chapter 19

84 6 0
                                    

a/n: play the music above before reading (kung ayaw nyo ok lang)

***
Yuri's POV

"Kasi mahal kita" seryosong sabi sakin ni Lance.

Naguiguilty ako ng sobra. Hindi ko sinipot si Lance sa lakad namin kanina kasi pinuntahan ko si David. Kahit na hindi ko sya sinipot sinasabi nya parin sakin na mahal nya ko. Pakiramdam ko ang sama sama kong tao. Inaabuso ko na ata yung pagmamahal ni Lance sakin.

*flashback*

Agad-agad akong pumunta sa bahay ni David. Humihingi sya ng tulong sakin. Baka kung ano ng nangyare sa kanya. Nanginginig ang buong katawan ko kakaisip.

Pagkababa ko ng taxi kinatok ko kaagad yung pintuan ng bahay nya.

"David! Si Yuri to!" sigaw ko.

Nagulat ako ng bigla nalang bumukas yung pinto kaya napapikit ako. Napadilat nalang ako ng maramdaman kong may nakayakap sakin.

"Dumating ka" mahinahong sabi sakin ni David.

Magsasalita na sana ako ng maramdaman kong parang umiiyak si David.

"U-Umiiyak kaba?! M-May problema ba?!" tapos umalis ako sa pagkakayakap at tinitigan sya. Kitang kita ko sa mga mata nya yung sakit na nararamdaman nya.

Pero ang mga sumunod na nangyare ay hindi ko inaasahan. Hinalikan ako bigla ni David. Hindi ko napigilan ang sarili ko at humalik ako pabalik. Ang sarap sa pakiramdam, para akong lumulutang.

Sa kabila ng saya na nararamdaman ko isang pangyayare ang lumabas sa isip ko. Yung gabing nakita kong niloloko ako ni David. Yung gabing may kahalikan syang ibang babae. Yung gabing nalaman ko yung katotohanan.

Nagulat si David ng bigla ko syang itulak. Miski ako ay nagulat sa ginawa ko. Halos maiyak nako sa harapan nya. Mali to, maling mali na paaasahin ko nanaman ang sarili ko. Hindi nako nakapag salita pa at tumakbo na palayo.

*end of flashback*

"L-Lance sorry.... itigil mo na tong mga ginagawa mo para sakin" naiiyak kong sabi sa kanya.

"Hindi na tama kung mamahalin mo pa ko. Gustuhin ko man na mahalin ka p-pero hindi ko magawa. Napaka bait mo, kaya ayokong sayangin mo ang pagmamahal mo sakin. May iba pang mas deserve ng pagmamahal mo. Hindi tulad ko..... w-wala akong kwentang babae. Kaya p-please...... itigil mo na to" pagkasabi ko nun bumuhos na lahat ng luha ko.

Napayuko nalang ako habang umiiyak sa harap ni Lance. Akala ko hindi na sya magsasalita pero bigla nya nalang akong niyakap ng mahigpit.

"Tandaan mo.... hindi nasayang ang pagmamahal ko. Huwag mong tawagin ang sarili mong walang kwenta dahil hindi totoo yun. Napapasaya mo ko, sa mga ngiti mo napapagaan ang pakiramdam ko." tapos umalis sya sa pagkakayakap at tinitigan ako sa mata.

"Wag ka ng umiyak..... sige titigil nako kung ayan ang gusto mo. Pero kung kailangan mo ko, nandito lang ako" seryoso nyang sabi sakin.

Unti-unting nilalapit ni Lance ang mukha nya sakin. Napapikit nalang ako at naramdaman ko ang mga labi ni Lance sa noo ko.

***

Vote

a/n: Sorry late update ^0^ medyo natatamad eh.

Shadows of the Past (MyungStal)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon