Nasa sementeryo kami ni Namjoon ngayon. He wanted to asked my parents personally for our wedding. Actually, its been almost a year since I last visited them. Masyado akong nagfocus sa restaurant eh.
Inilapag ko ang mga dala-dala naming bulaklak, habang naglatag naman si Namjoon ng blanket para maupuan.
"Eomma, Appa. Si Namjoon po." Nakangiti kong sabi ng makaupo kami. Naiiyak ako, sheeettt!!!
"Eomma. Appa. Ako po si Namjoon." Natawa ako sa pag-ulit niya sa sinabi ko. "Ako po yung magdadala sa anak niyo sa harap ng altar. Ako po yung mag-aalaga sa kanya kapag nagkasakit siya o kapag tumanda na siya o kapag nagtrantums na siya. Ako po yung makakasama niya, habangbuhay."
Unti-unti nang magsimulang pumatak ang mga luha ko. Nakakainis ka Namjoon, bakit kailangan mo pang sabihin yun?
"Kita niyo na, sa sobrang pagmamahal sakin ng anak niyo, naiiyak na lang siya." Natatawang sabi niya bago niya ako niyakap. Natawa na rin ako sa kalokohan niya.
"Pero seryoso po ako. Pangako ko pong aalagaan at iingatan si Jin, kahit anong mangyari. Pangako ko po yan, Eomma at Appa."
----
"High school ako ng maaksidente sila Eomma at Appa. Nasa school pa ako nun, tapos bigla na lang akong pinatawag ng teacher namin at sinabing naaksidente sila. Pagdating ko sa hospital, wala na dead on arrival daw. Halos isumpa ko nga yung truck driver eh, nakakainis kasi. Bakit sila Eomma at Appa pa???" Naiiyak na pagkwekwento ko habang hinahagod lang niya ang likod ko.
"Simula noon, bumaba na ang grades ko at nagagalit na rin sila Ajumma at Ajussi sakin kasi napapabayaan ko na raw ang buhay ko. Kinuha nila sakin ang bahay, at pinatuloy ako sa orphanage. Pero wala akong ginawa kasi para lang akong nanghihina at di makapag-isip ng maayos. Bago magcollege, kinuha ako nila Ajumma at ibinalik sakin ang bahay na pamana nila Eomma. Tapos nakilala kita. Nainlove ako sayo, kahit ayaw ko sana. Ang kulit mo kasi eh." Natatawang sabi ko na ikinatawa niya rin. Di pa niya alam ang nakaraan ko, kung sino ang mga magulang ko. Kung maayos ba o hindi ang buhay ko bago niya ako makilala.
"Tapos, sinaktan kita at iniwan. I was really so stupid back then. So stupid that Ive regret it all. Im so sorry, my princess." Sabi ni Namjoon habang yakap ako at patuloy lang sa paghagod sa likod ko. Pramis wala na akong libag maaalis jan mamaya.
"Alam ko, kaya nga binigyan kita ng another chance diba? I gave you one, cause I knoe you deserved one." Lumayo ako at tinitigan siya sa mga mata niya. Looking straight through his eyes, was one of my favorite things. "Thats why you shouldnt break or waste it. Kasi baka wala ng kasunod." Seryosong sabi ko habang tinatap yung pisngi niya.
He chuckled so am I. Nakakatuwa naman, nasa sementeryo kami pero ang sweet namin. Okay na sana ang mood eh, kaya lang may bigla na lang babaeng umiyak. Yung iyak na parang eksahirada. Nakakaboset lang.
Nagpalingon-lingon kami ni Namjoon at nakita namin ang isang babaeng todo iyak sa harap ng puntod. Baka kamamatay lang. Tumayo si Namjoon at nilapitan ito. Pipigilan ko sana, pero alam kong kabutihang asal lang naman ang ipapakita niya kaya okay lang. Di ko marinig ang pinag-uusapan nila kasi malayo sila , pero kitang kita ng mga magagandang mata ko ng bigla na lang yakapin ng babae ang future husband ko. Napasugod tuloy agad ako.
---
NAMJOON'S POVNilapitan ko ang umiiyak na babae kasi baka sobrang bigat ng dinadala niya dahil grabe ang pag-iyak niya.
"Excuse me, Miss? May maitutulong ba ako sayo?" Magalang kong tanong. Tumingala siya at saka tinitigan muna ako bago siya sumagot.
"Oo, meron nga." At bigla na lang siyang umiyak katulad ng pag-iyak niya kanina. Nilapita ko pa siya. "Kamamatay lang ng asawa ko kay sobra akong apektado. Pwede mo ba akong icomfort kahit saglit lang?" Pagkasabi niya nun ay bigla na lang niya kong niyakap. Gusto konh pumalag kasi baka makita kami ni Jin, pero muka talagang miserable ang babaeng ito.
"Excuse me, MISS? WHY. ARE. YOU. CLINGING. WITH. MY. FIANCE?" Biglang bungad ni Jin mula sa likod ko. Halata ring galit siya based sa pagbigkas niya ng mga salita. Mulang walang balak na lumayo ang babae kaya ako na lang ang gumawa.
Nilapitan ko si Jin, na nakasimangot na.
"Im-im sorry." Yun lang ang nasabi ng babae. Tumango lang si Jin at saka hinatak na niya ako paalis. Mapanuri niya akong tiningnan ng makabalik kami sa pwesto namin.
----
JIN'S POVEwan ko peri masama ang pakiramdam ko sa babaitang yun. Para siyang utot na ayaw kong maamoy at parang tae na ayaw kong makita. Nakakapanginig siya ng laman. Nakakainis.
Pero mas naiinis ako kay Namjoon kasi wala man lang siyang ginawa para pigilan yung babae, mukang type pa nga niya eh. Nakakboset talaga.
YOU ARE READING
DANGER (NamJin FanFic)
Fiksi PenggemarTrying to forget someone that is always on your mind is something that is hard to do. I tried to forget but I end up remembering those times when were together. Im always the loser. I cant resist him- he seemed to be irresistable to me, and I cant d...