Chapter 6

296 13 6
                                    

CHAPTER 6: Karren

Mia White's P.O.V.

Makalipas ang ilang minuto mula noong umalis si Harry sa resto ay inayos ko na rin ang aking sarili para umalis. Agad kong binaybay ang daan papunta sa pinakamalapit na books store kung saan ako madalas bumibili ng libro.

Habang naglalakad ako sa tabing kalsada ay hindi ko pa rin maiwasang mapangiti. Hindi pa rin kase ako lubusang makapaniwala na nalalapit na ang pagbalik ko sa Pilipinas.

Ang sarap sa pakiramdam!

Pakiramdam ko ay napakaganda at napakagaan ng araw ko ngayon. Para bang walang ano mang bagay ang maaring makasira ng araw at mood ko.

Sana ay palagi na lang ganito.

Agad akong pumasok sa books store noong marating ko na ito. Pumunta ako sa novel section at hinanap ang hilera ng mga libro ng paborito kong author na si Virginia Andrews. Naghanap ako ng libro n'ya na wala pa ako pero sa kasamaang palad, lahat ng libro n'ya dito sa book store ay meron na ako.

Sayang naman.

Naglibot-libot ako sa loob para humanap ng maaring mabili hanggang sa mapadpad ako sa magazine section. Napansin ko ang isang travel magazine at tamang-tama na ang Pilipinas ang pangunahing topic nito. Kinuha ko iyon at tiningnan ang cover nito na ipinapakita ang isang beach sa Pilipinas.

Ang ganda.

Kahit sa picture ay mukhang napakaganda nito, pano pa kaya sa personal?

Napangiti ako sa 'king sarili at tuluyan ng hinawakan ang magazine para bilhin ito. Naglibot-libot pa ako sa loob at napagdesisyonan kong bumili nang isang magandang notebook. Naisip kong pagdating na pagdating ko sa Pilipinas ay isusulat ko dito ang lahat ng mangyayari.

Maganda man o hindi.

Sigurado akong makakatulong ito para mapabilis ang aking pag-galing.

Noong wala na akong nakitang maari kong bilhin ay naglakad na ako sa counter para magbayad. Nginitian ako ng babae sa cashier na halos naging kaibigan ko na dahil sa dalas ko dito.

"Not buying a book?" usisa niya noong makitang tanging magazine at notebook lamang ang aking inilapag sa kanyang harapan.

Nakangiti akong umiling sa kanya at masayang sinabing "Nope."

She smiled back at me habang ini-i-scan ang aking mga binibili. "You look so happy today. Did something good happen?"

Natigilan ako at gulat na napatingin sa kanya. Muli itong ngumiti sa 'kin na para bang natutuwa s'ya sa nakikita niyang kasiyahan sa 'kin.

Sa pagkakataong ito ay hindi ko na napigilan pang mapangiti nang malapad. "Not just good. I think it's better to consider it as the best thing that happened to me for almost five years..." sabi ko sabay bigay sa kanya nang isang matamis na ngiti.

"That's good to hear..." wika nito sabay tingin sa travel magazine na aking bibilhin. "Looks like you're planning to travel, huh?"

Tumango-tango ako sa kanya. "Yup. I'm planning to go back to the Philippines..." I said cheerfully.

"Wow! That's a very good news..." sambit nito habang iniaabot sa 'kin ang bag kung nasaan ang aking pinamili. "Here, 15 dollars..."

Kumuha ako sa 'king wallet nang eksaktong 15 dollars at ibinigay ito sa kanya.

"Thank you..." sabi n'ya.

Muli lang akong ngumiti sa kanya pagkatapos ay naglakad na ako palabas ng books store. Napatingin ako sa 'king relo at noong makita kong maaga pa naman ay naisipan kong dumaan sa cake shop na isang kanto lang naman ang layo mula dito. Balak kong bilhan ng paborito niyang cake si Harry bilang pasasalamat.

Everything has Change (My Assassin Girl Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon