CHAPTER 16

118 3 0
                                    

"It this for real?" Di makapaniwalang tanong ni Kyungsoo. I nodded. Kinuha niya ang kamay ko at masusing tiningnan ang palasingsingan ko. Kababalik lang namin ni Namjoon mula sa bakasyon namin sa Isla Namana. Tinitigan ni Kyungsoo ng maigi ang engagement ring ko. He smiled afterwards.

"Congratulations. Buti naman at malalagay ka na rin sa tahimik. Alam na ba nila alien at pandak to?"

"Alam ang alin, Kyungsoo hyung?" Biglang bungad ni Taehyung pagkabukas niya ng pinto ng office. Napailing ako, lakas din ng radar nito eh.

"Wala." Sagot ni Kyungsoo saka lumabas ng office. Nagtataka lang na sinundan siya ng tingin ni alien.

"Eomma Jin, kamusta ang bakasyon?" Tanong ni alien sakin. Ipinakita ko sa kanya ang engagement ring ko. Hehehe ang yabang ko ngayon, pake ko ba, eh masaya ako eh.

"Hala!! Eomma Jin, dont tell me..." Di makapaniwalang tanong ni Taehyung, nanlalaki pa ang mga mata niya at butas ng ilong. Tumango ako bilang sagot. Bigla siyang ngumawa. "Eomma Jin, di ko akalaing magagawa mo yun? Naghihirap ka na ba? Wala ka na bang makain? Bakit Eomma? Sabihin mo bakit??!!" Pagdadrama niya na ipinagtaka ko. Bigla ko siyang binatukan.

"Ano bang kalokohan ang pinagsasabi mo?" Nakasinghot na naman to ng amoy ng counter. Saang sulok na naman kaya ng restaurant niya naiwan ang utak niya???

"Eomma, ninakaw mo ito? Sabihin mong hindi!!!" Sigaw niya habang tinuturo ang singsing. Napailing ako, kelan ka ba titino?

"Hindi!!! Hindi ko ninakaw to. Binigay ni Namjoon to. Ikakasal na kami." Sagot ko. Napatulala siya at bigla na lang akong niyakap.

"Eomma, masaya ako para sa inyo ni hyung. Sana maghiwalay agad kayo kasi walang forever eh." Bigla ko siyang tinulak at binatukan. Hiwalay agad??? Wala pa ngang kasal eh. Pisting alien to, idamay ba daw kami sa pagiging single niya. Tumakbo lang siya paalis ng office.

Bigla namang pumasok si Jimin. Nakangiti siya pero malungkot ang mga mata niya.

"Anong problema Jimin?" Tanong ko agad, umupo lang siya sa swivel chair na nasa harap ng lamesa.

"Jin, kailangan ko atang magfile ng leave kahit one month lang." Mahinang sagot niya. Nilapitan ko siya, para siyang maiiyak pero halatang nagpipigil siya.

"Jimin, bakit hindi ka magkwento? Baka makatulong ako?"

Umiling siya. "Hindi pa ako handa, Jin. Kailangan ko muna ng panahon. Kung okey lang sa iyo?" Tumango ako at tumayo na siya. Nasa may pinto na siya ng lumingon siya at magsalita. "Nga pala, congrats. Invited ako sa kasal ah."

"Oo naman." Nakangiting sagot ko, bago siya lumabas ng office.

Ano man ang problema niya, siguradong damay dun si Taehyung. Matagal ko nang napapansin na hindi nag-iimikan yung dalawa. Kahit sila Kyungsoo napapansin na rin. Kapag tahimik ang restaurant mas nakakakaba kesa kapag maingay ito. Madalas kasing dahilan ng kaguluhan ng restaurant ang dalawang magkaibigan na iyon. Pero these past few weeks, wala na yung dating ingay. Nakakapanibago. Sana magkaayos na sila.

----
JIMIN'S POV

Nagfile na ako ng leave kay Jin. Noon ko pa ito plano kaya lang bigla silang nagbakasyon ni Namjoon, kaya naudlot. Di ko na kasi kaya ang mga nakikita ko.

Nitong mga nakaraang araw, madalas si Jungkook sa shop at lagi silang magkausap ni Taehyung. Di ko na kaya ang nakikita ko. Masyado na akong nasasaktan. Kaya aalis muna ako.

Maaga akong umalis ng shop, kay Kyungsoo na lang ako nagpaalam kasi busy si Jin sa pagchecheck ng audit.

Ayokong magalit kay Taehyung , pero kapag nakikita ko silang magkasama ni Jungkook, di ko maiwasan. Para kasi akong pinipiga eh. Dapat talaga di na ako lumapit pa sa kanya. Close na sila kaya siguradong nagkakamabutihan na sila. Napabuntong hininga ako, nararamdaman kong nagtutubig ang mga mata ko.

"Wag mong pigilan. Masakit sa puso yan." Napaangat ako ng tingin dahil sa narinig kong boses. Bakit siya pa. Bakit yung taong ayaw ko pang makita.

"Ahh, ano bang sinasabi mo. Si Taehyung nasa loob." Sagot ko kay Jungkook, tumayo na ako sa bench na kinauupuan ko ng magsalita ulit siya.

"Kung nahihirapan ka bakit hindi ka umamin. Hindi yung itatago mo pa." Sabi niya. Napapikit ako kasi anong karapatan niyang pagsalitaan ako ng ganon eh wala naman siyang alam sa nararamdaman ko. Wala siyang ibang alam gawin kundi ang landiin si alien. Humakbang nako pero bigla niya akong hinawakan sa braso at hinila na lang sa kung saan. Huminto kami sa may fountain na medyo malayo na sa shop. Nasa park na kami.

"Bakit ba? May gusto ka bang malaman tungkol kay Taehyung? Ano!!!" Sigaw ko. Bakit kasi ganito siya. Pisting ilong yan, sarap tusukin ng karayom para mapisat at mawalan ng hangin. Nakakaimbyerna siya!!

"Tapatin moko, may gusto ka ba sakin?" Deretchong tanong niya na nagpahinto sa paghinga ko. Nakatingin lang din siya sa mga mata ko.

"Ang yabang mo naman. Hindi dahil gwapo ka at sikat ka, gusto ka na ng lahat? Okay, wag masyadong mataas ang tingin mo sa sarili mo, kasi kapag bumagsak ka masakit." Sagot ko. Bumuntong hininga siya.

"Fine. Ill change the question. Inlove ka ba sakin?" That. That question makes me cry. Wala na akong palag eh, natumbok niya, isa nga talaga siyang ranger. Nakayuko na ako kasi sobea na akong nahihiya dahil hindi ko mapigilan ang pagpatak ng mga luha ko. Ngayon ko lang kasi nagawang umiyak eh, mula ng magmalfunction ang puso dahil sa taong nasa harap ko ngayon.

Nagulat ako sa sumunod na ginawa niya. Niyakap niya ako at hinagod-hagod ang likod ko. Sheeettt, sana hindi ka ganito sakin Jungkook kasi mas nahihirapan akong magmove on.

"Jungkook wag." Sabi ko saka lumayo sa kanya. "Itigil mo to. Mas mahal ko ang bestfriend ko. Mahal ka niya kaya ako ang lalayo. Mahalin mo siya gaya ng pagmamahal niya sayo. Ingatan mo ang alien namin, kasi kapag nasaktan siya, hindi lang ako ang makakalaban mo. Kundi ang buong Heaven's Place." Sabi ko saka ko siya tinalikuran. Saying those words, I dont even know how I managed to say it. Lutang na ako eh. Sobrang lutang.

DANGER (NamJin FanFic)Where stories live. Discover now