CHAPTER 32

153 4 6
                                    

"Anong ginagawa mo rito?"

Halos manlaki mga mata ko. Kani-kanina lang kausap ko pa siya sa phone tapos ngayon nasa harap ko na siya.

"Come on, lets eat." Di na niya hinintay pa ang sagot ko, agad niya hinila ang kamay ko at hinatak palabas ng office. Uy, konti lang ang tao ngayon. Sana mamaya dagsain kami, yung tipong malulunod na kami sa orders ng mga tao.

"Bakit pa tayo lalayo? Masarap naman ang pagkain dito sa shop?" Tanong ko nang lumabas ako sa shop.

"Gusto ko lang magtry ng iba. Tara." Hinila na naman niya ako. This time mas mahigpit na at mas mabilis ang lakad namin.

Sa kabilang kanto kami napadpad. Di ko alam, may bagong bukas palang restaurant dito. Pagpasok pa lang ay agad na akong naamazed sa ganda ng motif ng restaurant. Parang vintage na modern ang type. Gets niyo.

"Chimchim! Yeorom!"

I gulped as I turned my head, I saw Taehyung, with non-other than Jungkook. Parang nag-accelarate ang heart beat ko. Kung noon gwapo na siya sa paningin ko. Ngayon, sobrang gwapo na. Bago ang hairstyle at haircolor niya. Di ko alam kung ngingiti ako o ano.

Bumulong ako kay Yeorom. "Mapapatay talaga kita. Pramis."

Tumawa lang siya. Imbes na matreathen siya ay ngumiti pa ng pagkalapad lapad at saka hinawakan ang kamay kong kanina ay hila hila niya. Nagugulahan ako ng akayin niya ako palapit sa mesa nila Jungkook. Papatayin yata ako nito ng paunti-unti eh.

"Uy anong meron? Masarap ba dito?" All smile na tanong ni Yeorom. Habang ako ay nakayuko lang at di malaman ang gagawin. Baka kasi mapansin nilang unease ako. May pakiramdaman pa akong kanina pa may nakatingin sakin. Dahan-dahan akong tumingala and voila! Nakatingin sakin si Jungkook, pero masama ang tingin niya.

"Try this. Natikman na namin ni Kookie yan." Kookie. Yeah right. Sila na close, kami na open. Hota walang sense.

"Ikaw, Chim?" Nagulat ako ng akbayan ako ni Yeorom? Chim? Baduy ah.

"Kaw na bahala." Nakangiting sagot ko.

Narinig kong umubo si Jungkook, ubong may meaning. Habang iniintay namin yung orders, ay kwentuhan lang ng kwentuhan sila Taehyung at Yeorom. Close din pala sila sobra.

"You know what. Bagay talaga kayo ng bestfriend ko. Sana maging kayo na."

"Actually, wish granted na." Sagot ni Yeorom sabay taas ng kamay naming naka-intertwined. Pak-u siya.

Kinikilig na pinaghahampas ni alien ang mesa. Nang ibaba ni Yeorom ang mga kamay namin ay kaagad kong binawi ang kamay ko at kinurot siya sa ilalim ng mesa. Halatang nasaktan siya. Buti nga.

Nang maserved ang pagkain ay para akong kakatayin na bukas. Halos kalahati ng pagkain ni Yeorom ay binigay niya sakin.  Pataba ka. Ang payat mo kaya." Sabi niya at saka pinunasan ang gilid ng labi ko gamit ang daliri niya. "Hay, ang kalat mo talagang kumain." At saka niya inalis lahat ng natapon sa pinggan ko.

"Bakit ba, masarap kaya. Tsaka libre to." Sagot kong di maintindihan kasi punong-puno yung bibig ko ng pagkain. Inabutan niya ako ng tubig.

Narinig kong umubo ulit si Jungkook. Problema ng ilong na to? Pansin ko ring di niya ginagalaw ang pagkain niya. Tapos na akong kumain at nagpaalam na pupunta lang sa restroom. Nagkamay kasi ko kaya ang lagkit na nang mga kamay ko.

Habang naghuhugas ay narinig kong nagbukas ang pinto, akala ko ibang tao ang pumasok pero nagulat ako ng marinig kong may nagsalit.

"Your dating him, huh?"

Tumingin ako sa salamin, and there he is, leaning on the wall, crossed arms, at nakakunot noong nakatingin sakin. I flashed him my sweetest smile. He sighed. Nagulat ako sa sunod na ginawa niya. Hinila niya ako sa isang cubicle at malakas na isinandig sa pader. Aaminin kong nakaramdam ako ng takot, di para sa sarili ko kundi para sa mararamdaman ni Taehyung. Tinitigan niya ako ng ilang minuto.

Di ko alam kung anong gagawin, di ako makakilos at mas nagpahirap pa sakin ay may pumasok na tao, pwede naman akong sumigaw o gumawa ng eksena. Pero natakot ako.

Nagulat ako ng mas diinan niya ang mga kamay niyang nasa balikat ko at saka ako siniil ng halik sa mga labi. Nanlalaki ang mga matang di ako makakilos.

Is this how his lips tasted? Is this how his lips moved? Is this how he kissed Taehyung, or the other way around? Pain crushed through me as images of them kissing flashed through my mind. I want to protest but as my mind screams for it, my heart disagree. Unti-unti kong naramdaman ang pagluwag ng hawak niya sakin, kasabay ng pagbagal ng halik niya. Tumagal lang iyon ng ilang segundo. Narinig kong lumabas na rin yung taong pumasok kanina.

"Dont. Ever. Go. Near. Him."

Magsasalita pa sana ako pero…

"Please."

Nalunok ko na ata lahat ng iyon sa huling salitang sinabi niya. For a moment di ako nakapagreact, hanggang sa namalayan ko na lang na wala na siya sa harapan ko. Napaupo ako sa bowl habang hawak-hawak ang dibdib ko. Daig ko pa ang tumakbo sa bilis ng tibok nito. Sobrang bilis, na naghahalo na ang pagkalito, kaba, takot sa sistema ko.

--
JIN'S POV

Kasalukuyan akong nasa mall para sa groceries at para na rin makapasyal. Nasa business conferrence kasi ngayon si Namjoon at tatlong araw silang mag-s-stay dun. No worries naman ako kasi okay naman kami ni baby at isa pa kaya ko naman ang sarili ko.

Papalabas na ako ng stall ng may tumawag sakin. "Jin!?" Paglingon ko, si Yoongi. He has a wide smile plastered on his face. "Kamusta? Your looking good."

"A-ayos na naman. Ikaw ba?"

Ang akward pala no. Kausap ko ngayon yung karibal ko dati kay Namjoon.

"Ayos lang din. Getting married soon." Sabay taas ng daliri nya. I smiled wide.

Nag-usap pa kami at saka ko nalaman na nung umalis siya ay sa Australia pala siya nagpunta at dun niya nakilala ang fiance niya ngayon.

Nagulat na lang kami ng makarinig ng mga taong nagtatakbuhan at kasunod niyon ay ang emergency alarm. Agad kaming nagkatinginan ni Yoongi at sabay na tumayo, wala kaming kaalam-alam sa mga nangyayari at nagsisimula na rin akong kabahan. Hinawakan ni Yoongi ang kamay ko." Anong nangyayari? Bakit nagkakagulo?" Tanong ko sa kanya.

Huminto kami sa isang gilid dahil stampid na sa escalator, sigawan ng sigawan ang mga tao, halos lahat ay umiiyak na, mas kinabahan ako ng makitang may mga pulis nang romoronda. Anong gaguluhan ba ang nagaganap? Napahawak ako sa tiyan ko. Jusme, mapapaanak ako ng wala sa oras.

Kinuha ko ang phone ko para sana itext si Namjoon pero agad ko ring nabitawan dahil sa pagdagsa ng mga tao sa paligid namin. Napapikit ako, ano ba naman yan. Di ako nagpahalata kay Yoongi na iba na ang pakiramdam ko.

Binitawan niya ang kamay ko. "Wait here, Ill just check it." Tumango ako bilang sagot.

Muli na namang tumunog ang emergency alarm at kasabay nun ang pagsabog ng kung ano, malapit saamin. Lalong nagkagulo ang mga tao, at may sumabog na naman, naiiyak na ako sa kaba at takot, para sa anak ko.

Isa pa si Yoongi, asan na ba siya? Baka natabunan na? Ang liit kasi eh. Naisipan kong tingnan ang nasa ibaba para sana alamin kung anong nangyayari sa iba, pero dahil sa nagkakaguluhang mga tao ay natangay ako sa parang agos ng mga tao at nagulat na lang nang may marinig na naman kaming pagsabog, this time malapit samin. Sobrang lapit na halos nararamdaman ko na ang pagguho ng kisame at ang pagkakatabon nito samin.

Hindi ako makagalaw dahil sa sementong nakadagan sakin at puro usok na ang nakikita ko sa paligid. Pero mas nakadagdag sa kaba ko ay ang pagdaloy ng likido sa pagitan ng mga hita ko. Nanginginig ang mga kamay na kinapa ko ang tiyan ko, hanggang sa unti-unti akong mawalan ng malay.

------
Im just very fond of JiKook nowadays so sobra talaga akong nageenjoy sa JiKook Moments. I hope you enjoy this chapter as I am. Hope you would vote and atleast leave a comment(if ever someone out there reading this)
Thanks...

DANGER (NamJin FanFic)Where stories live. Discover now