***
Yuri's POV"Yuri!" tawag sakin ni Lance
Paglingon ko nagulat ako kasi niyakap nya ko bigla.
"Gusto ko panoorin mo mamaya yung performance ko" mahinahon nyang sabi sakin.
Umalis ako sa pagkakayakap at tinignan sya sa mata.
"Oo pupunta ako" tapos nginitian ko sya.
"Aasahan ko yan" tapos ngumiti rin sya.
Pagkatapos namin magusap ni Lance napagdesisyunan kong ilagay sa locker yung mga gamit ko. Habang papunta sa locker room hindi ko maiwasang maalala yung nangyari kagabi.
Nung niyakap ako ni David, nakaramdam ako ng saya at lungkot. Saya kasi nayakap ko sya ulit, at lungkot kasi alam kong mali kung patuloy ko pa syang mamahalin.
Umiling-iling ako at huminga ng malalim. Hindi ko na dapat sya iniisip, dapat mas magfocus ako sa trabaho ko. Naalala ko yung sinabi sakin ni Lance na may performance sya mamaya at gusto nyang panoorin ko sya.
Tinignan ko yung orasan ko at malapit na mag 1 pm.
"Yuri sumunod ka nalang ha, una na kami ni Lance" sigaw sakin nung manager ni Lance.
"Opo, susunod nalang po ako"
Inayos ko na agad yung gamit ko at mga gamit ni Lance na dadalhin ko rin. Aalis na sana ako ng biglang may tumawag sakin.
calling David...
Sasagutin ko ba?
Huminga muna ako ng malalim atsaka sinagot yung tawag.
"Hello" mahinahon kong sabi
"Magandang tanghali po ma'am"
"Sino to?!" pasigaw kong tanong
"P-Pasensya napo, yung may-ari po kasi ng phone na ito ay naaksidente. Kailangan nya po ng tulong ngayon, nasa ××× hospital po sya ngayon"
Halos mabagsak ko yung phone dahil sa narinig ko. S-Si David naaksidente?! B-Bakit? P-Paano?
Binitawan ko kaagad yung mga gamit na dala ko at tumakbo palabas ng building. Agad-agad akong naghanap ng taxi at sumakay.
Habang nasa byahe di mawala sakin yung kaba. Sana naman okay lang si David. Sana maayos ang lagay nya. Hindi ko alam ang gagawin ko kapag may nangyari sa kanyang masama.
"Ma'am ayos lang po kayo?" tanong sakin nung driver.
"p-po?"
"Umiiyak po kasi kayo eh"
Hinawakan ko yung mukha ko at oo umiiyak na nga ako.
"O-Okay lang po ako. Paki bilisan nalang po" nanginginig kong sabi dun sa driver.
Pagkababa na pagkababa ko tumakbo ako kaagad papunta sa loob ng ospital.
"M-Miss saan po yung room ni David Leoncio" tanong ko dun sa nurse.
"Sa room 103 po sa 4th floor"
Pinuntahan ko ito agad-agad. Pagkapasok ko sa room bumungad sakin si David na nakahiga at puro sugat sa mukha. Meron ding doctor na tumitingin sa kanya.
"Doc kaibigan po ako ni David. Ano pong nangyari sa kanya?" tanong ko
"Ang sabi ng nakakita sa kanya nagmamaneho daw sya papuntang airport ng biglang may bumangga sa kanyang isang malaking truck. Mabuti nalang at naagapan. Sa ngayon okay naman sya. May mga konting sugat at may pilay sya sa kaliwang braso." pagkapaliwanag nung doctor kung anong lagay ni David umalis na rin ito agad.
Lumapit ako kay David at hinawakan ang kamay nya. Naiiyak ako sa mga nangyayare. Sana okay na si David, sana magising na sya.
***
Vote
a/n: paki check po ulit yung trailer para mas malinawan sa flow ng story ^O^ Nasa prologue po yung trailer ☆ Kamsa!
BINABASA MO ANG
Shadows of the Past (MyungStal)
FanfictionI hate getting flashbacks from things I don't want to remember.