chapter 8

124 7 1
                                    

***
David's POV

Naiwan ako magisa dito sa restaurant. Di ko alam kung ano ng gagawin ko. Bakit kasi nagawa kong lokohin si Yuri eh. Nagsisisi ako sa lahat ng mga nagawa ko sa kanya noon.

I Love her so much. Totoo nga yung sinasabi ng iba na kapag nawala na yung taong nagmamahal sayo tsaka mo lang marerealize na mahalaga sya sayo.

***
Yuri's POV

Pagkagising ko sobrang sakit ng ulo ko. Parang mabibiyak anytime. Pagbaba ko sa sala namin may nakita akong letter na nakadikit sa ref namin.

'anak alis muna kami ng daddy mo ah. 2 weeks kami mawawala, nagiwan nako ng allowance mo dyan sa cabinet at nag grocery narin ako para may food ka'

Naiwan nanaman ako magisa dito.
Ang lungkot naman ng buhay ko.
Teka sino pala naguwi sakin kagabi?
Pilit kong inalala kung sino naguwi sakin kagabi pero di ko talaga maalala.

Ginawa ko naligo nalang ako agad at nagalmusal. Pagkatapos kumain at maligo umalis nako agad at pumuntang trabaho.

Pagdating ko bumungad sakin si Lance. Lumapit sya sakin tapos nilapit nya yung mukha nya sakin.

"Hangover?" tapos nginitian nya ko

"p-pano mo nalaman" tanong ko sa kanya

"tinawagan mo ko kagabi kasi sabi mo kailangan mo ng kausap" pagkasabi nya nun namula naman ako agad.

Nakakahiya >.< sana naman di ako nagdrama sa kanya kagabi.

Maya maya naglakad si Lance papuntang music room tapos sinenyasan nya ko na sumama sa kanya.

Pagpasok namin sa music room agad agad na nagplay ng piano si Lance.

Naalala ko simula bata palang ako pangarap ko ng maging pianist. Pero dahil ang gusto para sakin ng mga magulang ko ay ang maging sikat na ice skater di ko na natupad yung pangarap ko.

Umupo ako sa tabi ni Lance at pinanood syang magpiano. Nagulat ako ng tumigil si Lance sa pagplay ng piano at humarap sakin.

"ano sa tingin mo?" tanong nya sakin

"ang galing" tapos nginitian ko sya

"di nga yung totoo?" seryoso nyang tanong sakin

"ang ganda nga" tapos tumawa ako

"Wag ka ngang tumawa! Pinapabilis mo nanaman yung tibok ng puso ko" seryoso nyang sabi sakin

Bigla naman akong napatigil sa pagtawa dahil sa sinabi nya.
Di ko maintindihan si Lance, bakit nya sinasabi sakin ang mga ganyang bagay.

"May gagawin pa pala ako. Sige bye" sabi ko tapos umalis na agad.

Lumabas muna ako ng building at nagpahangin. Bakit sa tuwing ganun sakin si Lance natatameme ako. Di ko alam ang gagawin ko.

Nagulat ako ng may humawak sa kamay ko. Lumingon ako para tingnan kung sino yung humawak sa kamay ko at nakita ko si David.

dub.dub.dub.dub.dub

"pwede mo ba ko samahan.....please" mahinanong tanong nya sakin

Sasama ba ko?
Sasamahan ko ba yung taong nanakit sakin noon?

Tinignan ko yung mga mata nya. Nakakamiss pala. Bakit kahit nasaktan nya na ko dati namimiss ko parin sya.

***

Vote

Shadows of the Past (MyungStal)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon