CHAPTER 19

116 5 0
                                    

ROUTE AVENUE

Nakailang linggo na ako rito pero hindi ko pa nalilibot ang buong lugar. Lagi lang kasi akong nakakulong sa kwarto ko, at mamamalengke lang kapag kailangan.

Kaya nga first time ko ngayong maggala. Masarap ang simoy ng hangin at maganda ang sikat ng araw. Muka ngang maganda ang panahon ngayon eh. Dumeretcho ako sa bilihan ng mga bulaklak. Wala man lang kasi akong decoration sa bahay kaya naisip kong bulaklak na lang.

Panay ang amoy ko sa bawat bulaklak na mahawakan ko. Nang bigla na lang may nahulog mula sa langit.

"Ay, kabayong palaka!!" Tili ko sa gulat. Isang lalaking naka all over black ang nakita kong nalaglag mula sa puno. Teka, parang pamilyar ito ah, parang ganito rin yung sa pelikulang Crazy Little Thing Called Love. Hala , baka si Shone ito. Char lang.

Tumingin sakin ang lalaki at nakumpirma ko!!! Tama ang hinala ko, kabayo nga pero hindi palaka. Kakaiba kasi ang expression ko eh.

"Sorry kung nagulat kita." Sabi niya. Teka , pamilyar siya. Parang si...

"Hey, diba ikaw yung isa sa mg kaibigan ni Jin?" Tanong niya. Tumango lang ako. Wait, si ano to eh... Si ano talaga...

"Yes, ikaw si Jimin." Sabi niya. Tumango lang ulit ako. Bigla kasi akong kinabahan ehh.

"Ahmm, anong ginagawa mo dito? I mean, bakit ka nasa puno?" I asked.

"Ahh, yun ba. May shooting kami rit para sa next music video namin. Sa puno kasi ang scene ko kaya inaaral ko na." Nakangiting sagot niya. Tumango lang ulit ako.

"So, kasama mo ba sila Namjoon?" Sa huli, di ko napigilang maitanong iyon, syempre damay sa tanong ko si ano.

"Nope. Ako lang, kasi sa ibang lugar naman si Jungkook. Tapos si Namjoon naman, di kasama sa music video kasi inaayos na lang niya ang mga papers niya para sa pagreresign. Nakakainis nga kasi yung manager naman , bago na." Sagot niya. Di siya madaldal pramiss.

Tumango ulit ako. So wala pala siya rito. Inaya ako ni Hoseok na kumain muna sa restaurant na malapit doon, so pumayag nako.

"Ikaw, bakit ka nandito?" Tanong niya ng makapag-order na.

"Ahmm, nagpapahinga lang." Matipid kong sagot. Ayaw kong ibroadcast na kaya ako nandito dahil broken hearted ako.

"Ahhh. So totoo ba yung sinabi nilang maganda ang lugar na ito?"

"Ewan ko. Di ko pa nalilibot ang buong lugar tsaka ilang linggo pa lang ako rito." Sagot ko.

"So, kung ganon, pwede mo ba akong samahan na maglibot para dalawa tayong umalam ng katotohanan."

Natawa ako sa sinabi niya. Tumango lang ako bilang sagot. Makalipas ang ilang oras ay nasa amusement park na kami. Di pa daw magsisimula ang pagsho-shoot ng music video kaya may oras pa siyang maglibot at tumuklas ng mga magagandang lugar dito.  Yun talaga ang eksaktong sinabi niya.

"Alam mo first time kong magpunta sa ganitong lugar na iba ang kasama. Usually, yung mga members lang ang lagi kong kasama." Pagsisimula niya. Tango lang ako ng tango kasi wala naman akong balak na magkwento.

"So ikaw, pangilang beses mo na ito?"

"Hmm. Marami na. Madalas kasi kapag may oras kami nila Jin at Taehyung, sa mga ganitong lugar kami nagpupunta." Nakangiting sagot ko. Bigla ko kasing naalala si alien, sobrang gusto niya sa mga ganitong lugar.

"Ahhh."

Naglibot-libot lang kami. Medyo komportable na ako sa kanya kasi mas nakakausap ko siya at mas napapansin kong may pagkapraning din pala siya.

"So pano, aalis nako. Medyo late na kasi." Paalam ko ng makaupo na kami sa isang bench na naroon. Tumingin siya sakin at halatang nag-iisip ng magsalita siya.

"Ihahatid na kita." Sabi niya. Magdadahilan pa sana ako pero nauna na siyang maglakad. Sumakay na kami sa kotse niya, kaya mahigit thirty minutes lang ang bineyahe naman. Nauna na akong bumaba ng kotse nang makarating kami sa resthouse.

"Ito pala tinutuluyan mo?" Tanong niya habang iginagala ang paningin niya sa paligid.

"Oo, marami silang pinapaupahang resthouse, pero ito ang napili ko kasi simple at maliit lang."

"Ahhh, madaldal ka rin pala." Komento niya, kaya napahinto na lang ako at biglang napangiti.

"Hindi naman. Mas madaldal ka pa rin." Sagot ko.

Pumasok na ko ng bahay ng makaalis siya. Medyo gumaan din ang pakiramdam ko kasi kahit papano, may nakausap akong kakilala ko.

I decided to switch my phone on, baka kasi may emergency kila Jin. Pagopen ko, biglang dumating ang mga messages nila sakin. And I was surprised when I received a message from him.

Go back. We missed you. I missed you.

DANGER (NamJin FanFic)Where stories live. Discover now