***
Yuri's POVYesss! Wala akong work ngayon kasi pinagpapahinga muna si Lance ng manager nya kaya pahinga rin ako.
Naligo ako ng maaga at nagayos ng bonggang bongga. Matagal nakong di nakakapagmall kaya eto na ang pagkakataon ko para gawin yun.
Pagkalabas na pagkalabas ko bumungad sakin ang isang lalakeng ubod ng tangkad. Amoy na amoy ko ang pabango nya. Isang pamilyar na amoy na hinding hindi ko makakalimutan.
"What are you doing here?" tanong ko sa kanya
"I wanna eat.... samahan mo ko" tapos nginitian ako
"Pwede ba David iba nalang yayain mo. Wala akong panahon para makisama sayo" masungit kong sabi sa kanya
Nginitian nya lang ako at hinawakan ang kamay ko at hinila papunta sa kotse nya. Wala nakong nagawa kundi sumama sa bwiset na to.
Bakit nya ba ginagawa to?
Nakalimutan nya na ba na sinaktan nya ko dati.Pagkahinto ng kotse lumabas nako agad. At nagulat ako sa nakita ko. This restaurant, dito ko naging boyfriend si David dati. Naalala ko nung tinanong nya ko kung pwede ko ba syang maging boyfriend, at um-oo ako.
Nananadya ba sya? bakit dito pa nya naisipan kumain?
"remember?" sabi sakin ni David habang nakatingin sa restaurant
Di ko sya pinansin at pumasok nalang sa loob. Humanap ako ng table at umupo. Paupo na sana sya sa tabi ko kaya lang pinigilan ko sya.
"Sinong nagsabi sayong tabi tayo kakain?" tanong ko sa kanya
Bumuntong hininga sya at umupo sa tapat ko. Dati kasi sa tuwing kakain kami lagi kaming magkatabi. Pero this time hindi na pwede, ayoko na syang katabi kumain.
Walang umoorder saming dalawa. Nakatingin lang sya sakin habang ako naman pinapatay ko na sya sa isip ko.
"I miss you" seryoso nyang sabi sakin
"Di kaba natatawa sa sinabi mo?" tanong ko sa kanya
"hindi dahil totoo yun"
"please david stop it! Bakit mo ba ginagawa to? bakit ka pa bumalik sa buhay ko!" pasigaw kong sabi sa kanya
"Yuri Im sorry. Pinagsisisihan ko na yun. At ngayon narealize kong mahalaga ka sa buhay ko" tapos hinawakan nya ang kamay ko
"Sa tingin mo ba maniniwala pako sayo? pagkatapos mo kong gawing tanga babalik ka nalang at sasabihin mong sorry? ..... David minahal kita ng sobra dati alam mo yan, pero ano? niloko mo lang ako" pagkasabi ko nun bigla nalang may tumulong luha sa mukha ko.
Bakit ako umiiyak? Di na dapat ako umiiyak dahil naka move on nako.
"Y-Yuri give another chance" tapos hinigpitan nya yung pagkakahawak nya sa kamay ko
"Hindi.... one mistake is enough" tapos tinanggal ko yung pagkakahawak nya sa kamay ko at umalis na.
Nakakainis ka Yuri! Pinapakita mong mahina ka! Tumakbo ako palayo ng restaurant at pumunta sa isang mini bar. Isang tahimik na bar kung saan makakainom ako hanggat gusto ko
Umorder ako ng maraming beer at sinimulan ng tunggain isa-isa.
***
Lance's POVcalling Yuri...
"Hello?"
"L-Lance...... puntahan mo naman ako, kailangan ko ng k-kausap"
"nasaan kaba?" natataranta kong tanong sa kanya
Pagkasabi nya sakin kung nasaan sya pinuntahan ko na sya agad. Sana okay lang si Yuri. Pagkapasok ko sa bar hinanap ko sya agad.
Pagkakita ko sa kanya tinabihan ko sya agad. Ilang beer na ang nuubos nya, ano bang problema nya?
"L-Lance..... bakit sya bumalik sa buhay ko" mahinahon nyang tanong sakin
"sino?" tanong ko
"Si........ si...... si David"
Bigla namang sumakit yung dibdib ko sa sinabi nya. Si David nanaman, akala ko okay na sya kay David pero bakit sya nagkakaganyan. Naiinis ako kasi bakit sinasayang nya lang ang mga luha nya sa isang walang kwentang lalake.
Tinignan ko sya, at nakatulog na sya sa sobrang lasing.
"Andito ako Yuri.... hindi lang si David ang pwede mong mahalin" tapos tumayo nako at umalis.
***
Vote
BINABASA MO ANG
Shadows of the Past (MyungStal)
FanfictionI hate getting flashbacks from things I don't want to remember.