Prologue:
Papano naman kaya kita magagawang kalimutan kung sa bawat pag-gising ko sa umaga, ikaw ang nais kong makita? Papano kita magagawang kalimutan kung ang mga araw na nagdaang magkasama tayong dalawa, ang s'yang araw na naging masaya at buo ang pagkatao ko? Papano kita makalilimutan kung sa katahimikan nang gabi, tinig mo ang s'ya kong naririnig? Papano kita magagawang kalimutan kung magpahanggang ngayon, ikaw parin ang laman ng aking isip at damdamin? Papano kita makalilimutan kung sa bawat araw, umaasa akong bigla ka na lamang lilitaw sa 'king harapan at yayakapin ako nang buong higpit?
Papano kita magagawang kalimutan kung sa dinamirami nang taong nakapalibot sa 'kin, ikaw ang nais kong makapiliing...
-- Warren Han
Mula noong magising ako nang araw na iyon, pakiramdam ko, isa akong sisidlan na walang laman. Para akong isang blankong papel na naghihintay sulatan. Pakiramdam ko, isa akong bagay na hindi alam ang pakinabang sa mundo. Para akong bato na lumulutang sa kalawakan at hindi alam ang pupuntahan. Para akong isang kabayo na takbo nang takbo ngunit, wala namang patutunguhan.
Bukod sa paghinga, pagkisap ng aking mga mata, paglalakad at pagkain ay wala na akong ibang alam gawin noon. Ultimo simpleng tawag sa isang bagay ay hindi ko alam. Wala akong maalala. Sarili ko ngang pangalan ay hindi ko rin maalala. Daig ko pa ang bulag, pipi at bingi nang araw na iyon ngunit, pinili ko pa ring mabuhay dahil batid kong maaring may taong naghihintay sa 'king pagbabalik...
-- Mia White
TITLE: Everything has Change (My Assassin Girl's BOOK 2)
BY: aFaceWITHOUTaName
***
NOTE: This story is a work of fiction. Names, characters, places and incidents or events are products of the author's imagination or are used fictitiously. Any resemblance to actual events or locales or persons, living or dead, is entirely coincidental. All rights reserved. No part of this story may be reproduced, stored in retrieval system, or transmitted, in any form or by any means, electronic, mechanical, recording or otherwise, without the prior permission of the author. Thank you.
BINABASA MO ANG
Everything has Change (My Assassin Girl Book 2)
Teen FictionTunay nga bang magagawang alalahanin ng puso ang hindi magawang maalala ng isipan? Pero pano kung sa pagbabalik nang iyong mga alaala ay marami nang nagbago? Pano kung sa pagbabalik nito ay kumplikado na ang lahat? Pipiliin mo pa ba ang panahong naw...