CHAPTER 11

175 5 0
                                    

TAEHYUNG'S POV

Ring lang ng ring ang phone ni Eomma Baek. Kanina ko pa siya tinatawagan pero hindi niya sinasagot. Halos naka fifty times na akong nagdadial.

"Eomma!!" Sigaw ko. Nasa office ako ni Eomma Baek, ako kasi ang bantay dito eh, dahil nasa bakasyon sila ni Appa Chanyeol. Medyo nakakainis nga eh, kasi sila nasa bakasyon at walang pinoproblema kundi ang mga sarili nila, samantalang ako eto, problemado sa shop. Pati sa lablyf. Hanggang ngayon, bokya pa rin!!!

Pano ako magkakaroon ng katuwang sa buhay kung nakakulong ako rito sa shop!!! Miss ko na rin sila pandak, si Eomma Jin, yung landian nila ni Namjoon hyung, at yung shop. Nakakainis naman!!!

"Taehyung, kailangan ng i-finalize yung menu." Bigla na lang pumasok ng office ang head chef ni Eomma na si Yeorom. Bigla tuloy akong napaayos ng sa gulat. Ibinaba ko ang mga paa kong nakapatong sa desk.

"Ahh, ano kasi. Hindi ko pa rin nakakausap si Eomma eh. Pwede ikaw na lang magdecide tutal ikaw naman ang chef sating dalawa." Sagot ko. Nung isang araw pa kasi niya ako kinukulit kung idadagdag ba sa menu ng shop ang mga bagong dish na nagawa niya. Eh malay ko ba dun.

"Pero, kailangan makausap muna natin si Baek." Naiiritang sagot niya. Kung hindi lang talaga siya gwapo at mabango nako nako nako!!!!

"Eh sa hindi ko nga matawagan eh, anong magagawa ko!!! Magreport sa pulis? Tumalon sa building? Lumaklak ng asido? Kumain ng bubog? O gusto mong sunugin ko na tong restaurant niyo!!! Nasstress na nga ako rito dahil malapit ng valentines' , wala pa akong kadate. Teka, ikaw na lang kaya kadate ko."

"Wala akong panahon sa mga kalokohan mo, Taehyung. Kapag nakausap mo si Baek, sabihin mo agad sakin." Sagot niyaat saka umalis na.

"Chossy pa siya, ang ganda ko kaya!!! Wala daw panahon!!!?? Marami akong stock nun, gusto mo hati tayo!!!" Sigaw ko para marinig niya.

Sinubukan kong tawagan ulit si Eomma Baek pero wala parin. Ganon ba nila kamiss ang isat-isa at halos di na sila tumigil????

Tumunog ang phone ko, pagtingin ko si Eomma Jin nagtext.

Alien, nagpunta dito ang ilong ng buhay mo!! Hinahanap ka niya, pumasyal ka naman dito oh!!! Miss ka na namin!!! :-))((

Napangiti ako, so namimiss na pala nila ang alien nila ahhh. At mas lalo akong napangiti kasi hinahanap ako ni Jungkook mylabss!!! Napatili ako!!!

"Wahhhhhhhh!" Di ko talaga napigilan ang sarili ko kasi naman ehhh!!! Oh my gosh Jungkook, nahuhulog na ang TBack este puso ko sayo!!!

"May problema ba Taehyung??!" Nasira ang mood ko sa biglag pagpasok ni Yeorom. Ehhh??

"Yeoro I think Im gonna die??? Im gonna die!!! May kadate na ko sa valentines!!" Sabi ko kaya naman napakamot siya sa ulo niya saka lumabas na siya ng kwarto. Di nako nagdalawang isip, lumabas agad ako bg shop at nagpunta agad kila Eomma Jin. Halos isang linggo din akong hindi nakapunta sa shop ni Eomma Jin kasi lakas makapagbigay ng problema ang mga staff ni Eomma Baek.

"Eomma Jin!!!" Sigaw ko pagpasok sa shop ni Eomma Jin. Napatingin ang mga taong nandun pero wala akong pake. Yayayain ko ng magpakasal ni Jungkook!!!

"Ang bilis ahh!!!" Nakangiting sabi ni Eomma Jin.

"Asan na ang puso ko?" Kinikilig na tanong ko. Bigla siyang napakakunot noo.

"Puso mo??? Nasa dibdib mo malamang!!"

"Hindi yun. Ang tinutukoy ko ay ang mnagmamay-ari ng puso ko!! Si Jungkook mylabs!!"

"Ahhh, siya ba? Umalis kasama si Jimin. Di pa nga bumabalik eh." Sagot niya. Napaupo ako sa counter at nag-isip sandali. Magkasama sila??? Pero bakit kaya??

Meron ba akong dapat malaman?? Baka kapag nalaman ko, maghingalo ako kasi mawawalan ako nv oxygen kasi di ako makakahinga dahil sa gulat!!! Eh ang drama ko!! Baka naman nagfriendly date lang. Actually, di naman ako selosa eh, medyo lang.

Di bale na nga, intayin ko na lang si pandak na bumalik rito. Pero ilang oras na ang nakalipas , at hindi pa rin bumabalik si pandak. Ano kayang nangyari dun??? Nagpaalam na lang ako at dumeretcho na ng uwi. Pagkapasok ko sa bahay, naalala ko bigla si Jimin. Nakakamiss talaga yung bonding namin. Yung mga panahon na lagi kaming magkasama at lagi kaming sabay kumakain, naglalaro, at kung san san kami nagpupunta.

Napabuntong hininga ako, sana bumalik na yung dating pagkakaibigan namin. Di ko alam pero bakit kaya lumalayo si Jimin sakin? Nakakapagtaka naman.

Nasira ang moment ko sa pagtunog ng phone ko. May nagtext, unknown number?

Hey, Taehyung. Its me Jungkook.

Pagkabasa sa pangalan niya ay napatili agad ako! Si Jungkook, nagtext??? Ahhhhh, Im gonna die, seriously, Im gonna die!!!

Nagtype nako ng Hi. How are you?? Grabe , useful din pala ang templates sa phone. Hihihihi. Ang lakas makasosyal eh.

Sending....
.....
.....
.....

Message sending failed!

Huh??!! Chineck ko agad ang balance ko, ehhh wala na pala!!! Kainis naman tong network na to, di man lang nagtext na wala na akong load. Di ko tuloy mareplayan si mylabs ilongkook.

Tumunog ulit phone ko. Si Jungkook tumatawag!!!

"Hello?" Pigil ko ang kilig ng sagutin ko yung phone.

"San ka?" Tanong niya. Tumalon talong ako, ang boses niya grabe para akong hinuhubaran nito!!!! Nakakaprev talaga!!!

"Sa... sa bahay lang. Bakit?" Hindi ko na napigilan ang pagngiti ko. Nagtago ako sa ilalim ng kama kasi mas nakokontrol ko ang sarili ko kapag nasa masikip at mainit akong place.

"Ahh, pwede ba akong pumunta jan??"

"Oo naman!! Este oo pwede." Bawi ko napasigaw kasi ako eh. Tinanong niya ang address at maya maya lang andito na siya. So fast.

"Wala ka pala sa shop ni Jin hyung." Napatingin ako sa kanya sa sinabi niya. Nasa kusina kami at inaayos ko ang mga pinamili niyang pagkain.

"Ah, oo. Si Eomma Baek kasi nasa bakasyon sila ni Appa Chan, kaya ako muna tumatao sa shop nila." Sagot ko. Inihain ko na ang pagkain at kumain na. Medyo gutom na talaga ako kasi kanina pang tanghali mula ng huli akong kumain eh. Kain lang ako ng kain ng mapansin kong hindi kumakain si Jungkook. Dahan dahan akong tumingin sa kanya, nakatingin siya sakin at nakangiti.

"May problema ba?" Tanong ko. Medyo nakakaconscious ang paraan ng pagtingin niya.

"Hello, Jungkook. Anong nangyari?" Tanong ko ulit at pinaypay ang kamay ko sa muka niya. He grabbed my hand ang held it. Nakaayos ako ng upo at nagtatakang tumingin sa kanya. He leaned closer and closer, at halos hindi nako makagalaw sa kinauupuan ko. Our faces only inces away from each other. Teka, anong binabalak niya. Wait, pamilyar to eh, parang sa mga movies.

DANGER (NamJin FanFic)Where stories live. Discover now