Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Hindi ko alam kung bakit pero pakiramdam ko naguiguilty ako. Walang lumalabas na salita sa bibig ko. Si Lance naman nakatingin parin sa mga mata ko. May halong lungkot, galit at pagmamakaawa ang mga tingin nya.
"H-Hindi ko alam" pabulong kong sabi.
Bakit hindi ko alam? Dahil ba natatakot ako?
"Hindi ka natatakot magmahal Yuri. Hindi mo lang ako magawang mahalin kasi ayaw mong aminin sa sarili mo na mahal mo parin si David" seryoso nyang sabi.
Tumingin sya ulit sa mga mata ko at hinawakan ng mahigpit ang mga kamay ko.
"Suko na ko" tapos ngumiti sya. Yung ngiting hindi masaya.
Huminga nalang ako ng malalim. Hindi ko alam ang irereact ko. Kung magiging masaya ba ko kasi hindi na masasaktan pa si Lance dahil sakin o magiging malungkot kasi wala na yung taong laging nasa tabi ko.
Halo halong emosyon ang nararamdaman ko ngayon.
"Aalis na ko bukas papuntang America. Dun na muna ako habang nagpapagaling. Hindi ko alam kung kelan ako babalik"
"P-Pano career mo dito?" tanong ko.
"Magpapahinga muna ako. Atsaka para di muna kita makita, baka mamaya di ko mapigilan sarili ko" tapos tumawa sya ng mahina.
Napabuntong hininga nalang ako.
Maya-maya biglang dumating yung doctor kaya lumabas muna ako ng kwarto. Umupo ako sa upuan at napayuko. Hindi ko na maintindihan sarili ko. Bakit parang nasasaktan ako kasi aalis na si Lance. Bakit nung sinabi nyang suko na sya parang nadurog yung puso ko.
Diba mahal ko si David? Pero bakit ganito ako ngayon? Bakit ayokong mawala si Lance sa tabi ko?
Jusko naman Yuri! Ano bang nangyayari sakin.
*calling David*
"H-Hello"
"Yuri asan ka? Tara nood tayong sine" masiglang sabi ni David.
"Hindi a-ako pwede eh" tapos binaba ko na agad yung phone ko.
*call ended*
Hala bakit ganito ako! Bakit tinanggihan ko si David >.< Huminga muna ako ng malalim at nagisip.
(...)
Waaaaaa!!!! Ginulo gulo ko yung buhok ko sa sobrang inis. Tumayo ako at dali daling umuwi.
Pagkahiga ko sa kama ko napatitig nalang ako sa kisame. Yuri ano ba! May mali ba sa puso ko? o baka may sira ako sa ulo?
Wala na pala akong trabaho -_- Ngayon ko lang narealized. Taghanap nanaman ako ng trabaho. Bakit naman kasi kailangan pa ni Lance na pumuntang America eh.