Park Jimin
Isang linggo na kaming hindi nagpapansinan. Ede wag! Pakealam ko?! Ikaw kaya ang makakita na nag-kiss yung bf mo saka girl. Masakit yon! Tagos eh! Pero yung huli niyang msg sa akin. Yun ang mas tagos. Naging selfish naba ako? Naging seloso ba talaga ako masyado? Masyado nabang below yung nagawa ko?
Nasabunutan ko na lang yung orange kong buhok dahil sa asar. Ansaket ng ganon eh.
"LQ na naman"
Pagtingin ko sa tumabi sa akin...si Jungkook.
"Problema ng ilong mo?
"Eh problema nyo ng boyfriend mo?"
Napaiwas ako ng tingin. Andito kami sa may upuan sa basketball court. Pupuntahan ko sana si Hyung...eh wala.
"Nag-away kami eh"
"Baket? Kwento ka naman oh"
Dahil sa ang chismoso ng ilong niya. Kinuwentuhan ko na lang siya. Wala rin naman akong magawa at gusto ko na may paglabasan netong sakit na nararamdaman ko.
Ikinuwento ko sa kanya lahat. Pati nung sa pagkita ko na kiss nila. Lahat lahat. Hindi ko naman to masabi kela Hyung dahil nahihiya ako. Baka sabihin buhay pag-ibig namin sinasabi ko pa. Eh may mga problema din yung mga yon at dahil buntis si Jin Hyung. Dejk lang~! Para namang mangyayari yon. Tss.
"Eh?! Hiningi mo ba paliwanag niya?"
Gulat niyang tanong sa akin. Ako naman tong nag-shook lang ng ulo habang naka-yuko. Alam ko na mangyayari.
"Ang pabo mo talaga! Tsk! Baket di mo man lang tinanong?! Aish! Kawawa naman yung tao. Baka hindi yon sadya. Ikaw talaga!"
Habang ginugulo niya buhok ko. Oo na. ang pabo ko. Napayuko na lang ako lalo at ramdam ko na yung nang-gigilid kong mga luha. Masakit lang kasi yon para sa akin. Hindi ko alam kung ano eh! Nasasaktan ako sa nakita ko. Nasasaktan ako sa ginawa ko sa kanya. At mas nasasaktan ako pag naiisip ko na nasaktan ko na naman si Hyung.
"A-anong gagawin ko?"
Niyakap niya ako. Kaya niyakap ko rin siya pabalik. Ang bango niya~"Mag-sorry ka. Gawin mo lahat para maging ayos kayo"
Tumango-tango ako habang umiiyak pa rin. Hindi ko na kasi alam yung gagawin ko. Sobra.
"Oh? Sayang pa naman tong bulaklak ko. Pati yung effort ko na mag-sorry. Hindi na pala kelangan eh. Salamat Jungkook....sa pag-comfort sa KAIBIGAN ko. At sa dati mong MANLILIGAW."
Napa-ayos kami ng upo. At humiwalay agad kami sa isat-isa ng marinig namin si Hyung. Naka-attire sya at may dalang bulaklak. Nakatingin siya sa akin ng blangko.
Salamat Jungkook...sa pag-comfort sa KAIBIGAN ko. At sa dati mong MANLILIGAW.
Parang nabasag yung puso ko dahil sa word na KAIBIGAN. Hindi ba dapat BOYFRIEND?
"H-hyung..."
Magsasalita pa sana ako ng bigla niyang itaas yung kanang kamay niya para sabihin na 'Tama na. Wag ka ng magpaliwanag.' Tumulo na ng tumulo ang luha ko at lumapit sa kanya. Pero sya lumayo lang
"Kayo naba? Hindi ba wala na kayo Jungkook ni Chanyeol? So, pede na maging kayo ngayon?"
Tinignan ko si Jungkook sa likod ko na nakatingin lang kay Hyung ng blangko rin
"Pero sorry kana lang at nyang ilong mo. Akin si Jimin! Akin lang siya!"
"Ah talaga lang a? Sana kung gusto mo siyang maging sayo lang...alagaan mo. Hindi yang nasasaktan, nahihirapan at umiiyak siya sa harapan nating dalawa. Pasensyahan na lang. Walang hyung hyung ngayon. Kaya wala akong pake kung maging bastos ako! Alagaan mo naman sana siya. Deserve nya yung perfect relationship. Ah oo nga pala! Perfect kayo! PERFECT RELATIONSHIT!"
Sasapakin na sana niya si Jungkook pero humarang na ako
"Oh ano ha? Hindi ba totoo?! Puro na lang kayo away eh! Hindi ba kayo nagsasawang dalawa?! Kasi ako sawa na sa kakaiyak niyang si Jimin Hyung!"
"Tumahimik ka! Wala kang alam! Fuck off! Baket kaba nagagalit ha?! Dahil gusto mo tong SYOTA ko?! Ganon ba?! Pwes hindi mo sya makukuha! Sorry kana lang Jungkook, hindi mo sya pinahalagahan noon. Kaya naging akin siya ngayon!"
021216
Tatlong UD! ^0^ happy or sad ending?
BINABASA MO ANG
Jiminie's Diary [BTS' YoonMin FF]
Fiksi Penggemar"Aba! Kaninong notebook to? Ayos! Walang sulat. Akin na lang to at gagawin kong Diary ;)" -Jimin Start: 12/13/15 -nicolehunhan101 Thank you sa book cover, pards! :D