chapter 18

77 6 0
                                    

***
Yuri's POV

Isang linggo na ang nakalipas simula nung magkita kami ni David sa ospital. Wala nakong nabalitaan tungkol sa kanya. Di ko alam kung nakalabas na ba sya ng ospital o hindi pa.

Weekend ngayon at nangako ako kay Lance na babawi ako sa kanya kaya inaya ko sya manood ng sine mamaya. Naligo nako at nagbihis. Isang grey vneck at ripped jeans ang sinuot ko.

Pagkalabas ko ng bahay sumakay ako kaagad ng taxi. Nagtext sakin si Lance na nandoon na daw sya at nakabili na sya ng ticket. Horror daw yung napili nya. Siguro sinadya nya yun kasi alam nyang mabilis akong matakot. Hay naku Lance -.-

Habang nasa byahe biglang may tumawag sakin.

calling David...

Halos mahagis ko yung phone ko nung makita ko kung sino yung tumatawag. Huminga ako ng malalim at mahinahon na sinagot yung tawag.

"hello"

walang sumagot sakin at hininga lang ang naririnig ko.

"David ano ba? Tatawag ka tapos di ka naman pala uusap"

Ibababa ko na sana yung phone ko ng biglang may narinig akong umiiyak. Umiiyak ba sya?!

"D-David.... umiiyak ka ba?" tanong ko sa kanya

"I n-need you.... please" halos pabulong nyang sabi.

***
Lance's POV

Tinignan ko yung sarili ko sa salamin. Kahit balot na balot ako ang gwapo ko parin. Sabi kasi ni Yuri wala daw dapat makakita sakin lalo na at manonood kami ng sine. Malaking issue yun kapag may nakakita samin.

Bumili nako ng ticket at inumin namin para pagdating nya manonood nalang kami. Umupo muna ako at hinintay si Yuri na dumating.

(after 20 minutes)

5 minutes nalang at magsisimula na yung movie. Tinext ko sya pero di sya sumasagot. Siguro natraffic lang sya, weekend kasi eh kaya baka matraffic.

(after 10 minutes)

Dadating pa kaya sya? Tinignan ko yung inumin namin at hindi na ito malamig. Tinawagan ko sya pero cannot be reach.

Maghihintay pa ko baka nalate lang sya. Paunti na ng paunti mga tao sa paligid ko. Maggagabi narin at mukhang hindi na sya dadating.

Tinignan ko yung relo ko at ilang oras na pala akong naghihintay dito.
Tumayo ako at itinapon sa basurahan yung mga pagkain at inumin, pati narin yung ticket tinapon ko na rin.

Tanga mo Lance! Bakit kasi pinagpipilitan ko pa sarili ko sa kanya eh. Kasi kung importante ako sa kanya edi sana nandito sya.

Lumabas ako ng mall at nasalubong ko si Yuri na hingal na hingal.

"s-sorry ah.... m-may emergency lang kasi eh" hinihingal nyang sabi sakin.

"Si David ba?" seryoso kong tanong sa kanya.

Umiwas sya ng tingin sakin at yumuko.

Huminga ako ng malalim at hinawakan ang mukha nya para iharap sakin.

"Makita ko lang mukha mo okay na ko. Kahit na mas inuna mo si David kesa sakin okay lang sakin. Kahit na minsan naiinis nako sa sarili ko kasi bakit ang tanga tanga ko okay lang. Alam mo ba kung bakit?" tapos inilapit ko ang mukha ko sa mukha nya.

"Kasi mahal kita" seryoso kong sabi sa kanya.

***

Shadows of the Past (MyungStal)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon