***
Lance's POV"Why do you keep making my heartbeat fast?" seryosong tanong ko sa kanya
Di nya ko sinagot at nanatiling nakatingin lang sakin. This girl really is something. Sa tuwing magkasama kami di ko maiwasang mapangiti.
"s-sabi pala ni manager m-may photoshoot ka daw mamayang 8pm"
pagkasabi nya nun umalis na sya agadNanatili akong nakaupo sa sahig habang nakayuko. Tama si Yuri, hindi ko dapat pinapagod ang sarili ko. Siguro dapat ipahinga ko muna yung isip ko. Hindi ko makakamit yung gusto ko kung patuloy akong magiging ganito.
Sumandal ako sa pader at pumikit.
"Thanks Yuri" mahinahon kong sabi
***
David's POV(flashback)
Nagulat ako ng makita ko si Yuri sa bar. Nakita nya kong may kahalikang ibang babae.
Di sya nagsasalita. Nakatingin lang sya samin.
"y-yuri bat ka nandito?" tanong ko sa kanya. Pero di parin sya umimik at nakita ko nalang ang mga luha sa mukha nya.
"Yuri I'll explain" tumayo ako at hinawakan ko ang kamay nya.
Tinaggal nya ang kamay ko sa kamay nya at umiling. Tumakbo sya palayo sakin habang umiiyak. Wala nakong nagawa kundi isigaw ang pangalan nya. Gusto ko syang habulin pero di ko magawa.
Mahal na mahal ko si Yuri. Oo nagkamali ako, nasaktan ko sya pero totoo mahal ko si Yuri. Kung pwede lang ulitin ang mga nangyare gagawin ko.
Tumayo ako at tumakbo para habulin si Yuri. Pero di ko na sya makita, takbo ako ng takbo pero di ko talaga sya mahanap.
habang tumatakbo ako may nabangga ako, sa sobrang lakas natumba sa sahig yung nabangga ko.
"sorry" sabi ko sa nabangga ko. Aalis na sana ako ng biglang hablutin nya ko at suntukin sa mukha. Sa sobrang lakas ng pagkakasuntok sakin dumugo yung labi ko.
(end of flashback)
Sa tuwing naaalala ko yung mga nangyare nagagalit ako sa sarili ko. Bakit ko nagawang lokohin si Yuri noon. Bakit kung kelan nawala na sya sakin tsaka ko lang narealize na mahalaga pala sya sa buhay ko.
***
Vote
BINABASA MO ANG
Shadows of the Past (MyungStal)
FanfictionI hate getting flashbacks from things I don't want to remember.