chapter 3

167 9 0
                                    

***
Yuri's POV

Nandito kami ni Lance ngayon sa waiting room. May performance kasi sya kaya bilang assistant nandito ako kasama sya.

Tinignan ko si Lance, naka earphone sya at nakapikit. Tulog kaya sya?
Nauuhaw ako kaya lalabas muna siguro ako para bumili ng tubig.
Tumayo ako at aalis na sana ng hawakan nya bigla yung kamay ko.

"stay" mahinahon nyang sabi sakin

"b-bibili lang akong tubig" tapos nginitian ko sya

"may tubig ako sa bag diba? dun ka nalang uminom" tapos tinaggal na nya yung pagkakahawak nya sa kamay ko

"pero sayo yun diba?" tanong ko sa kanya. Ang alam ko ang sabi sakin ng Manager nya ang pinaka ayaw daw ni Lance ay yung may nakikiinom sa tubig nya.

"sige na. Dun kana uminom" tapos ipinikit nya ulit yung mga mata nya

habang kinukuha ko yung tubigan nya sa bag di ko maiwasang mapangiti. Si Lance na dati napaka sungit ay nagiging kaibigan ko na.

Pagkatapos kong makainom pupunasan ko na sana yung part na pinaginuman ko kaya lang pinigilan nya ko. Kinuha nya sakin yung tubigan at uminom. Take note dun pa sya uminom sa part na ininuman ko.

O_O hala ka! di ba sya naiilang na nandoon yung laway ko?

"L-Lance... kasi ano eh.... ano kasi"

di nya ko pinansin at umupo nalang ulit sa upuan nya. Tignan mo talaga tong lalakeng to, di ako pinansin. Siguro di nya napansin na dun sya uminom sa part na ininuman ko.

Maya maya may kumatok sa pinto. Pagkabukas ko may babae na nagsabi sakin na next performance na daw ay yung kay Lance kaya magready na daw sa backstage.

"Lance magready kana daw, next kana" sabi ko sa kanya

Tumayo sya tapos tumingin sakin "panoorin mo ko ah"

tumango naman ako agad tapos ngumiti. Pagkalabas nya binuksan ko agad yung TV dito sa waiting room at hinintay na magperform si Lance.

Nang makita ko si Lance sa TV parang bumilis yung tibok ng puso ko. Nakatingin lang ako sa TV habang kumakanta sya, grabe ang ganda ng boses nya. Pumikit ako at pinakinggan ang boses nya. Napaka lamig nga ng boses nya. Ang sarap sarap sa tenga.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.

"tapos na"

napadilat ako agad at nakita ko si Lance sa harap ko

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

napadilat ako agad at nakita ko si Lance sa harap ko. Hala ka nakakahiya! may pa pikit pikit pako habang pinakikinggan ko yung boses nya.

"salamat sa pakikinig" tapos tumawa sya ng mahina

>.< nakakahiya po!!! sobra!!

"tara na" sabi sakin ni Lance tapos lumabas na sya ng waiting room

kinuha ko na agad yung mga gamit nya at lalabas na sana ng magring ang phone ko

calling 'unknown number'

"hello?"

"........."

"hello? sino po sila?"

"........."

wala paring sumasagot kaya ibababa ko na sana ng biglang may narinig ako nagsalita

"I miss you"

call ended

Sino ba yun? Parang familiar yung boses nya. Habang tinititigan ko yung phone ko at iniisip kung sino yung tumawag biglang pumasok sa isip ko si David. Si David kaya yun? kaboses nya eh. Pero imposibleng si David kasi di nya alam ang number ko, at tsaka bat nya pa ko tatawagan diba. Para san pa. Siguro prank call lang yun. Oo tama hindi si David yun, kaboses nya lang siguro

***

Vote

Shadows of the Past (MyungStal)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon