***
David's POV"pwede mo ba ko samahan....please" tanong ko sa kanya
Tinitigan nya lang ako. Di ko alam kung sasama sya sakin pero sana naman sumama sya. Miss na miss ko na sya, yung mga ngiti nya, yung mga tawa nya.
"bakit naman ako sasama sayo?" seryosong tanong nya sakin
"Yuri please..... pagkatapos nito di na kita guguluhin" seryosong sabi ko sa kanya
"siguraduhin mo lang na di mo na ko guguluhin ulit pagkatapos nito" mahinahon nyang sabi sakin
Tumango naman ako tapos hinawakan ko ng mahigpit yung kamay nya at sumakay na kami sa kotse ko.
***
Yuri's POVHabang nasa byahe tahimik lang ako. Sumama lang naman ako kasi alam kong pagkatapos nito di na nya ko guguluhin eh. Magiging masaya nako ulit kasi di ko na sya makikita.
Bigla namang kumirot yung puso ko. Magiging masaya naman ako diba?
Huminga ako ng malalim at ipinagpatuloy nalang ang pagtingin sa bintana ng kotse ni David.
Buti nalang at pinayagan ako ng manager ni Lance na umalis ngayon. Sana hindi ibawas sa sahod ko yung pag alis ko ngayon. Hindi na rin ako nakapag paalam kay Lance, busy kasi sya kanina eh.
Saan ba ko dadalhin ng isang to? Halos isang oras na kaming bumabyahe.
Maya-maya huminto na yung kotse. Lumabas ako para tignan kung nasaan na kami. At bumungad sakin ang isang napaka lawak na beach. Di mawala yung ngiti sa labi ko sa nakikita ko ngayon. Napaka hangin at napaka mapayapa. Tumakbo ako papalapit sa tubig at pumikit. Ramdam na ramdam ko yung pagtama ng hangin sa balat ko.
"Dito ako dinadala ni mama dati nung bata pa ko, at nung buhay pa sya"
Nilingon ko si David at nakatayo sya sa tabi ko habang nakatingin sa napaka gandang view ng beach. Nakita ko yung lungkot sa mga mata nya nung sinabi nya yun. Gusto ko syang yakapin para pagaanin ang loob nya pero di ko magawa dahil alam kong ako naman ang masasaktan.
Habang nakatingin ako sa kanya bigla syang tumingin sakin.
"Alam kong hindi ka maniniwala sa sasabihin ko pero sasabihin ko parin. Yuri sana mapatawad mo ko sa mga nagawa ko sayo noon. Pinagsisisihan ko yun. Inis na inis ako sa sarili ko kasi nagawa ko ang bagay na yun sayo. Kaya pagkatapos ng araw na to hindi nako magpapakita sayo" tapos nginitian nya ko. Yung ngiting hindi masaya.
Biglang bumigat yung pakiramdam ko sa mga sinabi nya. Hindi ko na alam kung anong dapat kong maramdaman. Parang tutulo ang mga luha sa mata ko.
"Y-Yung bata" mahinahon kong sabi sa kanya
"ha?" naguguluhang tanong ni David sakin
Tinuro ko yung bata sa likod nya na umiiyak. Pinuntahan namin yung bata at tinanong kung bakit sya umiiyak.
"S-Si mama" tapos umiyak lalo yung bata
Natataranta na kami ni David kung paano namin mapapatigil sa pagiyak yung bata.
"Uy David anong gagawin natin" tanong ko sa kanya
"Hanapin natin ang mama mo ha?" sabi ni David dun sa bata at binuhat ito.
Lakad lang kami ng lakad pero di parin namin nahahanap ang mama nung bata. Tinignan ko yung orasan ko at mag gagabi na. Ginawa ko kahit sinong madaanan naming tao kinakausap ko na kung sila ba yung mama nung bata. Halos sumakit na ang mga paa namin kakalakad.
Hanggang sa may makita kaming isang babaeng umiiyak. Tinanong ko yung babae kung sya ba yung mama nung bata at umoo ito.
"Mama!!" sabay yakap nung bata sa mama nya.
"Salamat sa inyong dalawa" maiyak iyak na sabi samin nung babae.
"Wala pong ano man" tapos ngumiti ako
"Wag ka ng hihiwalay sa mama mo ah?" tanong ni David dun sa bata.
"Opo" mahinahong sagot nung bata
"Sigurado akong magiging mabuti kayong mga magulang kapag nagka anak kayo" sabi nung babae samin
Nagulat naman ako sa sinabi nya. Magulang? Mag kaka-anak kami ni David?! Namula naman ako bigla.
"Hin-" naputol yung pagsasalita ko kasi nagsalita bigla si David.
"Sigurado po akong magiging mabuti kaming magulang" tapos inakbayan nya ko
Lalo naman akong namula sa sinabi nya. Pagkaalis namin inalis ko agad yung pagkakaakbay sakin ni David
"Mabuting magulang mo mukha mo" tapos inirapan ko sya
Bigla naman syang yumuko at huminga ng malalim
"sorry" mahina nyang sabi
Tumalikod ako at maglalakad na sana ng bigla nya kong yakapin. Isang napaka higpit na yakap.
***
Vote
BINABASA MO ANG
Shadows of the Past (MyungStal)
FanfictionI hate getting flashbacks from things I don't want to remember.