CHAPTER 28

132 5 0
                                    

JIN'S POV

Im still looking at this small thing in my hand. I just cant believe it is true. I gulped and blink for I dont know how many times. As I opened my eyes, it didnt change.

"Namjoon!!!" Sigaw ko mula sa bathroom. Nakarinig ako ng kalabog at ang biglaang pagsulpot niya sa pintuan. Agad akong napatingin sa kanya at saka iniabot ang maliit na bagay na iyon.

Pareho kaming tahimik lang. Lumipas pa ang ilang segundo bago siya tumingin sakin. "Im...pregnant." Sabi ko, kasabay ng pagtingin sa PT na hawak niya. Ilang araw na kasi akong nahihilo at panay ang suka, tapos itong si Taehyung naman bigla na lang sinabing baka buntis ako. Kaya naman agad akong bumili ng pregnancy test kit para makasigurado.

Muli akong napatingin kay Namjoon. Hindi ko inaasahan ang magiging reaksiyon niya. Akala ko magtatatalon siya sa tuwa at yayakapin ako. Pero nakita kong unti-unti ang pagpatak ng mga luha sa mga mata niya. Naguguluhang nakatingin lang ako. "Hin..hindi ka ba... masaya?"

Umiling siya at agad akong nilapitan na nakaupo sa toilet bowl. "No baby. No. Im...Im glad, we made it!!! Yes baby, Im so happy." Agad niya akong niyakap. Seven months na kaming kasal, at nasa stage pa ng pag-aadjust. Kaya naman sobrang blessing ng pagbubuntis ko.

Inilayo niya ako at tinitigan. "Wala ka bang nararamdama? Nasusuka ka ba? O nahihilo. Siguro dapat magpacheck-up tayo." Sunod-sunod na sabi niya habang hinahaplos ang pisngi at buhok ko. Natawa na lang tuloy ako at saka niyakap siya.

Im glad, I really am so glad. Having him as my husband and as a father to our children was one of the best things ever happen in my life. Im such a lucky one.

Pagkatapos makapag-ayos ay agad kaming dumeretcho sa OB ko. Aaminin kong kinakabahan ako at masaya kasi hindi ko alam kung magiging mabuti ba akong magulang sa mga magiging anak namin o ano. Pero muli akong napatingin kay Namjoon ng pisilin niya ang kamay kong kanina pa niya hawak. Tama, andito siya. Dalawa kaming gagabay sa mga anak namin.

Pumasok kami sa loob at nakangiting bumungad samin si Dr. Yoon. Isinalang muna ako sa ibat-ibang test at naghintay muna kami ng ilang oras bago makuha ang resulta.

"Congratulations, Jin. You are six weeks pregnant." Bungad ni Dr. Yoon. Family friend namin ang pamilya ni Haerin, at kahit noon pa mang mga bata kami pinangarap na niya ang pagiging isang doktor.

Agad kaming umalis ni Namjoon pagkatapos akong maresitahan ni Haerin ng vitamins para samin ng baby ko at magbigay ng ilang advices. Sa bahay na kami dumeretcho at sinabi niyang hindi na muna siya papasok.

"Bakit hindi ka papasok sa office. Wag kang mag-alala, walang mangyayari sakin."

"No. Im staying here. Pano kung maghanap ko ng pagkain o may kailangan ka. I want to take care of you, please baby, let me."

Tumango na lang ako bilang sagot. Minsan ang kulit niya rin. Umakyat na lang muna ako sa kwarto namin pra makapagpahinga. Agad akong nakatulog dala na rin siguro ng pagod.

Nagising ako nang makaramdam ng pagkalam ng sikmura. Pagbangon ko, napansin kong nasa tabi ko pala si Namjoon. Marahan ko siyang tinapik para gisingin. "Baby, Namjoon..." bulong ko sa tenga niya.

Dahan-dahan siyang nagmulat at nakangiting humarap sakin. "What do you want, my pink princess?"

"I want vanilla ice cream and strawberry cake. Tapos samahan mo din ng santol at singkamas." Excited na sabi ko. Napapangiwi na lang siya pero agad ding sumunod.

Bumangon ako at naghilamos na agad. Napatingin ako sa salamin at sa tiyan ko. Masuyo ko iyong hinaplos at saka napangiti. I love you, my baby. I cant wait to see you...

----
A liitle update...

DANGER (NamJin FanFic)Where stories live. Discover now