***
Yuri's POVHindi ako makapagsalita sa sinabi nya. Nakatingin lang ako sa mga mata nya.
"Ngayon alam mo na kung bakit ko ginagawa ang mga bagay na to sayo. Kasi mahal kita Yuri Vergara..... kaya sana naman hindi lang si David ang pansinin mo kasi nandito rin ako" seryoso nyang sabi sakin.
Magsasalita na sana ako ng biglang tumunog yung phone nya.
Nagulat ako kasi biglang tinanggal ni Lance yung battery ng phone nya at tumingin ulit sakin. Parang naghihintay sya ng isasagot ko sa sinabi nya.
Di ko na napigilan at natawa nako ng sobra :D
"Bakit ka tumatawa?" tanong sakin ni Lance
"Hahaha... eh kasi naman ang ganda na nung moment natin tapos biglang tumunog yung phone mo eh" natatawa kong sabi sa kanya
Bigla naman nyang inilapit ang mukha nya sa mukha ko kaya napatigil ako sa pagtawa. Magkatabi kaming nakahiga at magkalapit pa ang mga mukha namin sa isa't isa. Halos hindi nako makahinga sa sobrang lapit nya sakin.
Maya-maya niyakap nya ko at pumikit.
"Hindi kita minamadali. Maghihintay ako ng sagot mo." sabi nya habang nakapikit at nakayakap parin sakin.
Tinitigan ko sya at di ko maiwasang mapangiti. Sana matutunan kitang mahalin Lance. Gagawin ko ang lahat ikaw lang ang mahalin ko. Kasi alam kong hindi mo gagawin yung ginawa sakin ni David noon.
"Salamat" pabulong kong sabi sa kanya.
***
Lance's POVNagising ako bigla at pagdilat ko ang napaka gandang mukha kaagad ni Yuri ang nakita ko. Ang sarap sa pakiramdam na ang lapit namin sa isa't isa.
Dahan-dahan akong tumayo para hindi ko sya magising. Tinignan ko yung orasan ko at maggagabi na. Mahaba-haba rin pala ang tulog namin kaya kumuha ako ng pagkain sa kotse ko para naman may makain si Yuri pagkagising nya.
"Yuri gising dali!"
Bigla namang napabangon si Yuri.
"Asan yung halimaw? papatayin ko!" pasigaw nyang sabi
"Hahahaha walang halimaw. Ginising lang kita kasi magkakaroon ng fireworks maya-maya" natatawa kong sabi sa kanya
"ahhh ganun ba" tapos umupo na ulit sya sa tabi ko.
Ang cute nya pala kapag ginising bigla :)
"tara kain muna tayo habang hinihintay yung fireworks" tapos inabot ko sa kanya yung cup noodles na hinanda ko.
Nung kinuha nya yung cup noodles para syang bata na binigyan ng lollipop sa sobrang saya.
"Salamat ^0^" nakangiti nyang sabi sakin.
"Wag kang ngumiti baka di ko mapigilan sarili ko at mahalikan kita bigla" seryoso kong sabi sa kanya.
Bigla namang sumeryoso mukha nya. Hahaha sabi na ayan magiging reaksyon nya eh. Ang cute talaga :)
"Ayan na!" sigaw ni Yuri habang nakaturo sa fireworks.
Tinignan ko ito at oo ang ganda nga.
"Ang ganda" nakangiti nyang sabi
Tumingin ako sa kanya at napangiti nalang ng di ko namamalayan.
Mas maganda ka sa fireworks para sakin.
***
Vote
BINABASA MO ANG
Shadows of the Past (MyungStal)
Fiksi PenggemarI hate getting flashbacks from things I don't want to remember.