chapter 2

213 18 0
                                    

***
Yuri's POV

It's been months simula nung nahuli ko si David na may ibang babae. Simula nun di ko na sya pinansin at iniba ko narin ang number ng phone ko. He even tried to call my mom para makausap ako pero sabi ko kay mama na wag nyang kakausapin si David dahil wala na kami. Kinwento ko kay mama lahat at syempre nagalit sya kay David.

"Yuri!" sigaw ni Lance sakin

"Bakit?" iritadong tanong ko sa kanya

"tara sa cafe" tapos hinawakan nya yung kamay ko at hinila palabas ng building

at dahil girlscout ako nung makalabas kami ng building isinuot ko agad sa kanya yung shades at hoodie jacket nya

"bakit dala mo lagi tong hoodie at shades na to?" tanong sakin Lance

"gusto mong pagfiestahan ka ng mga fans mo?" seryosong tanong ko sa kanya

"ayaw" tapos yumuko sya

"ang cute" *^.^*

Teka sinabi ko yun?! Hala ka Yuri! O_O ingatan mo ang bibig mo sa susunod ha?

nagulat ako kasi biglang nilapit ni Lance yung mukha nya sakin. Halos nakadikit na sakin yung shades nya sa sobrang lapit.

"Thanks" tapos ngumiti sya. Nung maglakad sya para lang akong aso na sumunod sa kanya. Nakakahiya ka Yuri! Aigoo!! >.<

Nung makarating kami sa Cafe umorder sya ng dalawang chocolate smoothies. Tinanggal nya yung shades nya at jacket tutal nasa VIP naman kami kaya kami lang dalawa ang nandito. Bakit VIP? Idol sya diba? Favorite nya tong cafe na to kaya kilala na sya dito

"Listen" sabi sakin ni Lance tapos nilagay nya yung isang kabila nung earphone sa tenga ko at yung isang kabila naman sa tenga nya

habang pinakikinggan namin yung kantang composed nya di ko maiwasang mailang. Bakit kasi lagi nalang nagkakalapit ang mga mukha namin eh. Parang hindi nanaman tuloy ako makahinga.

parang di ko na naririnig yung kanta sa sobrang kaba. Pinilit kong magconcentrate dun sa pinakikinggan ko pero di parin nawawala yung kaba ko.

Nawala lang yung kaba ko nung matapos yung kanta. Akala ko tatanggalin na ni Lance yung earphone sa tenga ko pero hindi. Tinitigan nya lang ako, para bang pinagaaralan nya yung mukha ko. Di ko na kinaya kaya ako na mismo nag tanggal nung earphone sa tenga ko.

 Di ko na kinaya kaya ako na mismo nag tanggal nung earphone sa tenga ko

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"A-Ang ganda" tapos nginitian ko sya

"Thank you" tapos ngumiti din sya

Teka tama ba narinig ko? Nagthank you sya sakin? Waaaaaaa!!! for the first time nagthank you sya sakin.

Ngumiti ako at niyakap ko sya. "Your welcome."

"2 chocolate smoothies" sabi nung waiter kaya inalis ko na agad yung pagkakayakap ko kay Lance

nakita kong natawa si Lance kaya natawa narin ako. Unti-unti na ata kaming nagiging close ^.^

"okay kana ba?" tanong sakin ni Lance nung makaalis yung waiter

bigla namang nagflashback sakin yung nangyare dun sa bar. Oo masakit, hanggang ngayon masakit. Pero anong magagawa ko? nangyare na eh.

"Oo naman" tapos nginitian ko sya

"Good" tapos ngumiti rin sya

Hay naku Lance Ocampo, buti kapa kahit na ang sungit mo di mo nagagawang manakit ng babae.

"buti ka nga naramdaman mong magmahal at mahalin eh" malungkot na sabi nya sakin

"mararamdaman mo rin yan! Ang daming nagmamahal sayo eh. Ang swerte mo kaya" nakangiti kong sabi sa kanya

"Hindi rin" tapos tumawa sya ng mahina

"bakit naman?" tanong ko sa kanya

"secret" tapos tumawa sya

ano kaya yun -.-
Bakit totoo naman diba? maraming nagmamahal sa kanya. Ang swerte nya nga eh kasi panigurado mamahalin sya ng taong mahal nya.

***

Vote

Shadows of the Past (MyungStal)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon