Lance kaya ako nagkakaganito? eh ano si David? Diba mahal ko sya?

Ginawa ko nginudngod ko nalang yung ulo ko sa unan ko. Nakakainis naman! Jusko naman Lord paki ayos naman po itong puso ko. Di na nakakatuwa eh.

Umupo ako at tumingin sa bintana, may liwanag na. Paalis na si Lance papuntang America. Napahinga ako ng malalim at yinakap ang mga tuhod ko.

Bumukas bigla yung pintuan ng kwarto ko at sumilip si mama.

"Anak may bisita ka" mahinahon na sabi sakin ni mama.

Ang aga naman?

"Sino daw po?" tanong ko.

"David" nakasimangot na sabi ni mama.

Oo galit parin si mama kay David dahil sa ginawa nitong panloloko sakin dati. Pero anong magagawa ni mama, ang sabi ko napatawad ko na naman si David.

"David?! Hala anong ginagawa nya dito? Paki sabi maliligo lang ako" natataranta kong sabi.

Dali-dali naman akong pumuntang cr at naligo. Pagkatapos ay nagbihis nako agad. Tumingin ako sa salamin at mukha akong zombie. Di kasi ako nakatulog diba? ayan tuloy mukhang namatayan ang loka. Naglagay ako ng konting foundation para matakpan yung eyebags ko at naglip tint ako para di ako mamutla.

At nung okay na bababa na sana ako ng biglang may nagtext sakin.

1 message received
from: Lance

Ingatan mo sarili mo ha? Wag ka ring iiyak lagi, napaka iyakin mo pa naman. Haha sige aalis na ko :) Salamat sa lahat Yuri.
--

Halos maiyak ako sa nabasa ko. Hinga ng malalim Yuri si David ang mahal mo diba? kaya di ka dapat umiyak.

Bumaba ako at nadatnan ko si David na nakaupo sa sofa. Nang mapatingin sakin si David parang may mali. Bakit wala nakong maramdaman sa mga tingin nya? Hindi baka akala ko lang yun. Mahal ko si David. Dati halos si David lang ang nasa isip ko. Kaya alam kong mahal ko talaga si David.

"Yuri? Are you okay?" tanong sakin ni David.

"ah oo o-okay lang ako" nauutal kong sabi.

Umupo ako sa tabi ni David sa sofa. Tapos bigla bigla nalang nagflashback sa utak ko yung mga memories namin ni Lance. Hala bakit ganito? Posible bang magbago ang pagmamahal ng isang tao ng ganun kabilis? Hindi diba? Kaya bakit ganito ako ngayon?

"Yuri bakit ka umiiyak?!" pasigaw na sabi ni David.

"Ha?" tapos kinapa ko yung pisngi ko at oo umiiyak nga ako. Hala naguguluhan nako.

Nagulat ako ng hilahin ako ni mama patayo at niyakap ng mahigpit.

"David pwede bang sa ibang araw ka nalang pumunta ulit. Mukhang may problema ang anak ko eh" sabi ni mama.

"Sige po. Yuri tawagan kita mamaya ah" tapos umalis na sya.

Dahil sa yakap ni mama naiyak ako lalo. Para akong bata sa kakaiyak.

"M-Ma bakit ganito yung puso ko? Akala ko mahal ko parin s-si David p-pero bakit nung nalaman kong aalis na si Lance nasasaktan ako. B-Bakit gusto ko syang puntahan? Bakit biglang narealize ko na mahal ko pala si Lance? M-Ma bakit ganito ako? H-Hindi ko na alam ang gagawin ko" sabi ko habang umiiyak.

Umalis si mama sa pagkakayakap at tinitigan ako sa mata.

"Anak walang mali sayo. Siguro ang akala mo mahal mo parin si David pero ang totoo hindi na. Na-trap ka sa past anak. Pero simula nung nakilala mo si Lance nabago yun. Pinipilit mo sa sarili mo na mahal mo parin si David kahit na si Lance naman talaga ang mahal mo." hinawakan ni mama ang pisngi ko at pinunasan ang mga luha ko.

Shadows of the Past (MyungStal)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon