***
Yuri's POVTumalikod ako at maglalakad na sana ng bigla nya kong yakapin. Isang napaka higpit na yakap.
"Please give me a chance.... di ko kayang wala ka sa tabi ko" seryosong nyang sabi sakin
Di na kinaya ng puso ko kaya tuluyan nakong naiyak. Pilitin ko mang hindi maiyak pero hindi ko talaga kaya.
Si David na mahal na mahal ko noon, bakit hanggang ngayon mahal ko parin sya. Bakit di ko sya magawang makalimutan.Lalong humigpit yung pagkakayakap nya sakin.
Unti-unti kong tinanggal ang pagkakayakap nya sakin. Nang matanggal ko ito hindi nako lumingon pa sa kanya at tuluyan ng umalis. Habang naglalakad ako palayo lalong bumigat ang pakiramdam ko. Parang walang katapusan ang pagtulo ng mga luha ko.
Sumakay ako kaagad sa taxi at doon ibinuhos lahat ng luha ko
***
Lance's POVMag gagabi na pero wala parin si Yuri. Oo nagpaalam sya sa manager ko pero di ko alam na gagabihin pala sya. Tinignan ko yung mga gamit nya na naiwan nya sa lamesa. Pano na tong mga gamit nya?
"Sir magsasara na po tong Company" mahinahong sabi sakin nung guard
"ah ganun ba"
Kinuha ko nalang yung mga gamit ni Yuri at lumabas na. Tinignan ko yung orasan ko at 11:00 pm na. Nagantay ako sa labas ng Company habang hawak ang mga gamit ni Yuri.
Maya-maya may taxi na huminto sa tapat ko. Napahinga ako ng malalim dahil nakita ko si Yuri.
"San ka b-" napahinto ako sa pagsasalita dahil napansin kong umiiyak si Yuri.
Tinignan ko sya ng maigi, iyak lang sya ng iyak. Di nako nakatiis kaya binitawan ko kaagad yung mga gamit na hawak ko at niyakap sya ng mahigpit. Di ko man maalis ang sakit na nararamdaman nya pero sana makatulong ang yakap ko. Di ko kayang nakikita syang nasasaktan.
"You can tell me anything. Di man ako marunong mag advice pero makikinig ako" mahinahon kong sabi sa kanya
Umalis ako sa pagkakayakap at tinitigan sya. Pinunasan ko ang mga luha sa mukha nya gamit ang kamay ko. Yung mga mata nya, halata na nasasaktan talaga sya. Nararamdaman kong si David nanaman ang dahilan kung bakit sya nagkakaganyan.
Huminga ako ng malalim at tinitigan ulit sya sa mata. Simula ngayon kahit alam kong masasaktan lang ako poprotektahan parin kita Yuri. Lagi lang akong nasa tabi mo para may masasandalan ka kapag may problema ka.
Pero sana lang dumating yung araw na sakin ka naman nakatingin. Yung nasa akin lang yung atensyon mo.
***
Vote
BINABASA MO ANG
Shadows of the Past (MyungStal)
FanfictionI hate getting flashbacks from things I don't want to remember.