chapter 4

141 8 0
                                    

***
Yuri's POV

"anak diba pangarap namin ng papa mo sayo yung maging sikat kang ice skater" nakangiting sabi sakin ni mama

"opo, bakit po?" tanong ko

"may audition ngayon dun sa mall, sali ka anak" masiglang sabi sakin ni mama

Sa totoo lang ayoko talagang maging ice skater. Tinry ko yun dati pero di ko talaga kaya. Sina mama at papa lang talaga ang may gusto na maging ganun ako.

"sige na anak! please" tapos hinawakan ni mama yung kamay ko

"s-sige na nga" tapos nginitian ko sya

"salamat anak! ihahanda ko na yung mga gamit mo" tapos tumayo na sya para ihanda yung mga gamit na gagamitin ko

Hay naku Yuri! bakit di mo matiis ang mama mo. Bakit kasi di ko masabi na ayoko talagang maging ice skater eh.

Siguro takot akong madisappoint ko sila.

Day off ko pala ngayon kaya pagkahanda ng gamit umalis nako at pumunta dun sa mall kung saan may audition. Di daw makakasama si mama kasi may bisita daw sya sa bahay mamaya, kaya ibalita ko nalang daw sa kanya mga nangyare pagkauwi ko.

Ang tagal ko na palang di nagpapractice. Bahala na kung makakapasa ako o hindi.

pagkapunta ko nagregister nako agad at hinintay yung turn ko. Kinakabahan ako, sana lang maging okay at di ako pumalpak sa mga exhibition na gagawin ko.

"Yuri Vergara" sigaw nung babae sakin

"yes po"

"ikaw na next" sabi sakin nung babae

Huminga ako ng malalim at pumunta na. Pagka-apak ko palang sa yelo kinabahan nako. Go Yuri kaya mo yan! Fighting!

Nung una okay yung mga exhibition ko, pero nung pangalawa na out of balance ako kaya natumba ako.

"aray" sabi ko habang hinihimas yung binti ko.

"ano ba yan bawal mag audition dito yung mga lalampa lampa" sigaw sakin nung isang judge

Itinayo ako nung isang lalake at dinala sa labas papuntang dressing room. Ang sakit ng mga paa ko, pano ako makakauwi neto ngayon. Pakiramdam ko mapuputol na yung paa ko sa sobrang sakit. Wala pang katao katao dito para mahingan ko ng tulong.

Maya-maya narinig kong bumukas yung pinto. Hihingi na sana ako ng tulong kaya lang walang lumabas sa bibig ko. Halos maubusan ako ng hininga sa nakita ko.

Si David.... bakit sya nandito. Umupo sya sa harap ko at kinuha yung paa ko.

"hanggang ngayon ba pinipilit mo paring maging ice skater para sa mama at papa mo" sabi nya sakin habang nilalagyan ng bandage yung paa ko

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"hanggang ngayon ba pinipilit mo paring maging ice skater para sa mama at papa mo" sabi nya sakin habang nilalagyan ng bandage yung paa ko.

Di ko napigilang maiyak sa nakikita ko. Bakit ginagawa to ni David? Pagkatapos ng lahat ng mga nangyare babalik nalang sya bigla?

Di nako nagsalita at hinayaan nalang sya. After nyang lagyan ng bandage ang mga paa ko inalalayan nya ko papunta sa kotse nya at hinatid pauwi. Ang haba ng oras nagkasama kami pero ni isang salita wala syang narinig sakin. Kinakamusta nya ko pero di ko sya pinapansin.

"alalayan na kita" sabi nya sakin. Pero tumayo nako magisa at lumabas ng kotse.

Habang naglalakad ako papunta sa pintuan ng bahay namin hinawakan nya yung kamay ko para alalayan ako pero inalis ko ito agad.

Pagkabukas ko ng pinto pumasok nako agad sa bahay at isinara yung pinto

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Pagkabukas ko ng pinto pumasok nako agad sa bahay at isinara yung pinto. Hindi nako nagthank you sa kanya.

Kung di lang ako nasugatan sa paa di sana ako sasama sa kanya at di ko hahayaang ihatid nya ko pauwi. Sa tuwing nakikita ko sya naaalala ko yung mga ginawa nya sakin. Yung panloloko nya at yung pagiging tanga ko, hinding hindi ko makakalimutan yun.

Bakit pa kasi sya nagpakita eh, masaya nako ngayon. Bakit kailangan pa nyang bumalik sa buhay ko.

"anak anong nangyare sa paa mo? bakit ka umiiyak" nagaalalang tanong sakin ni mama

"Ma!!!" tapos niyakap ko si mama ng mahigpit at ibinuhos lahat ng iyak ko.

Sana di ko na sya makita ulit. Ayoko ng balikan yung mga sakit na naramdaman ko noon.

***

Vote

Shadows of the Past (MyungStal)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon